Nakaraan, kaya ba kitang kalimutan?
Palalayain at hahayaan ba kita?
O ipag lalaban pa?
Kahit nahihirapan at nasasaktan na?
-PrinsesaHabang kami ay tahimik na naglalakad ni senor Mikoy pauwi, kami ay nilapitan ng mga taong tumutugtog kung kaya't wala na rin kaming nagawa kundi sumama
"Senor, halika tayo muna ho at mag saya" wika ng isang ginang.
"ano ho bang mayroon ngaung araw dito sa maliit na parke?"magalang na tanong ni senor
"mayroom lamang pong maliit na pagdiriwang senor, maaari ho bang kami ay inyong samahan?"
Ngayon ko lamang napansin na puno ng makukulay na mga banderitas ang nagsabit kung saan saan. Tila pinaghandaan nga ito ng mga tao rito
Wala kaming nagawa ni senor mikoy, kami ay isinama sa may entablado at doon kitang kita namin ang mga masasayang tao na nag diriwang
Kahit saan mo ilingon ang iyong mga mata ay pawing lahat sila ay nag sasaya sa ginaganap ngaun.
Nagulat na lamang ako ng lumapit sa amin ang isang lalaki at may dalang gitara.
"senor, batid kong malaam kayong mag gitara, maari nyo ho ba kaming tugtugan kahit isang awitin man lamang? "
Napalingon ako kay Senor mikoy, tila ito ay nahihiya rin. Napalingon rin siya sa akin at tinanguan ko lamang siya at nginitian.
"Anong pangalan mo isang binata?" tanong ni Senor sa lalaki habang kinukuha ang gitara.
"ah, ang ngalan ko ho ay Markus" magalang na tugon ni Markus
"Sige, markus, ako ay await para sa inyo" nakangiting tugon ni senor mikoy.
Napangiti na lamang ako. "kaya mo yan senor" pinapalakas ko ang kanyang loob
Nginitian nya ako bilang sagot at tumayo na sya hawak ang gitara.
Natahimik ang mga tao, at napatingin sa gawi naming. Sa gitna ng entabladong ito a pumwesto si senor.
"ang aking aawitin ay alay ko sa inyong lahat at sa kanya"
Nagulat ako ng mapatingin sa akin si senor. Tila ako ay nanlamig, bumibilis na naman ang pintig ng aking puso.
Ang mga tao ay nag pipigil ng kanilang Mga tili.'Bakit kaba ganiyan Señor?'
Nag simula nang Tumugtog si Señor Mikoy.
San Darating Ang Mga Salita
Na Nanggagaling Sa aming dalawa
Kung lumisan Ka, wag naman Sana
Ika'y kumapit na, nang di makawala~
Napatigtig na Lamang ako Kay Señor Mikoy habang siya Ay umaawit
Napaka ganda ng Kaniyang boses.
Aking Sinta. Ikaw na ang tahanan at mundo~
Lumapit Siya Sa akin At Inaya ako sa Gitna. Hindi na lamang ako Umimik. Hindi ko Pinahalata ang aking kaba na namumuo sa aking dibdib.
Sa pag balik, mananatili na sa piling mo~
Nakatitig Siya sa aking habang siya ay Umaawit, nag iwas tingin na lamang ako. Napansin kong ang mga tao ay Tila nakataas lahat ang Kamay at Marahang iwinawagay-way kasabay sa Awit ni señor.
Wag Mag alala, kung nahihirapan ka~
Nag tagpo ang aming mga mata, Tila kami Ay nag uusap Gamit ito
