Kabanata 13

57 5 4
                                    

Cleivireign P.O.V

Dahan dahan Kong minulat ang aking mata at ginalaw ang aking katawan. Bumangon ako at lumabas sa aking tolda. Maaga pa dahil Hindi pa sumisikat ang araw. Napagpasyahan kong magtungo sa ilog upang maligo, malapit lang naman ang ilog dito Kaya mabilis ko Lang iyon mararating. Nagsimula na akong maglakad ng may biglang tumawag sa akin.

"ate" tawag nito saakin, at nasisigurado Kong si grey yon. "saan ka pupunta?" tanong nito saakin.

"maglalakad lakad lang." walang ganang wika ko

"sama ko" masayang wika ni grey, parang batang tumayo sya at umakbay saakin. Nainis naman ako sa ginawa nya Kaya inalis ko ang pagkakaakbay nya. Ng gawin ko iyon ay tiningnan nya Lang ako ng mapanukso.

"hindi pwede" pagtanggi ko

"ate naman" angal nito "sasama lang ako hindi ako makikigulo sayo."

"hindi nga pwede!" inis na wika ko.

"sasama ko" pagmamatigas nito Kaya nabwisit na ako

"maliligo ako!" hiyaw ko sakanya, kita mo naman ang pagkagulat sa kanyang mukha. unti unti itong namula "alis na k---"

"sige" wika nito na hindi na pinatuloy ang aking sasabihin. Nagtuloy tuloy na ako sa paglalakad at hindi na lumingon pa. hindi rin naman nagtagal at narating ko na rin ang ilog na tinutuloy ko. Malaki ang ilog na Ito at sa gitna nito ay maraming nabubuhay na nilalang. ayaw nilang magpagambala Kaya sa gilid lang ako naliligo.hinubad ko na ang aking saplot at dahan dahang nagpasakop sa tubig, napakalamig nito Kaya medyo nanginig pa ako. Umupo ako na tanging ulo Lang ang nakikita, lagi lagi Kong ginagawa ang ganitong bagay. Maaga akong naliligo dahil ayokong may ibang nakakalam, mas lalong ayokong may mga naninilip saakin. Sa ganitong oras ay tulog pa ang mga tao kaya sapat para maligo ako.maraming maliliit na nilalang na lumalangoy sa ilig na to na sa ganitong oras Lang lumilitaw, isa sila sa dahilan Kung bakit ako maagang naliligo. inilagay ko ang isa sa aking palad at itoy pinagmasdan, Hindi Naman talaga sila sa ilog nakatira kundi sa lupa Kaya may paa sila at Gaya ko nililigo Lang rin sila. maiilap ang mga ito kung sa ibang tao, pero sa akin ay parang hindi. Maamo sila sa akin at hindi ko alam ang dahilan Kung bakit. Ibinaba ko ang mga ito, dahil napagpasyahan kong umahon na Tama na siguro ang ganong paliligo.

Tumayo na ako at sinuot ang aking saplot, Inayos ang aking buhok at sarili. naglakad na akong muli pabalik ng kampo, sumikat na ang araw kaya pagdating ko don ay gising na ang mga tao.

"san ka nang galing rein?" tanong saakin ng pinakamatanda sa aming kampo, si lolo sayil. ginagalang ko si lolo sayil dahil mahalaga sya saakin, gayon din naman ang Turing ko sakanya kaya ayaw kong mawala sya.

"naligo lang po." nakangiting wika ko.

"ganon ba." wika nito "kung gayoy kumain ka na." yaya saakin ni Lolo sayil.

"sige po." sang ayon ko. nakita ko naman na hirap na hirap na sya sa pagkuha Kaya napagpasyahan kong tulungan nalang sya "ako na po ang bahala." wika ko at kinuha ang kanyang porum(come from the Latin word foliorum which mean in Tagalog dahon) lumapit ako sa mga potahe at kinuhanan sya ng gulay, ayokong magkasakit si lola kaya dapat may sustansya ang kanyang kinakain. Ng matapos ko syang kunan ng pagkain ay ibinalik ko na sakanya ang kanyang porum upang makapahsimula na syang kumain

Kukuha na sana ako ng makakain ng biglang dumating ang aming tagapagbantay

"may nangyayaring kaguluhan sa timog!" pagod na pagod na wika nito.

"at sino naman ang naglalaban?" tanong ni kelv ang matinik na lalaki.

"fiorioene at aldejar, Yan ang pagkakaalam ko." wika nito

The Lost Heiresses: Truth Behind The Past [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon