Kabanata 12

36 5 0
                                    

Guys pasensya na matagal tagal din akong hindi nakapag update. sorry hehehe salamat nga Pala sa pagsuporta nyo sa story na to kahit read Lang kayo ng read walang vote heheh Okey Lang, basta ang mahalaga sakin mabasa nyo sya. Yun Lang naman, susubukan ko nga Pala na once a week mag update or pag sinipag twice a week heheh. Eto na ang update sana naman suportahan nyo, ENJOY!

Jerym lei P.O.V

Dalawang araw na rin ang nakalipas matapos ang kasiyahan sa Fiorioene. maayos naman akong nakauwi sa aming kaharian. ngunit kagaya ng dati, nasa silid aklatan pa rin ako at nagbabasa ng paboritong kong mga libro. tungkol sa aking misyon, ang totooy hindi ako pinagalitan ni ama, nakakapagtaka nga. ang dahilan ko lang ay nalibang ako, ngunit sa halip na hiyawan nya ako ay ngumiti lang sya at pinagpahinga ako. hindi ko pa rin alam Kung bakit. tungkol Naman sa sinabi ko Kay cleivireign, hindi sa may gusto ako sakanya. basta nahihiwagaan lang ako, hindi ko lubos maisip na isa syang tulisan. oo halata sa kanyang pananamit, ngunit sa pagkilos at paggalaw ay hindi, lalo na sa itsura hindi mo mapaghahalataan. Kaya mas gusto ko pa syang kilalanin, dahil sa buong buhay ko ngayon lang ako nagkainteres sa isang nilalang. sa gitna ng aking pag iisip habang nagbabasa biglang pumasok ang aking nakababatang kapatid.

"kuya!" tawag nito saakin ngunit hindi ako nagbigay pansin sakanya, sa halip ay tinuloy lang ang pagbabasa. ngunit alam kong makulit ang aking kapatid kaya batid Kong hindi sya titigil. tumabi sya sa akin at pinagmasdan ako ng maigi na ikinailang ko.

"alis" pagpapalayas ko sakanya, ngunit hindi sya nakinig sa halip ay pinagpatuloy lang ang pagmamasid. tiningnan ko sya ng matalim ngunit hindi sya natinag. "ano bang kailangan mo?" inis na tanong ko sakanya.

"wala." walang isip isip na sagod nito.

"kung gayon ay bakit ka nandito?"

"wala lang den."

"ano?!" inis na bulalas ko.

"Nangaasar ka na?" inis na talagang tanong ko.

"hindi, ang saya mo lang kasing pagmasdan" naka ngiting wika nito "maamo ang muka mo pag nagbabasa ka, na ibang iba pag nasa reyalidad ka na." dag dag nya pa

"wala akong panahong makipag biruan sayo" walang ganang sambit ko "makakaalis ka na" dag dag ko pa

"ayoko" pagmamatigas nito

"isa" pagbabanta ko sakanya, pero ngumiti Lang Ito.

dalaw-------

"prinsipe lei may mga sandatahan na patungo rito sa ating kaharian upang makipagdigma!" biglang singit ng isang kawal na ikinagulat ko. gayon din naman si ace, Nakaramdam ako ng takot dahil naranasan ko na rin ang ganitong pakikidigma. ayoko sa lahat ay digmaan dahil dito namatay ang aking nakatatandang kapatid!. agad agad Kong hinila si grey palabas ng silid at pumunta sa tagong lugar. ayoko nang mangyari ulit ang nangyari dati, ayoko ng mawalan pa ng kapatid.

"dito ka muna at wag kang aalis" utos ko sakanya, kabado naman syang tumango tango. ng makita ko iyon ay lumabas na ako sa tagong lugar na iyon.

"ihanda ang mga kawal!" utos ko sa kasama Kong kawal na si Drex "ihanda ang mga armas at mga gamit pangdigma!" kabadong hiyaw ko "protektahan ang aldejar ang ating natatanging kaharian!"

Mabilis akong tumakbo patungo kay ama. gusto Kong malaman Kung ano ang nangyayari. mabilis akong nakarating Doon at nakita ko nga si ama sa kanyang silid na balisa.

The Lost Heiresses: Truth Behind The Past [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon