"Ate, hali ka na, mahuhuli ka pa sa iyong pag tuturo sa inyong silid" rinig kong aya sa akin ni Dante.
Tatlong araw na ang nakalilipas magbuhat nang mawala ang pinakamamahal kong ina. May kirot pa rin sa aking puso dahil sa nangyaring iyon. Ayon sa mga sibil, hinahanap pa daw si Gustavo, ang rebel na nakabaril sa aking ina.
Tumayo ako sa aking kinauupuan at lumabas na, naabutan ko naman si Dante na naroon at naka upo sa isang tabi, iniitay niya ako.
"Tara na Dante, baka maya maya ay abutin tayo ng ulan, madilim pa naman ang kalangitan ngayon."
Napatayo siya sa pagkakaupo, lumapit siya sa akin, ang kaniyang mga mata ay puno ng pag aalala sa akin.
"Maayos na ba ang iyong pakiramdam ate? Kung hindi pa ay maaari ka namang lumiban muna ng ilang araw pa, siguradong maiintindihan iyon ni madam Cora." alam kong nagaalala sa akin si Dante ngunit, kailangan ko ring magtrabaho para kumita kahit kaunti.
"Ayos lamang ako, huwag mo ako alalahanin, ikaw ang dapat mag ayos, tingnan mo ang iyong pangangatawan, nabawasan kana ng timbang, tingin mo ba ay matutuwa si Inay kung ganiyan ka ngayon?"
Nag aalala rin ako sa aking kapatid, halos dalawang araw na siyang abala sa trabaho at hindi maayos ang tulog.
Napakamot siya sa kaniyang batok, naalinlangan kung sasagot pa ba sa aking tanong.
"Maayos din ako ate. Kaya ko pa naman, halika na ate para hindi tayo mahuli"
Nag simula na kaming maglakad papuntang Bayan nitong probinsya ng Mindoro, sa silid ng aking guro.
Habang kami ay nag lalakad papuntang bayan, ang mga tao sa labas ay halos nababawasan, ang iba ay nasa loob ng kanilang tahanan, nakadungaw sa labas. Kalat na sa aming probinsya ang tungkol sa nangyari noong isang araw, tungkol sa rebelde na na iyon.
"Ate Isay, iyo bang nalaman kung saan daw tutungo si Itay? Napakaaga niya kasing umalis kaninang umaga" biglang baling sakin ni Dante at nag tanong.
"Ang sabi ni Itay, siya daw ay hahanap ng iba pang trabaho, kailangan daw niyang mag banat ng buto pa para sa atin" sagot ko naman sa kaniya.
"Sapat na naman ang ating kinikita para sa atin, mahihirapan lamang si itay kung mag dadalawang trabaho siya" bakas sa tono ng kniyang pananalita ang pag aalala.
"Hayaan mo at kakausapin natin mamaya si Itay" nag patuloy kami sa aming pag lalakad patungo sa silid.
Nang makarating kami sa harap ng silid ni Madam Cora, nag paalam naman agad si Dante na siya ay tutungo na sa hacienca Flores upang bumalik sa trabaho.
Nang makapasok ako sa loob ng silid, bumungad naman sa akin si Ginnong Nikolo na nagtuturo sa unahan ng mga bata. Napatingin siya sa akin nang maramdaman niya ang aking presensya. Napatigil siya sandali, at nag paalam siya saglit sa mga bata, upang lapitan ako.
"Maayos na ba ang iyong pakiramdan binibining Isay?, kung hindi pa maaari namang lumiban ka muna, maiintindihan naman iyon ni Madam Cora" wika niya nang makalapit siya sa akin.
Ngumiti ako sa kniya upang ipakita na maayos lamang ako, "Siya nga pala, nasaan si Madam Cora at si Tina?" tanong ko naman sa kaniya ay iniuli ang aking paningin rito sa loob ng silid.
"Si Tina ay may ensayo daw ngayon ng pag awit, kung kaya tumungo siya sa San Isidro. Samantalang si Madam Cora naman ay nasa teatro, katulad ni Tina, mag eensayo rin siya kasama ang ibang mga mang aawit, nalalapit na rin kasi ang Pyesta ng Mindoro, kung kaya nag hahanda na sila" mahabang paliwanag niya sa akin.
Nalimutan ko, nalalapit na nga pala ang pyesta rito, sa darating na Agosto 13, ang araw pag katapos ng aking ika-19 na kaarawan. Mahina talaga ako pag aalala ng bagay bagay, kaya nalilimutan ko agad, ngunit kung ang alaala kay napaka halaga, hindi ko maialis sa aking isipan.
"Nalimutan ko nga palang sa isang linggo na ang pag diriwang rito" ngiti kong tugon kay Ginoong Nikolo.
"Ikaw ba ay mag tuturo na ngayon?" tanong naman niya sa akin.
Tumango ako, "Oo, maayos na rin namn ako at Isa pa, dala ko na ang aking gamit sa lag tuturo" pinakita ko pa ang libro kong hawak, ang librong bigay ni Senor Mikoy.
Tumango siya sa akin, binigyan niya ako ng daan patungo aa unahan ng mga bata. Nakita ko naman agad sa mga mata nila na sabik rin nila akong makitang magturo
"Ate Isay! Maligayang pagbabalik!"
"Nagagalak kaming makitang maayos ate Isay!"
"Magtuturo kana bang muli ate Isay?"
"Ate isay!"
Napangiti ako ng abot sa aking tainga, hindi ko akalain na ganito sila sa akin pag katapos kong lumiban sa pag tuturo ng tatlong araw. Tumingin ako kay Ginoong Nikolo, na ngayon ay nasa likod ng mga bata, nakaupo sa isang upuan habang nakamasid sa amin. Binigyan ko siya ng Ekspresyon na nag papahiwatig ng hindi ko alam ang aking sasabihin sa mga bata. Isinukli naman sa akin ni Ginoong Nikolo ang isang tango at matamis na ngiti. Ngunit bakit ganoon, parang pamilyar sa akin ang mga ngiting dinadala niya, parang nakita ko na iyon dati, hindi ko lamang maalala.
Ang mga ngiti ni Ginoong Nikolo ang nagpalitong muli sa aking isipan, tila nararamdaman kong parang malapit kami sa isa't isa ngunit parang ang layo.
'Sino ka ba talaga?, Ginoong Nikolo'
'Bakit ang lakas ng iyong dating sa akin, anong mayroon sa iyo?'
"Ate Isay Ayos ka lamang ba?"
"Ay Koko!" nagulat ako nang hawakan ng isa kong estudyante ang aking kamay at nagtanong. Ngunit mas nagulat ako sa aking binitawang salita, bakit ko nga ba iyon nasabi.
Bago pa lumipad kung saan saan ang aking isipan, aking binuklat na ang librong bigay ni Senor Mikoy.
Sa unang pahina, nakalagay kung ilan ang bilang ng mga tula ang naroroon, tatlong-daan, animnapu't lima.
"Ang aking ituturo sa inyo ngayon ay ang paggawa na mismo ng isang tula" napaayos namn ng tayo ang mga bata, bakas ang pag kagalak sa kanilang nga mata.
Ako naman rito ay naiilang sa tingin ni Ginoong Nikolo.
"Babasahin ko sa inyo ang tula, makinig at intindihin ninyong mabuti ang aking bibitawang mga salita"
"Opo ate"
"Sige po ate Isay"
Sumulyap muna ako kay Ginoong Nikolo sa likod, at nag iwas ng tingin. Ibinaling ko sa aking librong babasahin ang aking paningin.
"Ulan"
Pumapatak ang butil ng ulan
Kasabay nito ang pag sasama nating walang hanggan
Bumubuhos ng kay lakas
Tulad ng pag mamahalan nating walang wagas.
Tumatagal, ay sumasaya
Napapawi ang mga lungkot na dala
Sana ang ulan ay pang habang buhay na
Ngunit hindi pwede 'pagkat ang ulan ay matatapos na
Sa pagtagal nga ay sumasaya,
Ngunit sa huli ay lumalamig na pala
Iiwan at unti unting magsasawa
Tandaan, palaging may lungkot, pag katapos ng saya.
Nababsa na pla ang libro kong hawak, dahil sa tulang iyon. Bakit kaya,
"Bakit ka lumuha, tadhana"
End of Chapter 11
- Prinsesa