Jerym lei P.O.V
KINGDOM OF ALDEJAR
Nasa silid aklatan ako at nagbabasa ng mga nakakaaliw basahin, upang makalimutan ang mga masasamang pangyayari sa aking buhay ng biglang dumating ang mahal na reyna ang aking ina.
"Lei pinatatawag ka ng iyong ama."-sambit ni ina saakin, batid ni ina ang hindi namin pagkakasundo ng aking ama. at alam nya kung bakit.
“Bakit daw?”- tanong ko sa aking ina "May kailangan ho ba sya sa akin"?- walang emosyong sambit ko, wala akong gana pagdating sa aking ama, gayun din naman sa mga bagay bagay.
Kinamumuhian ko ang aking ama, dahil nung araw na kailangan namin sya wala kaming nahinging tulong sakanya. sa halip ay hinayaan nya lang na mapatay ang panganay nyang anak. bakit kailangan pang pumili nang mamatay?? Bakit hinayaan nya lang ang kanyang panganay na anak???? Bakit???? maaari naman hindi na sumunod sa mga sabi sabi ng mga ermetanyo na bawal ang may dalawang tanda ng pa ekis sa noo, wala pa ngang napatunayan ang sabi sabi na yan. hinyaan nya lang na paslangin ng isa sa mga kawal ng Fiorioene ang kanyang anak tapos ngayon may plano syang maghiganti? Isang kahibangan.
Galit! Poot! Inis! Pagkasuklan!
Sa ngayon yan lang ang nararamdaman ko sakanya. "Mag ingat ka sa iyong pananalita."-bulalas ng aking ina. "kahit na may nagawang mali ang yong ama Hindi nya rin ginusto yon atsaka dapat gumalang Ka ama mo pa rin sya." -galit na sabi ni ina na may pangaral.
Hindi na ko muling sumabat pa, dahil masyadong mabait ang aking ina para magtanim ng galit sa halip ay nagtungo nalang ako sa silid ng aking ama. ayon sa kanyang ipinag uutos, may katagalan ang aking pagpunta dahil may kalayuan ang silid na aking ama sa silid aklatan. Ang silid aklatan ay nasababa ng kahariaan, samantalang ang kanyang silid ay nasa ituktuk kung saan kita mo ang lahat ng nasa ibaba. perpekto para sa isang hari,
Ng makarating ako'y nagbigay pugay ang mga mandirigma at mga iba pang nanunungkulan sa aking ama, dahil sa ako nga ay isang prinsipe."Maupo ka."-sambit ng aking ama na may paglahad at pagturo pa sa upuan.
"Hindi na kailangan." tugon ko naman sa paggalang nya " alam kong may kailangan ka sakin kayat sabihin nyo na lang dahil hindi na ako makatagal pa rito."- matalim na sambit ko at natigilan naman sya, kahit na ginaganyan ko si ama hindi naman sya nagagalit at hindi bumabawi. siguroy alam na nya ang kamalian nya Kaya hinahayaan nya na lang ako. pero lahat ng yon ay hindi sapat para mapanatag ang aking damdamin, hindi kailainman maibabalik ang isang namatay na at ang damdaming naiwan nya!
"Bastos."-mahinang sambit ng aking ama, na Hindi ko naman masyadong narinig.
"Magtungo ka sa kahariang ng fiorioene dahil gaganapin ang kaarawan ng panganay na anak ni ZIN, ikaw ang dadalo batid mo namang nakipagbati na tayo sa kabilang kahariaan, yun ang alam nila, pumunta karon upang kuhanin ang sikretong libro ng Fiorioene. kahit anong mangyari wag kang papalya dahil sa ngayon bibigyan na kita ng kaparusahan pag pumalya ka" mahabang paliwanag nito."mag iingat ka" dag dag pa nya. Ng marinig ko iyon ay Hindi na ako nagsalita, lumabas na lamang ako ng silid na iyon na Hindi na nagpaalam pa. alam Kong kabastuhan yon pero wala akong magagawa ganon ang ugali ko at hindi ko na Ito babaguhin kailanman. napagpasyahan kong magpahinga na muna kaya pumunta ako sa aking silid, pero bago pa man ako makapasok ay hinarang ako ng aking kapatid na si ace. (devinance)"Kuya anung sinabi sayu ni ama"?-tanung nito na may pag aalala.
Tinitigan ko lang sya at Hindi na sinagot pa ang kanyang tanong, wala akong panahong makipagusap sakanya. ng aakmang papasok na ako sa aking silid ay pinigilan nya ako at hinawakan sa kamay.
BINABASA MO ANG
The Lost Heiresses: Truth Behind The Past [On Going]
Fantastik_Gramtical error_ I live in the world where chaos is everywhere,I once had a happy life it was simple,safe and sound.but because of dispute of the noble to each other my father died. This world is a world where every kingdom fought for power and wea...