"Parang Bulaklak kung ika'y pagmasdan,
Hindi napapawi ang iyong kagandahan,
Lalo na kapag ikaw ay ngumingiti,
Tila ako yata'y nabibihagni"
-PrinsesaPilipinas 1898
"Elisaa!!! Pakikuha nga ng mga gulay na binili ni Dante"Sigaw ni Ina Sa akin.
"Opo aking kukunin maya maya lamang po at may kailangan lang po akong tapusin" Sagot ko pabalik
Pagkatapos ko sa pag susulat sa aking talaarawan ay agad akong tumungo sa labas upang Kunin ang mga dalang gulay ng aking kapatid.
"Tila kayrami nito Dante? Saan mo nmn nakuha ang Perang ipinambili nito?" Tanong ko sa Kapatid ko pag dating sa Labas.
Kay raming binili ng kapatid ko. May dala syang dalawang supot ng gulay at tatlong supot ng karne. Kaya labis ang aking pag tataka dahil sobrang daming pag kain, kumpara noon na padala dalawa lamang na supot ang dala niya
"Ate Isay iyang iba diyan ay binigay sa akin ni Señor Mikoy Flores, ang anak ni Don Rogelio Flores na ating bagong gobernador. Marahil ay ngaun mo lamang narinig ang pangalan ng anak ni Don Rogelio sapagkat kararating lamang niya kagabi" Paliwanag ng Kapatid Ko.
Ngunit? Paano niya nakilala si Señor Mikoy? Di ko alam na may anak pala si Don Rogelio...
"Sya nga pla, bakit nmn ibinigay Sa iyo ito ni Señor Mikoy?" pahabol Ko pang tanong.
"Lumipat kami ng pinagsisilbihan, at saktong anak ni Don Rogelio ang ang aming naging amo ate." paliwanag uli ni Dante na syang nakapag paliwanag sa aking isipan.
Si Dante ay Isang Kutsero. Pag Minsan siya nangingisda Pag walang trabaho o kaya naman ay libreng araw nila
Matapos ang aming maikling tanungan ni Dante, Dinala Ko na Sa Kusina ang Mga pinamili niya.
Niluto na ni Ina ang karne. Lumabas Muna ako para Maglakad lakad sa tabi tabi.
Gabi na kaya mailaw sa daanan ngayon,ang aking dinaraanan ay Puno ng makukulay na rosas na animoy kumakaway At nag hahatid ng saya.
Tila may pag diriwang ngayon Sa bayan, dahil Sobrang Daming tayo ngaun. Makikita mo sa paligid ang mga Batang maya't maya ang laro. At iba pa
Habang akoy nag mumuni muni, Aking Nasulyapan ang Isang Pusa na tumatakbo. Saan Kaya galing iyon? Gusto ko man sundan Ngunit ako Ay may takot Sa pusa at Bawal din ito sakin. At saka Lumalalim na rin ang gabi.
Kaya akoy nag patuloy ng pag lalakad pauwi. Habang ako'y nag lalakad sa Gitna ng Dilim. biglang may nag tanong sa akin.
"Magandang Gabi, binibini? Maaari bang mag tanong?" tanong ng isang ginoo na nasa harap ko.
"Magandang gabi rin sa iyo Ginoo, ano ang aking maipag lilingkod ko sa iyo?" wika ko.
Sino kaya ang Ginoong ito? At bakit Tila Parang baguhan Lamang siya Rito?
"Binibini, nais kong Matanong kung May nakita kang Pusa sapagkat Ang aking alagang Pusa na si Atina ay Biglang Tumakbo Noong Kamiy may pag pupulong sa Teatro. Iyo Ba Siyang napansin?" Mahabang Paliwanag niya na may kasamang tanong.
"Ang pusang Iyong tinutukoy ay Aking nakita Knina Lamang. Nag tatakbo Siya sa Gawing silangan. Nais Ko sanang Sundan Ngunit ako Ay takot sa Pusa at hindi rin ito Pwede sakin."
"Ganon Ba? Salamat ng Marami Binibini, akoy mauuna na at hahanapin ko pa si Atina. Nawa ikay palaging mag iingat. Maraming salamat Muli." pag papasalamat niya.
"Walang anuman iyon. Mauna na Rin ako. Paalam Ginoo at magandang Gabi." pag papaalam ko. At Umalis na ako roon.
Ano Kaya ang Kanyang ngalan? Taga Saan kaya Siya?
Umuwi na ako Pag katapos Noon. Nadatnan ko ang aking pamilya na nag hahanda Para Sa pag kain. At saktong pag dating ko ay Saktong Pag kaluto ng mga pagkain.
"Oh, Isay Ikaw palay nandito na. Saktong sakto at kakain palamang Tayo. Halinat sumalo ka." Wika ni ama.
Sumalo ako Sa pag kain nmin. Habang Kumakain di ko maiwasan na isipin kung sino ba ang ginoong iyon knina. Pag katapos kong kumain ay nag ligpit ako at nag hugas ng pinggan.
Saglit akong Lumabas upang tingnan ang aming alagang Baboy. Habang akoy patungo roon, ay may nakita akong pusa. Tila aking Namumukhaan kung anong pusa Iyon. Naalala ko na! Ang pusang Iyon ay ung pusang Hinahanap ng ginoo knina.
Bawal ako Sa pusa, ngunit kailangan kong kunin iyon upang maibigay ko sa ginoo iyon. Dahan dahan akong lumapit at Kinuha Iyon.
Mabuti na lamang at mabait ang Pusang ito. Bumalik na ako sa loob Upang Mag ayos at mag pahinga dahil maaga pa ako bukas. Pupunta ako sa Aking gurong si Madam Cora. Bago ako mahiga, inilagay ko ang pusang si Atina daw sabi noong ginoo kanina sa komportableng lugar at doon siya pinatulog.
"Ate, ate! Knino ba itong Pusang ito? Tila bagong salta ito dito? Saan mo napulot ito? Hindi bat may hapo ka ate? Bawal sa iyo ate ang balahibo ng pusa diba?" sunod sunod na tanong ng aking kapatid na si Dante kung kaya't nagising ako.
"Ang pusang iyan ay aking napulot lamang Diyan sa labas. Naawa ako kung kayat aking kinuha munakagabi at ngayong araw ko ipag tatanong kung sino ang may ari niyang pusang iyan" paliwanag ko kay Dante.
"Ngunit ate, maaari kang Malagay sa alangin dahil sa pusang iyan. Ate Isauli mo na iyan sa may ari po."
"Sigi isasauli ko ito. Pag katapos Ko pumunta Sa Silid mamaya ni Madam Cora" Wika ko.
Pagkatapos Ng maikli nming Pag uusap ni Dante. Nagluto ako para sa aming agahan.
"Ina, Halina't tayo'y kumain. Luto na ang paborito ninyong kaldereta."
"salamat anak, Oh dante! Halika na at tayoy mag uumagahan na!"
"opo inay!" sagot ni Dante na ngayoy nasa labas.
Pag kapasok ni Dante Ay Kumain na rin kmi ng salo salo. Matapos Ng kainan Ay inihanda ko na ang aking mga dadalhin Papunta sa Silid aralan ni madam Cora. At aking isasauli na rin sa misteryosong Lalaking iyon ang Pusang napulot ko.
Pagkatapos, ako Ay nag tungo Na Sa Silid. At saktong naroon na rin ng Aking guro.
"Madam Cora, Maaari Bang Lumabas Muna Sandali?", Pag hingi Ko ng permiso.
"Sige, Isay, ikay Babalik Bago Sumapit ang Tanghalian"
"Maraming salamat Madam, Pangako Babalik ako"
Ako'y patungo na sa lugar kung saan Kami nag kakita nung lalaki kahapon. Aking iniwan muna ang pusa kay madam Cora. Sapagkat baka akoy atakihin ng aking hapo. Tahimik ang daan, sumasabay sa akin ang hangin at ang mga ibon ay syang lumilipad na kay gandang pag masdan. Kay ganda ng panahon ngayon.
Hindi ko namamalayan na akoy napatigil at nakatulala sa Langit at nakangiting pinag mamasdan ang mga Ibong lumilipad.
Bigla Na lng akong natumba... Napahiga ako Sa kalsada
Sumakit bigla ang aking ulo.
Bago mag dilim ang aking paningin, aking naaninag ang Isang lalaki.........
End of Chapter One
-Prinsesa