KABANATA 4

65 21 6
                                    

"Mahal kita sinta ko,
Sana ay hindi mo ako niloloko,
Sana rin ay tumupad ka sa iyong mga pangako,
Sapagkat mahal kita todo todo"
-Prinsesa

"Gising na Ate Isay!, maaga ka ngayon! malapit na sumikat ang araw ate nakahilata ka pa! Ikay mahuhuli sa klase ninyo!" rinig ko ang sigaw ni dante mula sa Labas. 

Agad akong napamulat sa boses ng aking kapatid. Sumilip ako sa siwang ng aking silid at nagulat ako sapagkat tanghali na pala!

Agad akong nag madali sa pag iintindi ng aking sarili. Ako muna ay nag umagahan bago umalis ng aming tahanan. 

Habang ako ay nag lalakad papuntang silid, napapaisip nmn ako sa aking nakaraan...

'Koko'

'koko? '

'Hmm? asan kana kaya ngaun Koko?, siguro may napupusuan ka ng iba diyan sa maynila, sana ay huwag mo akong makalimutan ah!'

Gustong gusto kong sabhin iyan sa kaniya, ngunit paano?  hindi ko na siya makilala sapagkat malayo na siya sa akin. 

Agad nangilid ang aking mga luha. Tumingala ako at pinag masdan ang nakaka kalmang kulay ng langit...

"Sabik na akong makita kang muli, koko" at agad akong napa ayos ng maramdaman ko ang pag tulo ng aking maiinit na luha sa aking pisngi pinahid ko ito at nag patuloy sa aking pag lalakad hanggang sa makarating sa Silid ni Madam Cora.

Nang makarating ako agad akong dumiretso sa silid niya,
naabutan Ko naman roon ang ilang mga bata na tuwang tuwa sa kanilang pag lalaro, napalingon sila sa akin ng dumating ako!

"Ate!"

"Ate Isay!"

"Magandang umaga, guro naming ate Isay! " Sabay sabay na tugon ng mga bata. Bagamat sila ay wawalo lamang ay sobra namn ang daldal at makulit ang mga Ito. Malapit ang loob ko sa kanila, lalo na kapag oras ng aking pag tuturo sa Knila. 

"Halina't tayo ay maupo at mag tuturo ako sa inyo ng mga salitang mag kakatugma." masayang Wika ko sa kanila. 

"Ate Isay, iyan po ba ay parte na ng pag gawa ng TULA? " wika ni Mabel, walong taong gulang na babaeng estudyante ko. 

Alam kong sabik na sabik sila sa mga aralin na may kinalaman sa pag buo ng isang Tula. 

Alam kasi nila na ako ay isang makata, ibig sabihin ay manunulat ng tula.

"Ang tugma ay sinasabing kadalasan ay matatagpuan natin sa dulong tunog ng isang Salita. Kung ito man ay mag kapareho o may pagkakahawig sa pantig. Naiintindihan nyo ba ako?" paliwanag ko sa mga bata ng nakangiti.

"Sino ang may tanong sa inyo? o kaya'y naguguluhan? " dagdag ko pang wika

Agad namang nag taas ng kamay si Sabel, ang aking Estudyanteng kakambal ni Mabel, walong taong gulang rin siya. 

"Ano ang iyong tanong Sabel? "

"Ate Isay!, Pede po kayong mag bigay ng halimbawa? para po mas maliwanagan kami." Masaya niyang tugon

"Sige Sabel, mag bibigay ako ng halimbawa nito. "

Nag isip muna ako sandali ng mga salitang may Tugma.

"O, Eto ang halimbawa pakinggan ninyong mabuti: DUGO at BAGO, iyan isa iyan sa halimbawa" Napansin Kong medyo hindi Nila nakuha ang Ibig kong sabihin, kung kaya pinaliwanag ko pa ito sa knila.

"Ganito kasi iyan, ang mga salita ay sinasabing mag katugma kung ang katapusang pantig ay mag kapareho ang baybay o bigkas." Pag uulit ko sa kahulugan  ng tugma.

Connected in the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon