KABANATA 12

13 2 2
                                    

"Ate Isay, napakaganda ng tula, sino po ang gumawa ng tulang iyon?" tanong ni Eli matapos kong bigkasin ang piyesa ng tula.

"Ang libro ay galing kay Senor Mikoy, siguro ay isang sikat na manunulat ang gumawa noon" tugon ko pabalik at pinahid ang mga luhang pumatak sa aking mga mata.

"Ganon po ba ate Isay, kung gayon, napakahusay naman ng manunulat ng buong librong iyan" rinig ko namang tugon ni Edgar

"Oo tama ka diyan sa iyong tinuran Edgar, siguro kahit ngayon ko pa lamang nabasa ang kaniyang tula, agad na akong namangha." nakangiti ko namang tugon sa kaniya.

"Ngayong narinig nyo na ang halimbawa ng tula, kaya niyo na bang gumawa ng sarili ninyong pyesa? Kung may tanong naman kayo, lumapit lamang kayo sa akin, iyan ang aktibidad na kailangan ninyong ipasa sa akin hanggang mamayang hapon, maliwanag ba?"

"Opo ate Isay!" sabay sabay na tugon nila, at agad naman silang kumuha ng panulat at papel. Samantalang ako naman ay tumungo sa kusina upang maghanda ng meryenda ng mga bata gayon na din namin ni Ginoong Nikolo.

Habang nag hahanda ako ng meryenda, narinig ko naman ang yabag ng paa papalapit sa akin kung kaya napalingon ako sa gawing likuran ko, nakita ko naman si Ginoong Nikolo.

"Ano ang iyong sadya rito Ginoo?" tanong ko sa kaniya at bumalik sa aking ginagawa

"Wala naman binibini, nais lamang kitang tanungin" maagap naman niyang sagot.

"Hmm? Ano ang iyong nais malaman?"

"Ayos ka lamang ba kanina, binibini?"

Napakunot naman ang aking noo nang marinig ang katanungan niya.  Naramdaman naman niyang ako'y tila naguluhan sa kaniyang sinabi kung kaya nag wikang muli siya.

"Ang ibig kong sabihin ay, maayos lang ba ang iyong pakiramdam, sapagkat kanina habang iyong binabasa ang tula nakita kong may luhang pumatak sa iyong mga mata, naalala mo na naman ba ang iyong ina, binibini?"

Mangha naman ako sa talas ng kaniyang memorya, sana ganiyan din ako.

Umiling naman ako bilang sagot sa kaniya, "Wala iyon ginoo, may pumasok lamang sa aking isipan kung kaya napaluha ako" paliwanag ko pa sa kaniya

"Ganoon ba, kung gayon, kung may problema ka binibini, lumapit ka lamang sa akin, handa naman akong maging sandalan mo sa tuwing may dinaramdam ka"

"Maraming salamat sa iyo Ginoong Nikolo" magalang na tugon ko

"Siya nga pala, hindi ako sanay ng tinatawag akong Ginoong Nikolo, itawag mo na lang sa akin ay Koloy"

"Hindi ba't parang nawawalan na ako ng galang sa iyo kung iyon ang itatawag ko, at saka, hindi pa naman tayo ganoon kalapit upang tawagin kita sa iyong palayaw"

"Hindi pa nga, pero bakit parang ramdam ko ay napakalapit mo sa akin"

Mabilis niyang wika, kaya naman naguluhan ako sa kaniya.

"Ano ang ibig mong sabihin Ginoo?"

"Wala naman binibini, ngunit maaari pa naman tayong mag lapit para matawag mo ako sa aking palayaw diba?"

Hindi ko alam kung ako ay niloloko lamang nitong si Koloy, mali Ginoong Nikolo pala. Pati tuloy sa aking isipan natatawag ko na siyang Koloy.

"Maaari rin ba kitang tawaging Isay, Binibini?"

"Oo naman, nasanay na rin ako sa palayaw na ibinigay ng aking kababata, kaya ayos lang"

"Sige, aasahan ko iyan Isay, pede mo na rin naman akong tawaging Koloy"

Hindi talaga mawawalan ng sobrang makulit sa mundo. Napaka daldal pala nitong si Koloy. Hindi ko akalain na ganito siya sa mga taong nakakasalamuha niya.

Napatango tango na lamang ako habang tinatawanan siya.

"Sige na tatawagin na kitang Koloy, ginoo" pag sangayon ko sa kaniya. Pag katapos ng aming pag uusap doon, tinulungan niya akong buhatin ang meryenda ng mga bata papuntang salas.

"Mga bata, mamaya niyo na iyan ipag patuloy, pumunta muna kayo rito upang mag meryenda, nag handa ako inyong  makakain" pag sasalita ko aa harap ng mga bata. Agad nman nilang itinago ang mga papel at panulat nila, tumungo agad sila sa gawi ni Koloy, kung nasaan ang meryenda.

"Ate Isay napakasarap niyo talgang gumawa ng meryenda!"

Napatawa na lamang ako sa winika ni Roberto. Talagang natututo na silang mag biro ngayon.

"Ubusin ninyong lahat ang inihanda ng Ate Isay ninyo, napakasarap hindi ba?" ginatungan nmn ni Koloy ang mga bata.

"Nako, huwag ninyo nga akong pinag lololoko dito. Isa ka pa Koloy, kinakampihan mo pa ang mga batang ito, kaya sila'y natututong magbiro ng ganiyan" saway ko naman sa knila. Tinawanan lang nmn ako nitong si Koloy.

Pag katapos mag meryenda ng mga bata, bumalik na sila sa kanilang ginagawa. Nag paalam muna naman ako sandali sa mga bata, upang tumungo kay Dante sapagkat mag dadala ako ng kniyang makakain. 

"Sasamahan na kita Isay" rinig kong tugon ng isang ginoo mula sa aking likuran. Nang aking lingunin ito, nakita ko naman si Koloy na bihis na bihis at nakangiti.

"Baka ikay mapahamak sa daan kung wla kang kasama, kaya handa nmn akong samahan ka, para maipagtanggol kita sa masasama" wika pa niya na papalapit sa akin

Pinayagan ko nmn siya sapagkat wla rin namn akong pag pipilian. Tumungo kami sa Hacienda Flores.

Nang makarating kami sa harap ng bahay ni Senor Mikoy. Agad kaming nakita ng isa nilang katulong. Pinapasok niya kami sa loob.

"Senor, pinapatawag nyo daw ho ako? Ano ho ang inyong nais?"

Pamilyar naman sa akin ang tinig na iyon, si Dante. Siguro ay hindi pa nila kami napapansin dito sa baba.

"Nais ko sanang alamin kung ano na ang kalagayan ng pag hahanap ng mga sibil kay Gustavo?"

Nang aking marinig ang pangalan ni Gustavo, tila bumalik sa akin ang mga alaala noong araw na nawala ang aking ina.

"Ayon sa aking nakalap, hindi pa rin ho nahahanap si Gustavo, patuloy pa ring minamanmanan ng mga sibil ang dinaanan ni Gustavo, Senor" dinig kong sagot ng aking kapatid.

"Kinakailangan nang matagpuan sa lalong madaling panahon si Gustavo, baka marami pa ang madamay dahil sa kanya."

"Senor, ako'y may katanungan, bakit tila kayo ay balisa sa pagkakatakas ni Gustavo? Ano ho ang koneksyon niya sa inyo? Sana ay hindi nyo masamain ang aking katanungan"

Napapintig naman ang aking tainga sa aking narinig na winika ni Dante

"Napakalaki ng kasalanan niya sa pamilya ko, siya ang may kasalanan kung bakit may pinagdaraanan ako sa ngayon" malalim na bumuntong hininga si Senor mikoy

"Siya ang pumatay sa aking pinakamamahal na ina"

--
End of Chapter 12
  - Prinsesa

Connected in the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon