Kabanata 11

38 4 0
                                    

Cleivireign P.O.V

Sumakay ako kay prinsipe lei sa kanyang kabayo, ang tototoy kaya ko namang lakarin mula doon hanggang dito. pero matigas ang ulo nya, hindi naman ako baguhan sa ganoong sitwasyon. ilang beses ko nang naranasan iyon. kaya alam ko sa sariling kong makakarating ako ng buhay. hindi ko naman ikamamatay yon pero tong lalaking to pilit ng pilit. ang ayoko sa lahat yung namimilit kaya wala na rin akong magagawa. nasa kagubatan na kami Kung saan una kaming nagkita nagpapaalam na kami sa isat isat.

mauna na ako kamahalan.” pagpapaalam ko sakanya dahil wala na akong dahilan para magtagal pa .

maaari ba akong humingi ng pabor?” paghingi nya ng pahintulot ko kung maaari ba. kung tatanggi ako mangungulit sya kaya wala akong choice kundi ang tanggapin na Lang, ayoko ng makipagtalo pa lalo't mapapagalitan pa ako ni ina.

ano iyon?” tanong ko na lang sakanya.

maaari bang huwag mo na akong ituring bilang isang nakatataas?” paunang wika nito “ gawin mo lang ang dati mong ginagawa Yung pagturing mo saakin nung tayoy hindi pa magkakilala.”  pakiusap nito saakin. ano namang dahilan nya para gawin ko iyon? hindi ba sya komportable?

pero------

pakiusap”  mahinahong wika nito kung sabagay ako riy hindi komportableng gumalang kaya alam ko ang pakiramdam ng ganon

sige” walang emosyong sambit ko  “kung gayoy Mauna na ako maiwan na kita dyan” pagpapaalam ko sakanya atsaka tumalikod.maglalakad na sana akong muli ngunit isang hakbang pa Lang ang aking ginawa nang muli nya akong tawagin.

Cleivireign” nito saakin dahan dahan naman akong lumingon sakanya upang malaman ang dahilan Kung bakit nya pa ako tinawag.

bakit?” tanong ko sakanya ngunit imbis na sumagot ay sumakay sya sa kanyang kabayo

babalikan kita dito.” huli nyang bigkas bago patakbuhin ng napakabilis ang kabayo, ako namay naiwang nakatanga. ano bang kanyang sinabi babalik? sya rito? babalikan nya ako? ngunit bakit? bakit pa?

hindi ko na lang muling inisip ang sinabi ng lalaking iyon, sa halip ay binilisan na lang ang lakad. malayo layo pa ang kampo mula rito at gusto ko ng sabihin Kay ina na wala akong dala. para mapaaga ang panunumbat nya saakin, sa kabila ng aking paglalakad biglang lumitaw si greyvan na balisang balisa at hindi alam ang kanyang gagawin.

ate!” malakas na tawag nito saakin. “sumusugod nanamam ang mga eert sa ating kampo marami na ang nasugatan kaya kailangan mo ng magmadali!” balisang hiyaw saakin ni grey

(eert mga taong nagaanyong puno upang proteksyonan ang kanilang sarili hindi sila mabubuting tao at wala silang hanggad kundi ang manira at mangwasak isa sila sa mga salot Kung tawagin na ipinadala ng nakatataas sa amin upang pagbayaran ang kasalanan ng mga nilalang malalakas ang mga eert hindi sila basta basta nagpapatalo at hindi sila tumitigil hanggat hindi sila nakakawasak)

hindi na ako nagaksaya ng sandali, hinubad ko ang aking sapatos at dali daling  tumakbo. hindi ko na ininda pa ang mga sakit sa aking paa maraming mamamatay kung hindi ko pa bibilisan, mahihina Lang ang aking mga kasama ako lang ang inaasahan nila,mahihina sila dahil ang totooy hindi naman tulisan ang aming lahi isa kaming masayang pamilya. kahit hindi magkakadugo ang namumuno saamin ay ang itay ko, na ngayon ay patay na. kagaya ng aking ina gusto rin nilang maghiganti para sa aking ama Kaya sila naririto, mas binilisan  ko pa ang takbo ko at alam kong hindi na nakakasunod si grey batid kong tumakbo sya mula doon hanggang dito kaya pagod sya malapit lapit na rin ako sa aming kampo at dinig na dinig mo ang tunog ng espada na kinamumuhian ko ayoko sa lahat ay mga digmaam. nakarating din ako ngunit nakita kong sasaksakin ng isang eert si inay kaya dali Dali akong humarang doon at ako ang napuruhan, hindi naman ako tuluyang nasaksak dahil lumaban din ako.

The Lost Heiresses: Truth Behind The Past [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon