Sa aking paggising, ang lahat sa ay ayusin
Huwag Kagaya ng magulong sinulod, wag Buhulin
Kayong dalawa ay kaagaw agaw ng pansin
Sino nga ba talaga ang Dapat piliin?
-Prinsesa"Ate, ate? Ate?" rinig kong Tawag sa akin ng aking kapatid
"nandito ako Sa Ating Kusina, nag hahanda ng makakakain" tugon ko sa kaniya habanng ako ay patapos ng Mag luto
"Nandiyan kana pla ate, ang akala ko ay Naroon ka pa sa iyong silid"
"Maaga akong Gumising sapagkat sasamahan pa kita sa Iyong lakad, tawagin mo na sina Ina at Ama" Habang tinatawag ni Dante, nag handa naman ako Sa isang mesa ng makakain.
"Ang Aga Naman Yata Isay Ng ating agahan?" Tugon ni Ana habang umuupo.
"Sasamahan Ko Ho ama Si Dante sa kniyang lakad maya maya kaya ho maaga" Tanging Tawa na lamang ang tugon ni ama.
"Siya Nga Pla, Kamusta Ang Iyong pag tuturo sa Mga Bata sa silid ni Madam Cora?" biglang Tugon ni Ina
"Ayos Naman po, Maya maya po ay Babalik ako Roon upang mag turong muli, pag katapos ng Amibg lakad Ni Dante ay doon na Ako didiretso" Paliwanag ko Sa aking Ina
Ang aking pag tuturo ngayon ay Pag katapos pa naman ng Tanghalian Kaya Medyo May Katagalan pa.
Nang makatapos kami sa aming pag kain, nag handa na ako Upang samahan si Dante
"Saan Ba ang ating Tungo? At ano ang Ating gagawin? Kailangan pa ba akong Sumama Riyan?" Sunod sunod kong Tanong kay Dante na Ngayong nag simula na mag lakad.
"Basta ate, kaya kita isinama kasi tutulungan Mo akong mag buhat ng mga libro." Sumunod na lamang ako sa Kaniya.
Pamilyar sa akin ang daan Kung saan kami Paroroon. Nadaanan ko na To dati.
Tumigil si Dante sa Tapat ng malaking bahay.
Ang Mansyon ni Senior Mikoy
'Teka Sandali? Dito ba talga ang Punta?' Tanong ko sa aking isipan.
Kumabog ng malakas ang Dibdib sa hindi malamang dahilan.
Nag tungo na kmi sa harap ng malaking pinto at Kumatok na si Dante
"Oh, Ikaw pla Iyan Dante" Bungad sa amin ng isang matandang babae na sa tingin ko ay Nag Punong Tagapag silbi Rito
"Ako Nga Ho, Magandang Umaga Manang Nelia ako ho ay Pinapunta ni Senior rito upang Mag buhat ng mga libro, Isinama ko ho ang aking nakatatandang kapatid upang tumulong rin, Si Ate Isay Nga po pla" Mahabang paliwanag no Dante.
"Magandang Umaga Po" Nakayuko kong tugon Kay Manag Nelia
"Ganon Ba, hali kayo Hintayin nyoo sa loob si Senior Mikoy at Pababa na rin iyon"
Pinapasok kami sa loob ng Mansyon. Naka yuko parin akong nag tungo sa Salas.
"Ate Makikita Mo na ang Aking Among si senior! Napaka gandang lalaki at napaka tikas ng kaniyang katawan"
Bulong sa akin ni Dante na Animo'y tatawa tawa pa
"Huwag ka ngang maingay Pag ika'y Narinig Ni Senior-"
"Ano Iyong Maririnig Ko Binibini? " napatayo ako sa aking kinauupuan habang nakayuko
Boses pa lamang niya ay alam ko na Kung sino.
"W-Wala po Senior" Utal Kong Wika
"Teka, Binibining Isay? Ikaw ba iyan? " Takang Tanong ni Senior na ikinagulat ko naman sapagkat hindi ko akalaing makikilala niya ako Gayong hindi naman niya nakikita ang Aking mukha
Agad akong tumunghay
"Ako nga po senior"
"Magandang Umaga Sayo binibini, At sa iyo rin Dante"
"Magandang Umaga po Senior, Siya nga po pla, Kapatid ko po , si ate Isay." Pag papakilala sa akin ni Dante
Napatango tango na lamang si Senior
"Tara na Sa Silid ng mga Libro, Marami raming libro rin ang ating ipamimigay."
Kung gayon Ay mag bibigay pla ng Donasyong Libro ni Senior, napaka Buti, sa panahon Ngayon Nabibilang lamang ang mga Silid na may mga Libro. Agad naman akong natuwa sa ipinapakitang kabutihan ni Senior.
Nag simula nang Mag lakad si Senior at Sinundan lamang namin siya. Hindi pa rin Mawala ang aking pag kamangha sa Mansyon na ito. Napaka ganda kahit padalawang beses. Pa lamang akong pumasok rito.
Nang makarating kami sa isang tapat ng pinto, agad namang binuksan ni Senior iyon, Bumungad sa amin ang napaka laking silid na Puno ng libro. Maayos ang Organisasyon Nito, Ang pag kakasunod sunod ay Angkop. Naka hiwalay rin ang Mga Pang matatatandang Libro sa mga pambata. Napakaraming libro ni Kung tutuusin.
Nag tungo si Senior sa Hilera ng mga Pambatang libro. Kung kaya't napasunod kami. Hindi maalis ang aking tingin sa Hilera ng Mga Libro Ng Tula. Napangiti na lamang ako.
"Ate, ano bang tinitingnan mo dyan" Rinig k namang bulong sa akin ni Dante.
Nang lumingon ako sa kaniya, nakita kong nakatingin rin pla sa akin si Senior Mikoy, Hawak hawak ang Isang Libro na inilalagay sa Sahig.
"Wala, Tulungan Mo na si Senior" Agad ko namang Wika rin Pabalik sa Kapatid kong napaka talim ng Bibig.
Habang Nag Aayos kami ng Ipamimigay, Aking Binubuklat ang ibang libro bago Ilagay sa Kahon. Napapangiti nalamang ako. Napaka ganda ng mga libro dito.
narinig ko naman ang Kwentuhan Ng aking kapatid at ni Senior
"Ah, pasensya na Senior, Ganiyan Ho ang aking Ate pag nakakakita ng mga libro, Paborito niya kasi ito, lalo na ang Mga tula"
Napatingin na lamang ako kay Dante at pinang lakihan ng Mata, ipinababatid kong tumahimik na ang batang ito. NapakaBilis at napaka talim ng kaniyang bibig.
Ako naman ang nahihiya para kay dante, lalo na at sa Harap pa ni Senior Mikoy.
"Pasensya na Po Senior, sadya lamang hong napaka bilis at matalim ang bibig ng aking kapatid pag dating sa Kwentuhan." tugon ko
"Ayos lamang, Sanay na ako rito kay Dante, ako ay natutuwa sa mga ikinukwento nito palagi" Nakangiti nitong tugon.
Agad namang Tumayo si Senior, Sinundan Namin siya ng Tingin Ni Dante Kung saan Siya tutungo.
Nag punta siya sa Hilera ng librong Mga Tula. May Kinuha siyang Isang Libro doon. At nag lakad pabalik dito.
Nagulat ako ng iabot niya Iyon sa akin, ako ay naka upo rito sa sahig samantalang siya ay nakatayo sa aking harapan, iniaabot ang Librong makapal na puno ng mga Tula
"A-aanhin ko po Iyan Senior" Nauutal kong usal
"Aking Ibibigay na lamanh iyan sa iyo, Bilang kapalit na rin sa pag tulong mo sa amin ni Dante ngayon"
"Ah, hindi na ho senior, Kusa ho akong Tumulong, at Saka napaka rami na ng inyong tulong na naibigay sa akin at sa pamilya ko." Nahihiya kong tugon
"Kung gayon, Tanggapin mo ito bilang Aking regalo para sa Iyo, hindi ba't Sa Makalawang Araw na ang iyong kaarawan? Kung gayon, ito ang aking paunang regalo"
Nag tataka naman ako kung paanong nalaman niya ang aking Kaarawan. Agad naman akong napalingon sa gawi ni Dante, alam kong siya ang nag kwento kay senior, pag lingon ko, Wla pala si Dante at ang kahon, Nasa Labas na pala Siya kanina pa. Naiwan kami ni senior dito.
Tumingala at Lumingon uli ako kay Senior, "Maraming Salamat po Senior" Nahihiya kong Tugon. Ngiti na lamang ang kaniyang Isinagot.
Nang aking Aabutin ang Libro, Napalapat ang Aking mga Daliri sa Kaniyang Kamay. Tila isang Kuryente ang dumaloy sa aking Kalooban.
Napabilis na naman ang tibok ng aking Puso.
'Bakit palagi kang ganito senior?'
--
End of Kabanata 7
-Prinsesa
