PHANTOM 8

940 53 0
                                    

Yuhan

After magbigay ng prof. ng mga gawain ay ibinalik ko ang mga gamit ko sa bag.

teka? nasaan yong phone ko?

shit!

hinahanap ko sa loob ng bag ko pero wala.

saan ko nalagay? Kailangan ko pa namang ma chat si kaizer para sabay kaming umuwi.

kaagad akong lumabas ng room at napatigil ako ng makita ko si kai at kasama niya yong blake at yong lalaki kanina sa cr.

"Are you looking for this?" tanong niya at nasakanya ang cellphone ko.

Thank God!

"Omg! buti nakita mo! huhuhu" sabi ko at kinuha ko sakanya ang cellphone ko.

"Hay naku yuhan di ako ang nakakita niyan kundi siya" at tinuro niya yong lalaki, bigla akong nakaramdam ng hiya.

jusko kasi naman.

"Hi im jake nakita ko yan kanina sa cr nung umalis ka after mo—"

"Ohhh salamat! im yuhan by the way" kaloka baka iba pa yong lumabas sa bibig ng lalaking to.

"Uy alam mo bagay kayo ni jake!" sambit ni kai habang naglalakad kami palabas ng university kaloka talaga tong taong to!

"Tse! Tumigil ka nga diyan" sambit ko.

patuloy parin siya sa pang aasar niya kaya't di ko nalang siya pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may babaeng biglang bumangga saakin.

"S-sorry" sambit niya at nag bow at umalis din kaagad napansin kong parang umiiyak siya.

"Anyare dun?" tanong ni kai saakin nag kibit balikat nalang ako at naglakad na ulit kami may nakasalubong kaming lalaki na parang hinahanap.

Baka magjowa sila.

Nang makarating kami sa kotse ay sinabi ko kaagad kay kai ang pangyayare kanina.

"Nakakatakot naman yan!" sambit niya ng ikwento ko yong nangyare sa cr kanina.

"As in alam mo yon? duguan talaga yong mukha niya pero buti nalang dumating yong Jake." sambit ko.

"Well baka isa yon sa mga namatay dun sa school kasi diba haunted nga ang school natin at sa mga kwento-kwento may lalaki din daw na namatay doon at yon daw yong mas nakakatakot sa lahat." nanayo ang balahibo ko.

Thats so scary si dustin kaya may alam tungkol sa mga ganun? nang makarating ako sa bahay ay kaagad akong dumiretso sa kwarto ko. i quickly open my laptop di ako mapakali eh.

Fredstone university.

Napanga-nga ako sa nakita ko, matagal na pala ang school na to at pinatayo to noong 1980. nag scroll pa ako hanggang sa umabot ako sa may news about sa school.

and it says na every year start noong year 2010 ay may namamatay na studiyante sa school na to.

Omg!

Napalunok ako so ibig sabihin isa sa mga namatay na studiyante sa fredstone yong babaeng nakita ko sa cr?

Bigla akong kinilabutan.

3rd Person's Point's of View

Iyak lang nang iyak ang babae habang hawak-hawak ang lubid na nakasabit sa puno sa garden ng school, iyon ang naisip niya upang matapos ang problema niya.

Mula sa malayo ay may isang lalaking nakatingin lang sakanya at napapailing nalang ang lalaki dahil sa gagawin ng dalaga. napapikit na lamang siya ng tuluyan nang gawin ng dalaga ang binabalak nito.

Yuhan

Kinabukasan....

"OMG! NAKAKATAKOT!"

"MAY NAMATAY NANAMAN?!"

"TANGINA NAKAKATAKOT TALAGA!"

Napanga-nga ako ng makita ko ang pinagkakaguluhan ng studiyante.

May babae kasing nagbigti dun sa may puno kong saan kami umuupo ni dustin.

Shit!

"Omg! nakakatakot naman yuhan ano na bang nangyayare? noong nakaraan may tumalon mula sa rooftop tapos ngayon ito nanaman?" di ako makagalaw.

maya-maya ay tumabi kami dahil dadaan na yong bangkay na bitbit ng mga awtoridad at napasinghap ako ng makita ko ang mukha ng babae.

Shit!

Siya yong nakabungguan ko kagabi!

"OKAY EVERYONE! GO TO YOUR CLASS NOW!" Hindi maari!

napatingin ako sa lalaking iyak ng iyak na pinipigilan ng mga kasama niya at siya yong lalaking humahabol sa babae kahapon.

Jusko lord!

Maya-maya ay nagpaalam na saakin si kai dahil may pasok na siya kaya't naiwan nanaman akong mag-isa.

paano na yan? di na ako makakapunta sa garden na yon dahil nga may namatay dun.

Sinubukan kong hanapin si dustin dahil may free time pa naman ako at naisipan kong puntahan ang building nila but i failed dahil wala akong nakitang dustin.

Bumalik nalang ako sa building namin at habang naglalakad ako ay napadaan ako sa isang room ito yong room na na curious ako at ngayon bukas na ang ilaw sa loob.

Sinubukan kong sumilip at may nakita akong tao sa loob. Napakunot ang noo ko dahil di studiyante ang nasa loob kong hindi isang professor at parang galit na galit siya habang may kausap sa phone.

di ko siya kilala at napatigil siya sa pagsasalita at unti-unting lumingon saakin. nakaramdam naman ako ng hiya kaya't akmang aalis sana ako ng may magsalita sa likuran ko.

"What are you doing?" napapikit ako nilingon ko siya.

"Dustin" Ngumiti ako sakanya.

Kinikilig nanaman ako dahil sakanya.

THE PHANTOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon