KABANATA 8

16 4 2
                                    

Pasensya na po sa mga typos and errors.
-Prinsesa

Agad napabitiw ng hawak si Senor at Nag iwas ng tingin at gayoon din naman ang aking ginawa.

Kay tahimik,  Walang bumabasag sa katahimikang bumabalot sa pagitan naming dalawa. Walang mag salita alin man sa amin ni Senor, hanggang sa dumating na si Dante.

"Senor, nakahanda na po ang lahat.  Iniayos ko na po ang mga libro sa loob ng Kalesa, maaari na natin po iyong ihatid" Magalang na Tugon ni Dante kay Senor.

"Ah,  Sige tara na, upang hindi tayo sapitin ng ng hapon sa pamimigay niyan"

Naunang mag lakad si Senor at sumunod naman kaming dalawa. Hindi Parin ako maka-ayos ng aking lagay, kinakabahan pa rin ako sa nangyari kanina. 

Nang makarating kami sa labas ng mansyon ni Senor,  Nakita namin ang dalawang kalesa. Ang isa ay puno ng mga libro at halatang isang tao na lamang ang makasasakay roon,  samantalang ang isa naman ay mas kaunti, pang dalawahang tao ito.

"Ah,  Senor,  Pasensya na po, dalawang kalesa po ang magagamit ngayong araw, sapagkat napakarami nitong mga librong ating ipamimigay" agad bamang wika ni Mang Ignacio nang makita si Senor na nag tataka.

"Ayos lamang iyon" sagot naman ni Senor.

Tumango naman si Dante, at sumakay na sa kalesang pang isahan lamang. 

"Dito na ho ako sasakay Senor, baka mahirapan ho kayong huminga dito sa loob ng kalesa kung dito kayo sasakay sayang naman ho ang inyong magandang mukha kung hahapuin kayo." naka dungaw pa si Dante habang nag sasalita

"Mapagbiro ka talaga Dante. Sige, dine na lamang kami ng iyong kapatid sa kabila" natatawang tugon ni Senor

Naunang sumakay si Senor Mikoy sa kalesa,  at agad namang iniabot ang kaniyang kamay sa akin upang tulungan ako sa pag-akyat. Napatingin naman sa amin sina Dante at Mang Ignacio pati narin si Mang Ernesto na taga pagpatakbo ng kabayo. Napayuko ako dahil ramdam kong nag iinit na ang aking mga pisngi sa ginawa ni Senor at dahil maraming mga paningin ang nasa amin ngayon, dali dali akong umakyat ng akin. Hindi ko tinanggap ang alok na tulong ni Senor, baka kung anong isipin ng mga tao rito. 

Agad akong sumiksik sa gilid ng kalesa,  maiwasan lamang lumapat sa mamahaling suot ni Senor. Naramdaman ko namang sumulyap sa akin si Senor

"Ayos ka lamang ba Isay? Nahihirapan ka bang huminga? Sa palagay ko'y parang nay problema ka base pa lamang sa iyong ekspresyon" Akmang hahawakan ako ni Senor sa balikat,  ngunit agad kong naitaas ang aking kamay, at nag senyas na ayos lamang ako.

"Ayos lamang ho ako Senor, siya nga pala ho, saang lugar ho muna tayo patungo upang ipamigay iyan?" pag iiba ko ng usapan. Napatango tango naman si Senor,

"Doon muna sa lugar ni Aling Pising sa may silangan, balita ko ay may mga taong nangangailangan ng ilang libro, sumunod naman ay doon sa plaza ng bayan na ito at ang huli ay kay Madam Cora"

"Sa silid ho ba ng guro kong si madam Cora?"

"Oo, doon nga. Hindi ba't doon din ang iyong tungo pag katapos nating mamigay nitong mga libro?"

Nag tataka ako kung paano kaya niya nalaman.

"Huwag mo sanang mamasamain, naikwento kasi sa akin ni Dante kahapon ang oras ng iyong pag tuturo sa silid ni Madam Cora" agad namang dugsong niya.

'Napakatalim talaga ng dila niyang si Dante bakit ba niya ikinwento kay Senor iyon?' wika ko na lamang sa aking isip

"Ah, ganon na nga ho Senor" wala akong nagawa kundi sumang ayon, tama rin naman kasi ang kaniya tinuran.

Nang makarating kami sa Silangan, sa silid ni Aling Pising, ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ang maraming estudyante niya na masayang nagkwekwentuhan.

Agad namang napatingin sa amin si Aling Pising.

"Ikaw na ba iyan Senor Mikoy?"

"Ako nga ho, aling Pising" at nag mano kay Aling Pising tanda ng paggalang

"Nako iho, napakalaki mo na, pasensya na at hindi kita namukhaan,  masyado na ata akong matanda ko o sadyang napaka ganda lamang ng postura ng iyon mukha" natatawang wika ni Aling Pising

"Ayos lamang ho iyon Aling Pising" nakangiting sagot ni Senor

Agad namang napabaling sa akin si Aling Pising

"Ito na ba ang iyong kasintahan? Aba ay napakagandang dalaga, bagay na bagay kayo iho"

Napapintig naman agad aking puso sa sinabing iyon. Tanging ngiti na lamang ang aking sinukli, at iniintay si Senor na itama ang nasabi ni Aling Pising

Napalingon ako kay Senor,  na ngayon ay kagat labing umiiling at nag kakamot pa ng batok niya.

"Ah,  hindi ho aling Pising, Kapatid ho iyan ng aking katulong ngayon na si Dante" sabay turo ni Senor kay Dante na ngayon ay isa isang namimigay ng libro sa mga bata.

"Ganoon ba? Napakaganda namang dalaga nito,  pasensya na iho at iha at napagkamalan ko pa kayong mag nobya at nobyo"

"Ayos lamang ho"

"Ayos lamang ho"

Sabay na turan namin ni Senor, kaya naman napatawa na lamang si Aling Pising.

Nag katinginan na lamang kami ni Senor,  at agad akong nag iwas nang makita kong papalapit na si Dante sa amin.

"Senor Mikoy, mauna na ho ako sa kalesa at aayusin ang mga natira doon, tapos na rin ho ang aking amimigay ng libro gaya ng inyong iniutos sa akin kanina"

"Sige, Salamat ng marami Dante"

Agad namang umalis si Dante,  naiwan kaming nakatayo rito ni Senor.

"Ah, Senor hali na ho kayo at mag papaalam na tayo kay aling Pising gayon na rin sa mga bata" agad kong basag sa Katahimikan

Nang makalapit kami kay aling Pising, agad naming sinabi na kami ay aalis na sapagkat marami pang ipamimigay sa plaza at gayon na rin sa silid ni Madam Cora. Nag paalam na rin kami sa mga bata, at gulat kami no Senor ng yumakap sa amin ang mga batang nabigyan ng libro.

"Salamat po ate, kuya"

"Salamat po"

"Maging maligaya po sana kayo"

Nag pasalamat ang mga bata kaya napangiti na lamang kami ni Senor sa mga ito.

"Mga Bata, kami ay aalis na mag iingat kayo at mag aral ng mabuti" agad ko namang tugon

Nang makalabas kami ni Senor sa Silid ni Aling Pising, dumiretso kami sa plaza at gaya ng ginawa namin kanina,  namigay kami ng mga libro sa mga bata dito.

"Malapit na rin tayo matapos, Kay Madam Cora na lamang na silid ang huling huli" agad wika ni Senor na ngayon kami ay nasa kalesa patungo sa silid ng aking guro. 

Nakarating naman agad kami roon sapagkat hindi naman kalayuan ang Plaza rito sa Silid ni madam Cora.

Tanghali na nang makarating kami rito sa Silid ni Madam.

Nan buksan ko ang pinto upang pumasok kami ni Senor gayon din si Dante sa aming Likod, agad namang nabaling ang aking tingin sa mga estudyante ko na ngayon ay nag uunahan sa pagsagot sa gurong nasa harapan. 

At laking gulat ko ng makita ang gurong iyon nang humarap siya sa direksyon namin.

'Bakit ka naririto Nikolo?'

----

End of Kabanata 8
-Prinsesa

Connected in the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon