Freed Zacar P.O.V
Nakatayo ako ngayon sa pintuan at masayang binabati ang mga bagong dumarating. ngayon ay kaarawan ko ngunit wala namang espesyal sa araw na to. may konting saya dahil dumating si yxcelle, matagal na akong may gusto kay yxcelle. matagal ko na rin syang sinusuyo ngunit panay ang tanggi nya sa akin. naalala ko tuloy nung minsan ko syang niligawa at ikatlong tanggi nya na saakin nung araw na yon.
Flashback
Nakasakay ako ngayon sa karwahe ko na binigay ng aking ama, patungo ako sa kahariaan ng BLADDERY. tumakas lang ako sa aking ina at ama, batid ko rin na sa aking pag uwi ay papagalitan nanaman nila ako, pangatlong beses na akong tumatakas simula nung 9 na taon ako at ngayoy 13 na patuloy pa rin ang pag suyo ko sakanya.
sa gitna ng aking pag iisip biglang nagsalita ang kutsero “nandito na po Tayo ginoong Freed. - masiglang wika nito pagkadinig ko non ay agad na akong bumaba at nagtungo sa kaharian. binati pa ako ng gwardya at nagbigay galang, nginitian ko Lang sila at saka nagtuloy sa silid ng Reyna at Hari. lagi akong nagtutungo don bago sa silid ni yxcelle.
ng makarating ako'y bumati ako sa mga kamahalan “ Mahal na Hari at Mahal na Reyna magandang tanghali po sa inyo”- nakangiting wika ko,bigla namang tumingin si tita Mirane.
“Oh Freed nandito Ka Pala” - gulat na wika ni tita mirane
“opo tita ” maikling tugon ko agad na lumapit sa akin si tita mirane at agad akong hinagkan. medyo nagulat pa ako ngunit hinagkan ko rin naman sya pabalik, mabait sa akin si tiya ngunit ang Hari ay hindi ko masasabing mabait. dahil hindi sya nagbibigay atensyon sa aking pagdating, ngumingiti sya pag nakikita ako pero wala kang makikita sa ngiting yon. siguroy walang ibig sabihin, pero kahit ganon patuloy pa rin ang pagsuyo ko sa aking pinakamamahal walang makakapigil sa akin kahit sino pa man Yan.
“Napakagwapo naman ng anak ko” - mahinhing wika ni tita Mirane na hinaplos pa ang aking pisnge
(Ipinagbawal ang pagtatalo sa lahat ng kaharian kaya ganyan sila makitungo nagkasundo sila na wala ng magaganap na pagtatalo Kaya makikita mo naman na hindi dapat masama ang pakikitungo sa panauhin may batas silang dapat malugod na papasukin ang panauhin)
“hindi Naman po gano hehe”- nahihiyang sambit ko
“Nandito Ka ba para sa anak ko?”- wika nito
“Hindi po nandito po ako para Kay yxcelle”- wika ko at bumalatay Naman ang dismaya sa kanyang muka.si yxcelle ay hindi anak ni tiya Mirane. may dalawa pa syang anak, nakita ko na sila pero hindi ako nagbigay ng atensyon wala lang Kasi sila kumpara Kay yxcelle. mapapansin mo Kay tita na ayaw nya Kay yxcelle pero hindi ko na lamang iyon pinapansin
“Pumanhik ka na kung gayon”- wika ni tiya Mirane
“Sige po mauna na po ako mahal na hari” pagpapaalam ko sa Hari “ mauna na po ako” - pagpapaalam ko kay tita nginitian lang ako ng hari at tinangunan naman ako ako ni tiya, pagkatapos non ay umakyat na ako sa silid ni yxcelle upang masilayan ko na ang maganda nyang muka. ngunit bago pa man ako makarating ay nasalubong kona ang isa sa mga anak ni tiya Mirane. ngunit laking gulat ko ng lampasan ako nito bagaman alam kong may gusto sya sa kapatid kong si birscent, nagbibigay din naman sya ng interes sa akin, pero laking pasasalamat ko rin naman sa kabilang banda kasi nagpunta ako dito para kay yxcelle Lang at wala ng iba.
Pagdating ko sa silid nya ay gaya ng dati nakasara nanaman ayaw nya akong papasukin, kahit dati ay hindi man lang nya ako papasukin. ni hindi ko pa nga nasisilayan ang kanyang silid, iniinda ko na Lang ang lahat ng yon at mas pinipili na lang ang hindi pansinin, Mahal ko sya kaya kailangan Kong pagtiisan kahit anong mangyari.
BINABASA MO ANG
The Lost Heiresses: Truth Behind The Past [On Going]
Fantasy_Gramtical error_ I live in the world where chaos is everywhere,I once had a happy life it was simple,safe and sound.but because of dispute of the noble to each other my father died. This world is a world where every kingdom fought for power and wea...