9

43 3 16
                                    

COSMO HIGH'S KILLER
IKA-SIYAM NA KABANATA

"I fucking swear to God Kiel mapapatay na talaga kita! Sana hindi nalang kita naging anak!" Sigaw ng ina ni Kiel habang tinatapon ang mga papel na puno ng mga lyrics ssa trashcan sa gilid ng study table niya.

"Bakit ka ba nagsusulat eh yang pangarap mo hindi mo yan matutupad! Mabuti nalang si Zerefㅡ" Naputol ang sinabi ng kanyang ina nang tumayo siya sa upuan niya at tinignan ang ina niya na may galit sa kanyang mga mata.

"MAMA NAMAN OH! PURO KA NALANG KAY ZEREF HYUNG! GANUN MO TALAGA KAMAHAL SI ZEREF HYUNG HA?! MA NAMAN! MAY GINAGAWA SIYANG MALI PARA LANG MASIRA ANG ATING PAMILYA! SANA SUMAMA NALANG AKO KAY PAPA EH!" Sigaw ni Kiel habang ang kanyang ina ay nakatingin padin sa kanya na parang gusto na niyang masampala ng lalaking nasa harap niya.

At tama kayo, sinampal si Kiel.

"Huwag mong ganyanin ang kuya mo o papatayin kita sa harap ng bahay natin." Napatigil sa paghinga si Kiel nung narinig niya ang mga salitang lumabas sa bibig ng kanyang ina.

Napatakbo si Kiel papunta sa labas ng kwarto niya at napaluha naman. Ganun naman palagi ang makukuha niya palagi sa kanyang ina, sampal, masasakit na salita at syempre, hindi niya padin nakuha ang pagsusuporta ng kanyang mama bilang artista paglaki niya.

Depressed na depressed na si Kiel. Wala nang makikipagkaibigan sa kanya, syempre maliban sa isa na si Teerayu, ang hindi naman niya masyadong matalik na kaibigan. Hindi nadin siya pinansin ng kanyang kuya na si Zeref ng dahil busy daw.

Pumunta muna si Kiel sa malapit na coffee shop. Pumasok siya at narinig ng cashier ang tunog ng bell sa itaas ng pinto at tumayo naman ito.

"Magandang hapon po, sir. Ano pong gusto niyo?" Tanong ng isang babae habang tumingin muna ang lalami sa ibabaw para sa kanyang order. Since mahilig naman sa cappucino ang lalaki, nag-order naman siga ng cappucino.

"Hintay lang po muna kayo sa order niyo, sir."

Umupo muna si Kiel sa isang table na malapit lang sa malaking bintana at tinignan ang kanyang paligid sa labas. Iniisip niya ang mga nangyari sa kanya kanina lang at napaluha naman.

"Here's your order sirㅡ Sir, bakit ka po umiiyak?" Tanong ng dalagang babae sa lalaki habang linalagay sa mesa ang iniorder niyang cappucino. Napalingon naman ang lalaki sa babae at umiling.

"Wala, wala ito." Sagot ni Kiel.

"Sir, walang umiiyak na walang rason. Pwede mo naman po sabihin sa akin ang problema mo." Ani ng babae habang nakatingin sa kanya na may pag-aalala sa kanyang mukha.

"Huwag nalang, ijujudge nyo lang ako."

__________

Tumingin sa kisame si Icarus habang nakahiga sa kanyang kama. Nandito siya sa kwarto niya ngayon ng dahil iniisip niya ang mga hindi inaasahang pangyayari sa Cosmo High, ilang araw na ang nakalipas pero yung mga estudyante ay hindi na masaya.

Miss na niya din ang kanyang barkada na patay na. Namiss na niya yung pag-samahan nila, gaguhan, tawanan at namimiss niya ang presence ng kanyang mga kaibigan. Tumingin siya sa mesa sa tabi niya at nakita ang isang kahon, kinuha niya ito at umupo siya.

Binuksan niya ang takip ng kahon at nariyan ang mga polaroid na kinuha niya kasama ang kanyang mga kaibigan, ang kanyang mga kaclose na schoolmates niya at sa lahat. Tinitingnan niya ang bawat polaroid at naaalala ang mga alaala na mayroon ang Cosmo High noong wala pang nangyaring masama sa paaralan.

"Miss ko na yung noong Cosmo High, bakit pa naman ginawa yun ni hyung?" Sabi ni Icarus sa kanyang sarili. Habang kinuha niya ang lahat na polaroids na kinuha niya ay may nakita siyang isang litrato, ito ay isang school picture ng Cosmo High.

Napangiti siya sa nakita niya habang kinuha ang litrato mula sa kahon. Nandun ang lahat na Cosmo High sa harap ng building habang naka-wacky pose pa silang lahat.

"Students, please find a space para mapasama kayo sa pagpicture ni Guard!" Sigaw ni Axel habang naghahanap naman ng space yung mga estudyante, yung iba nagtatawanan pa, yung iba nagtutulakan na, yung iba nasa sahig na, naka-wacky pose na.

"Okay na po ba sila sir?" Tanong ng guard kay Axel at umiling iling si Axel. "Hindi nga rin sila handa, guard." At tumawa ang dalawa.

"OKAY! Yung freshman nasa harap, tapos sophomore, sunod kayo sa freshman! Tapos yung senior sa likod kayo ng sophomore! Sa mga maliit dyan, goodluck sainyo!" Sigaw ni Zeo at pumunta naman yung lahat sa lugar kung sana tinuturo ni Zeo.

"Teka lang muna guard ah? Mga gagi din tong mga estudyante ko minsan." Nagtawanan ulit ang dalawa.

"OH AXEL OKAY NA!" Sigaw ni Chantelle at pumunta naman si Axel sa harap ng freshman, nakasquat yung freshman, yung sophomore ay nakaluhod at ang senior naman ay nakatayo.

"Okay na guard!" Sigaw ni Axel habang naka-like sign pa kay guard, tumango naman ang guard at niposisyon ang cellphone ni Axel na iPhone.

"Okay, isa, dalawa, tatlo!" Habang nagbilang ang guard, nakawacky pose na silang lahat habang yung iba naging meme nadin.

"Okay na boss!" Sigaw ng guard at kinuha naman ni Axel yung cellphone niya. Yung ibang mga estudyante puro sigaw kay Axel na "ipaprint mo yan hyung/oppa!"

"I swear parang ayoko nang ipalungkot yung Cosmo High." Sabi ni Pan habang tumatayo sa lupa. Tumango naman sila Leigh at Levyn.

"Oo nga noh?" Tanong ni Icarus.

"Paano na Cosmo High? Hindi na ba natin mababalik ang masayang Cosmo High?" Tanong ni Icarus habang nakatingin padin sa school picture ng Cosmo High. Napatingin siya sa lahat ng mga estudyante ay napaiyak ng malaki.

Ibinalik niya ang school picture sa kahon at linagay nadin isa't isa yung mga polaroid na kinuha niya noon. Yung group photo ng magbarkada, yung pagyouth camp, yung nagtapon ni Inakotchi ng snow si Axel, yung sinampal pa ni Icrus sila Pan at Zeke gamit yung isda na kinuha ni Keigan, which is si Leigh nagpicture nun, lahat ng masayang ala-ala ng lahat ng taga Cosmo High.

___________________
(っ'-')╮=͟͟͞͞💌 winter's note!
-; a little bit sad chapter muna,
di ko pa nga alam bakit ko pa naisip
yung kay icarus HAHAHAHA!

COSMO HIGH'S KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon