KABANATA 13

10 1 4
                                    

Enjoy : )
  - Prinsesa

Napatayo ako sa aking kinauupuan nang marinig ko ang sinambit ni Senor Mikoy. Nakalikha naman ako ng malakas na ingay sapagkat nakasanggi ako ng isang babasagin na mwebles.

"Ayos ka lamang ba Isay?" agad akong dinaluhan ni Koloy sa aking kalagayan. Gustong niyang hawakan ang aking mga braso upang tingnan kung ako'y may galos o wala ngunit hindi siya maaaring mag padalos dalos sa kaniyang kilos.

Napaayos ako ng tayo nang marinig kong papalapit na si Senor Mikoy sa gawi namin.

"Ate Isay, anong sadya mo rito?" bigla namang lumapit sa akin si Dante.

"Ibibigay ko sana sa iyo ang meryenda mo, nalimutan ko kasing iabot sa iyo ito kanina" pag abot ko sa meryenda niya.

"Maayos ka lamang ba Binibining Isay? Hindi ka ba nasugatan?" Tanong ni Senor Mikoy sa akin, bakas sa kaniyang mga mata ang pag aalala.

"Maayos lamang ho ako, pasensya na ho at nasanggi ko ang isa sa mamahalin ninyong mwebles" nakayuko kong tugon.

"Maayos lamang iyon, ang mahala ay maayos ang iyong kalagayan" tugon nman no Senor.

"Manang Nelia, paki ayos na lamang ng mga nabasag rito, pagpasensyahan mo na po ang aking bisitang si Binibining Isay, marahil ay may bagay lamang na nakapag pagulat sa kaniya kung kaya nasanggi niya ang mwebles na iyon"

Nagulat ako sa kaniyang paraan ng pagsasalita, siya ang anak ng may-ari ng buong hacienda Flores, ngunit bakit napakagalang niya sa kaniyang nga tagapag silbi, siya pa ang humihingi ng pasensya

"Senor Mikoy, ako dapat ang humingi ng pasensya sa inyo dahil sa pagkabasag ng isa sa pinaka importanteng mwebles dito" Wika ni Manang Nelia at palalapit sa nasanggi kong mwebles

Nakaramdam naman agad ako ng pinaghalong kaba at pag aalala nang marinig kong importanteng mwebles pala iyon.

"Ayos lamang iyon Manang Nelia" nakangiting tugon ni Senor upang ipakita ayos lang sa kaniya ang nangyaring iyon.

Nang matapos ni Manang Nelia ang paglilinis, tatalikod na sana si Senor ay nag bitiw ako ng salita,

"Senor Mikoy, maaari ho bang makausap kita?" nakayuko kong tugon, naka tingin pa sa kaniyang paanan.

Nakita ko namang humarap siya sa gawi ko.

"Oo nmn binibini, halika at sundan mo ako" alam kong tutungo kami sa isang lugar kung saan kami lang ang mag uusap na dalawa.

Tumigil kami sa pag lalakad nang marating namin ang isang ilog. Napakalinis ng tubig na dumadaloy rito. Nakita ko naman si Senor na papalapit sa isang puno, hinubad niya ang kaniyang makapal na kasuotang panlabas, tiyak kong naiitan rin siya sa araw na ito kaya niya iyon ginawa.

"Halika ka muna Binibining Isay, maupo ka rito uoang hindi ka mainitan diyan" rinig kong tugon ni Senor na ang mga paningin pa ay nasa Ilog.

Sumunod naman ako sa sinabi niya, naupo ako sa upuang naroon sa tabi niya, nakaharap sa Ilog.

"Senor, nais ko ho sanang huminging muli ng tawad dahil sa aking padalos dalos na gawi kanina. Batid kong napakahalaga ng mwebles na nabasag na iyon at napaka Importante noon para sa iyong Ina, kung kaya nais ko ho sanang bayaran iyon" tuloy tuloy na wika ko sa kaniya.

"Hindi naman ako humihingi ng kabayaran doon Binibining Isay" talagang napaka bait niya. Naramdaman ko namang para tumalon ang aking puso dahil sa binitawan niyang mga salita.

"Kung hindi ka ho tumatanggap ng salapi, hayaan mo pong ibalik ko ang iyong kabutihan sa pamamagitan ng pagsisilbi ko sa iyo" pinipigilan kong mapangiti sa harap niya, baka kung ano ang isipin niya.

"Ibig mo bang sabihin ay papasok ka bilang isang tagapag silbi sa aking Hacienda?" agad siyang napalingon sa akin, hindi naman nakaligtas sa akin ang munting silay ng kaniyang mga ngiti, na nakapagpabilis ng tibok ng aking puso.

"Ganoon na nga ho Senor Mikoy" Tango kong wika sa kaniya.

"Kung iyan ang iyonh nais ay hindi na dapat pa akong humadlang, pinapayagan na kitang mag silbi sa aking Hacienda sa loob lamang ng apat na buwan ngunit hindi ba't ika'y may mga Estudyanteng tinuturuan?"

"Ayos lamang po iyon, aking sasabihin kay Madam Cora, at naroon naman si Ginoong Nikolo upang isang maging guro rin" agad ko namang sagot sa kaniya

"Tuwing hapon po ako tutungo rito sa inyong hacienda" dagdag ko pa sa aking mga sinabi.

"Sige aasahan kita sa iyong pagsisilbi rito at maagang pasasalamat na rin sa iyo binibini"

Matapos ng winika niya, nabalutan na kami ng katahimikan rito. Tanging agos lamang ng Ilog at huni ng mga ibon ang aming naririnig.

Napatingin ako sa kaniya, bakas sa kaniyang ekspresyon na napaka lalim ng kaniyang iniisip.

"Bakit tila napakalalim naman po ng inyong iniisip senor? Wag niyo ho sanang mamasamain ang aking katanungan" pag basag ko sa katahimikan bumabalot sa amin.

"Naalala ko lamang ang aking kapatid" mahinang tugon niya na kaming dalawa lamang ang makaririnig. Dumaloy naman sa akin ang kuryosidad na malaman ang mga kwento sa likod ng kaniyang mga ngiti kanina.

"Mayroon kang mapatid Senor? Bakit tila wala rito sa inyong hacienda?" hindi ko na napigilang mag tanong pa.

"Mayroon, isang lalaki na mas bata sa akin ng isang taon, siguro ay kaedaran mo lamang siya ngayon binibini" nagulat na lamang ako sa kaniyang tinuran.

"Dito sa Ilog Siyentes ang aming paboritong lugar sa aming hacienda, sapagkat mula rito sa ilog, kayang kayang tawirin at tumungo sa kabilang bayan." dagdag pa niya.

Tumahimik muna ako, at nakinig sa kaniyang kwento.

"Malapit kaming mag kapatid, halos sa lahat ng bagay kami ay nag kakasundo ngunit nawala iyon noong siya ay naaksidente, dinala siya ng aking ama at ina sa Maynila upang ipagamot, ako naman ay naiwan rito sa aming hacienda kasama ng aming mga tagapagsilbi ngunit ayos lang sa akin iyon" mapait siyang ngumiti. Nakita ko naman sa kaniyang mga mata ang nangignilid na mga Luha.

"Inintay ko ng mahigit apat na taon ang aking ama at ina. Hindi ko inakalang aabutin ng napakatagal ng pagtungo nila sa lungsod ng Maynila. Ngunit mas nagulat ako nang bumalik na mag isa si Ama"
Ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa kaniyang mga mata, ay unti unti nang pumapatak

"Ang sabi ni ama, hindi na kinaya ng aking kapatid kung kaya nabawian na rin siya ng buhay, kasabay noon, ay ang pagkawala rin ng aking Ina" napahawak ako sa aking bibig at napatulo na rin ang aking mga luha dahil sa kaniyang sinabi

"Napakasakit mawalan ng isang Kapatid lalo na ng Isang Ina" tugon ni Senor at inilabas ang mga natitirang mga luha niya.

End of Kabanata 13
  - Prinsesa

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Connected in the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon