Kabanata 15

30 4 0
                                    

Unedited tinatamad ako wag Kang ako



Birscent P.O.V

Patungo na ko sa aming kaharian dahil tapos ko na ang pakay ko sa aldejar. Napagusapan na namin ni lei kung ano ang gagawin, Hindi naman sya tumanggi at agad na sumang ayon. Inasahan ko naman na iyon dahil sa tingin koy may pinagsamahan naman sila, wala naman akong malalapitan kung hindi sya lang. Wala namang nais o gustong magtangka Kay cleivireign maliban samin ni magtanggol ay wala kaya mas mabuti ng itakas na Lang namin sya kesa maparatangan sya sa kasalanang Hindi naman sya ang may sala.alam ko iyon! Dahil magdamag kaming magkasama ni cleivireign at wala Kang mapapansin sakanyang may tinatago sya isa pa sa tingin koy Hindi nya magagaw yon kahit na isa pa syang tulisan.

Napagusapan na namin ang kanyang pagkakamali at wala naman akong naging rason para magalit pa. Ni, magalit ay Hindi ko magawa sakanya. Hindi ko mawari ang aking nararamdama. May pagtingin kaya ako sakanya? Tuwing magkasama kami, lagi akong masaya. Hindi ko mawari ang aking nararamdaman, malakas na pintig ng aking puso na parang isang halimaw na nagwawala. Mabilis at ramdam na ramdam mo, sa oras na kasama ko sya laging ngiti ang aking pinakikita. Ngunit ngayoy nasa piitan nasa selda na sya Kung saan mga dayame at bato Lang ang nasa paligid isang lugar Kung San tiyak na ikay malulungkot. Kaya nararapat na suklian ko ang mga bagay na sya lang ang makapagbibigay. Hindi ko sya hahayaan sa seldang iyon manirahan Lolo na't lungkot at pighati Lang ang maidudulot non sakanya.

Araw araw ko syang dinadalaw, pero kahit na ngiti ang kanyang pagbati ay Hindi ko ikinasisiya, kinasusuklaman ko ang gumawa sa kanya ng ganon. Hindi ako makatulog at hindi mapakali dahil sa mga paghihirap na kanyang nararanasan, kahit lagi akong dumadalaw ay Hindi sa lahat ng oras makakasama ko sya, Hindi maaaring buong araw Kami magkasama Kaya nagaalala ako pag umaalis ako sa tabi nya. Nagdurusa Kaya syan? Nalulungkot? o nakararamdam ng pighati? Hindi ko alam, Kaya dapat ko na syang itakas sa seldang yaon.

Nakarating ako ng fiorioene at sinalubong ng mga kawal, ang Sabi ko sa aking ina ay mamamasyal Lang ako Kaya Hindi nya na ako pinadalan pa ng kawal. Ayoko Rin namang may mga asungot na aaligid sa akin lalo't may maitim akong balak. Hindi ko alam Kung anong magiging reaksyon nila sa aking gagawin, ilang araw din alang lumipas kayat sinigurado ko na Hindi papalpak ang aking plano. Araw Gabi ko tong inisip kayat sanay magtagumpay Kami ni lei. Hindi Ito maaaring pumalpak dahil isang digmaan nanaman ang magagamap. Napagusapan na namin Kung saang lugar idadala si cleivireign, ang Sabi koy sa bundok sa timog malapit sa mga nimfas ngunit Hindi sya pumayog lalo nat malayo at mapanganib dahil sa mga dambuhalang ibon na nagliliparan sa himpapawid malapit sa bundok Kaya nagalok sya na sa kaharian na Lang nila itago si cleivireign. Hindi na Rin ako tumaggi dahil wala na akong magagawa. Mas mabuti na roon malapit at mas ligtas.

(Ang nimpa ay isang napakagandang dalaga na kabilang sa klase ng mababang uri ng mga diwata na naninirahan sa kagubatan, Ilog, at batisan, bundok o maging karagatan at iba pa.)

Kinuha ko ang aking pagkain at dali daling nagtungo sa piitan upang bisitahin si cleivireign

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kinuha ko ang aking pagkain at dali daling nagtungo sa piitan upang bisitahin si cleivireign. Nakita ko naman sya nakaupo at parang malalim ang iniisip. "binibini." wika ko at dahan dahan Naman syang lumingon, ngumiti sya saakin na Gaya ng dati ay parang pilit. Kinuha ko ang susi sa kawal upang makapasok sa selda at mapakain si cleivireign. Pumasok ako at inalok ang aking dalang pagkain. "bawal tumaggi" pauna ko dahil Baka tumaggi nanaman sya Gaya ng dati nyang ginagawa. Ngumisi Naman Ito at inabot ang aking hinain sakanya. Sinimulan nya itong kainin, pinanood ko naman sya at naupo sa tabi nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lost Heiresses: Truth Behind The Past [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon