Enjoy Reading.
-Prinsesa
--
"Oh, Naririyan kana pala Isay" bati sa akin ni Madam Cora. Nagulat siya nang makitang kasama ko si Senor Mikoy"Mikoy! Ano ang iyong sadya rito iho? Halika pasok kayo mga bata."
"Magandang tanghali ho Madam Cora, nais ko ho sanang ipamigay ang aking libro bilang donasyon na rin sa inyong silid" paliwanag ni Senor kay Madam
"Ganoon ba? Sandali lamang at aking tatawagin ko Nikolo upang ipakilala sa inyo at makapag simula na kayong mamigay" tumango kami bilang sagot sa aking guro.
Lumapit si Madam Cora kay Nikolo na ngayon ay nag tuturo sa mga bata, hindi pa kami napapansin ng mga bata kung kaya't patuloy lamang sila sa pag sagot roon. Nakita ko namang nag paalam muna si Nikolo sa mga bata at naglakad papunta sa gawi namin.
Hindi ko alam kung bakit, habang nag lalakad siya ay parang wala akong nakikitang iba bukod sa kaniya? Tila bumabagal ang ikot ng mundo ko.
'Jusko, aking puso, sino ba talaga? Ano ba talaga ang sinasabi mo?'
Napabalik naman ako sa aking huwisyo nang magsalita si Madam Cora
"Senor Mikoy at Isay, siya nga pala si Ginoong Nikolo Sarmento, bagong tagapag turo rito sa mga bata at Isay, iha, siya ang makakasama mo bilang guro"
Nagulat naman ako sa tinuran ng aking guro. Ibig sabihin ay makakasabay ko sa pag tuturo si Ginoong Nikolo?! Nako, aking puso kumalma ka muna.
Inialok naman ni Nikolo ang kaniyang kamay sa amin ni Senor Mikoy.
"Ako si Mikoy Flores, kinagagalak kong makakilala ng isang guro gaya mo, ginoong Nikolo" at nakipagkamay sila sa isa't isa
"Ako naman si Elisa Sandugan, isa rin akong tagapag turo rito, sa ilalim ng pamumuno ni Madam Cora" nakangiti ko namang pag papakilala.
"Kinagagalak ko kayong makita Senor Mikoy, at Binibining Elisa, Siya nga pala Maraming salamat sa inyong dalawa sa pag tulong sa akin noong nakaraan, hindi ko malilimutan ang ginawa ninyong kabutihan"
Iniyuko niya ang kaniyang ulo tanda ng pasasalamat niya sa amin.
"Wala iyon, maayos na ba ang iyong pakiramdam ngayon ginoo?" pangangamusta ni Senor sa kalagayan ni Nikolo.
"Maayos na ho ako, salamat sa pag aalala" magalang na tugon pabalik ni Nikolo.
"Kung gayon ay mabuti naman" ngiti pa ni Senor kay Nikolo, bumaling naman siya kay Madam Cora, "Siya nga pala Madam, maaari ho bang ipamigay ko na ang mga librong iyon?" turo ni Senor sa mga librong isa isang binubuhat ni Dante papasok dito sa loob.
"Sige Sige, maaari nyo nang simulan, ako'y mag hahanda muna ng inyong maiinom."
Umalis si Madam Cora at pumunta sa kusina upang mag handa ng maiinom nina Senor, nakita ko namang tumulong rin si Tina sa kaniyang ina. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkahiya, sapagkat naririto ang aking kapatid.
Ako naman ay tumungo sa mga bata upang ipaalam sa knila ang pamimigay ni Senor ng libro sa knila.
"Maganda tanghali mga bata" bati ko sa kanila ng may galak
"Magandang tanghali ate Isay!"
"Ate Isay! Naririto kana pala, tuturuan mo ba ulit kami tungkol sa tula?"
"Oo nga po ate Isay!"
Halos sabay sabay na sabi nila. Napangiti na lamang ako dahil ganoon na lamang sila ka sigla habang may guro sa unahan.
"Mga bata mamaya ko kayo tuturuan ulit, sa ngayon, nais kong ipaalam sa inyo na naririto si Senor Mikoy Flores upang mamigay ng libro para sa inyo! Gusto nyo ba iyon?" magalak kong wika sa kanila
"Opooo Atee!" sabay sabay na wika ng mga bata. Makikita sa kanilang mga mata ang saya ngayon.
Isa isang inabutan ni Senor at Ginoong Nikolo ang mga bata ng mga libro. Ako naman ay nakangiti lamang pinagmamasdan sila
"Ate Isay! Baka naman sila ay matunaw na sa iyong titig? Batid kong may nagugustuhan sa diyan sa dalawang binata, halatang halata sa iyong mga mata ate!" nagulat naman ako nang magsalita si Tina sa tabi ko. Agad naman akong nahiya sa kaniya
"Ha, wala naman akong gusto kahit sino sa knilang dalawa" pag iwas ko ng tingin sa kniya.
"Hindi mo ako maloloko ate Isay! Nababasa ko sa iyong mga mata na ika'y may paghanga sa isa sa dalawang binatang iyan, sino ba iyon ate at aking kikilalanin"
Mukhang hindi ko nga yata maitatago kay Tina ang aking lihim na pagtingin kay Mikoy
"Si Mikoy ang aking labis na hinahangaan" agad ko namang pag amin sa kaniya
"Ate! Bakit Mikoy lamang ang iyong tawag kay Senor Mikoy. Sinasabi ko na nga ba at ika'y may pagtingin sa kaniya" may halong panunukso niyang tugon
"Huwag kang maingay sa iba, atin atin lamang ang usapang ito" nahihiya ko pang tugon
"Opo ate, kung sabagay mabait naman ni Senor Mikoy." ngiti ngiti niyang sagot.
"Halika na, at ibibigay na iyang pagkain sa kanila" agad kong yaya sa kaniya.
Nang maihanda namin ang pagkain sa mesa, agad ko namang tinawag sina Senor Mikoy.
"Siya nga pala Senor, ika'y maiiwan ko muna rito, dadalo lamang ako sa teatro. Tina ikaw muna ang bahala sa kanila" paalam ni Madam Cora. Siguro ay mag hahanda na sila para sa darating na Misa bukas sa simbahan. Manganganta rin kasi si Madam.
"Sige po, mag iingat po kayo Ina" inihatid naman ni Tina si madam Cora hanggang sa may pinto, kung kaya naiwan kaming apat dito sa may mesa, walang imikan.
"Kain ho kayo ng marami Senor, gayon din sa iyo Ginoong Nikolo" basag ko sa katahimikang namumuo rito sa loob.
Nang hawakan ko ang baso upang uminom, nakarinig kami nang malakas na pagputok kung kaya't nabitawan ko ang baso dahilan ng pag basag nito.
Nanginig naman ako agad, napalapit sa akin ang aking kapatid na si Dante.
"Ayos ka lamang ba ate?" agad akong dinaluhan ng luhod ni Dante at tinulungang makatayo
Tumango ako sa kaniya, ngunit hindi parin patanggal ang labis na kaba sa aking dibdib.
"Anong nangyari Mang Ignacio? Mang Ernesto?" agad tanong ni Senor Mikoy kina Mag Ignacio at Mang Ernesto na ngayon ay pawisang pawisan, batid kong tumakbo ang mga ito buhat sa malayo.
"Senor, nang aming tingnan kung anong nangyayari sa Sentro ay labis kaming nagulat. Nabalitaan namin na pagtakas ng isang rebelde sa kulungan, pagkatapos ay pinag huhuli siya ng mga sibil, ngunit nakatakas siya nang may mabaril na isang babae roon." mahabang paliwanag ni mang Ernesto
"Sa ngayon, pinaghahanap pa rin ng mga sibil ang rebeldeng bumaril sa ginang na naroon" dagdag pa ni Mang Ignacio
"Kamusta ang nabaril? Alam na ba ng kaniyang pamilya ang nangyari sa kaniya?"
Agad namang nagiwas ng tingin sina Mang Ignacio at Mang Ernesto.
"Kaya ho kami tumungo agad dito, upang ibalita na nawalan na ng buhay ang ginang na iyon"
Hindi ko alam kung bakit parang naninikip ang aking dibdib sa balitang iyon
"Si-sino ang Ginang na nabaril?" nanginginig na tanong ko.
"Natagpuan siya sa sentro, namimili sa palengke, ang kaniyang ngalan ay Ginang Flor Sandugan"
--
End of Kabanata 9
-Prinsesa