'Ginang Flor Sandugan'
'Ginang Flor Sandugan'
'Ginang Flor Sandugan'
Tumulo ang mga nagbabadyang luha sa aking mga mata. Ang mga salitang binitawan nina Mang Ignacio at Mang Ernesto ay paulit ulit na nababanggit sa aking isipan. Napatigil din ang aking kapatid sa amin narinig.
"Nasaan si Ina? Nasaan na siya ngayon?" ang boses ng aking kapatid ay nang hihina na.
"Nasa pagamutan ni Mang Isko Sarmento ang inyong ina. Halika at tayo tutungo na roon" hindi na kami nag aksaya pa ng oras. Tumungo kami sa Ama ni Nikolo, na sinasabing mahusay na dating doktor.
Habang nasa kalesa kami, nag uusap naman sina Senor Mikoy at Mang Ignacio tungkol sa rebeldeng tumakas.
"Nalaman mo ba kung sino ang tumakas na rebelde Mang Ignacio? at kung anong dahilan kung bakit siya tumakas?"
"Ang aking narinig tungkol ho sa mga tao ay si Gustavo Salvador"
Nakita ko namang nagulat si Senor, base sa kanyang ekspresyon. Nagtiim ang kaniyang mga bagang sa narinig.
"Bakit siya tumakas?" medyo mataas na boses na tanong ni Senor.
"Mali daw ho ang akusasyon laban kay Gustavo, sinasabi niyang siya ay inosente at walang ginagawang kahit anong krimen"
"Wala? Pero siya ang pumatay sa aking -"
"Senor narito na ho tayo" wika Mang Ernesto kung kaya natigil sa pag sasalita si Senor.
'Kung gayon may kasalanan rin ang Gustavong iyon sa pamilya Ni Senor'
Agad kaming bumaba ni Dante sa kalesa upang tingnan agad ang kalagayan ni Ina.
"Itay! itay!" kumatok naman sa pinto si Ginoong Nikolo
Bumungad sa amin ang kaniyang amang may mga dugo sa damit. Lalo nangilid muli ang aking mga luha dahil doon.
"Itay, sila ho ang anak ng dinala mo ritong ginang mula sa bayan"
"Hali kayo, pasok pasok"
Pag pasok namin, agad kami ni Dante napaderetso sa walang malay naming Ina.
"Inay! Huwag mo kaming iwan... " lumuluhang tugon ni Dante
Pinipigilan kong pumatak ang aking mga luha dahil sa nangyaring ito. Hindi ko matanggap na ang aking inang inosente lamang ay nadamay dahil sa isang rebeldeng iyon.
"Iho, iha, kailangan ninyong mag pakatatag. " tugon ng aming nasa likuran, batid kong si Mang Isko iyon.
Binalingan ko naman siya ng tingin, "Mang Isko, hindi ho ba't isa kayong magaling na doktor dati, maaaring nyo ho bang gamutin ang aking ina?"
"Pasensya na Iha, ngunit nang aking dalhin rito ng iyong ina ay wala na syang buhay." lalo namang kumurot ang aking dibdib.
'Wala na ang aming Inay'
Tahimik lamang kami sa loob ng bahay ni Mang Isko, tanging naririnig lamang ay ang hikbi ni Dante. Maya maya lamang ay dumating aking Ama.
"Elisa! Dante! Anong nangyari sa inyong ina?" tugon agad ni Itay na halatang nag mamadali, pawis na pawis.
Hindi kami nakapag salita ni Dante. Nagulat si Itay nang makita si Inay na nakaratay sa aking likuran.
Agad kaming dinaluhan ni Itay kay Inay. Rinig ko namang napa hikbi lang din siya.
"Bakit mo kami iniwan, Flor" umiiyak na tugon ni Itay kay Inay.
Habang umiiyak ang aking ama at si Dante, tumayo ako at lumabas muna sandali upang mag pahangin. Tumungo ako sa may puno ng mangga sa burol, ang puno ng pag mamahalan. Umupo ako roon at isinandal ang aking mga ulo. Pumikit ako at dinadama ang hangin na dumadampi sa aking katawan.
Maya maya lamang ay nakarinig ako ng yabag ng mga paa na papalapit sa akin kung kaya naimulat ko ang aking mga mata. Nakita ko naman si Ginoong Nikolo na pinagmamasdan lamang ako
"Ano ang iyong sadya rito Ginoo?" magalang kong tanong aa kaniya
"Alam mo ba binibini, dito ko inilalabas lahat ng sakit, dito ko iniiyak lahat ng pighati, dito ko itinatawa ang aking mga kakatwang nangyari sa buhay at dito ko pilit na inaalala ang mga bagay na nawala sa aking isipan." tugon niya na nakatingin pa sa malayo. Hindi ko nakuha ang kaniyang ibig sabihin.
"Kapag may problema ako, dito ko dinadala" dugsong pa niya.
Napatingin na lamang ako kaniya habang sinasabi niya ang mga salita na iyon.
"Kung gusto mong iiyak, iiyak mo lamang. Ilabas mo binibini ang mga sakit na nasa iyong puso, at gagaan ito pag nagawa mo" ngumiti naman siya sa akin.
Napayuko ang aking mga ulo at unti unting pumapatak ang aking mga luha.
"Mahal na mahal ko ang aking Ina, hindi ko matanggal kung bakit ganoon ang sinapit niya. Gusto kong ipaghiganti ang nangyari sa kaniya, ngunit alam kong ayaw ito ni ina." pag kukuwento ko pa kay Ginoong Nikolo, nakikinig lamang naman siya sa akin.
"Alam kong pag nag higanti ako, ay wala ring mangyayari. Dahil hindi lahat maibabalik ng pag hihiganti. Hindi maibabalik ng pag hihiganti ang buhay ng aking Ina."
Tuloy tuloy ang pag agos ng aking mga luha sa aking pisngi.
"Ang aking Ina ay ang siyang bumubuhay sa amin, siya ang nag silbi naming kapatid sa pang araw araw kung kaya masakit para sa akin na mawalan ng pinaka mamahal na ama. Hindi ko na alam ang aking nararapat gawin."
"Pagtanggap ang kailangan mo binibini, tanggapin mo muna ang katotohanan, tanggapin mo ang mapait na sinapit ng iyong pinaka mamahal na Ina binibini, alam kong masakit para sa iyo binibini, ngunit kailangan mo itong tanggapin." nakatingin siya sa akin habang binabanggit niya ang mga salitang iyon, bakas sa kaniyang mga mata ang pag aalala.
Hindi ako nakapag salita matapos ng sinabi niya. Naramdaman ko namang siya ay naglakad at dumampot ng isang maliit at matulis na bato.
"Alam ko na binibini, hindi ko alam kung makakatulong itong aking gagawin, ngunit sana ay isapuso mo ito" tugon niya sa akin.
Lumapit siya sa may tabi ko, nakaharap sa puno at unti unting nag uukit ng mga salita.
'Sana ay maalala kita'
Nabasa ko naman ang kaniyang isinulat na mga salita sa anyong Baybayin. Napaisip na lamang ako dahil, may dinaramdam din pala si Ginoong Nikolo, ngunit hindi halata sapagkat dahil sa kaniyang mga ngiti.
"Ikaw naman Binibini" Iniabot niya sa akin ang bato niyang ginamit. Tinanggap ko ito at tumayo. Humarap ako sa puno upang mag ukit.
'Mahal na mahal kita Ina, sana ay masaya ka'
Isang patak ng luha ang kumawala sa aking nga mata. Napangiti na lamang ako ng mapait, at napapikit, inaalala ang mga pangyayari na kasama ko si Ina.
Noong panahon na walang problema
Mga panahong tumatawa pa kami ni Ina
Kami ay mag kakasama
Ngunit kailangan kong tanggapin na ang nga ito ay naglalaho na at unti unting nawawala.--
End of Chapter 10
-Prinsesa