16

21 2 3
                                    

COSMO HIGH'S KILLER
IKA-LA'BING ANIM NA KABANATA

Unang araw na ngayon ng suspension of classes ng Cosmo High ng dahil sa issue tungkol sa patayan at sa mga namatay na mga biktima na mga estudyante rin ng Cosmo High.

Habang may tina-type si Lance sa computer ni Maura ay may kumatok bigla sa pintuan sa apartment ni Maura. Napalingon si Lance sa pintuan at akmang tatayo na sana siya nang bigla siyang tinignan ni Maura.

"Ako na ang bubukas, bumalik ka sa trabaho mo." Sambit ni Maura bago tumayo at lumakad papunta sa pintuan. Nang binuksan niya ang pinto ay nakita niya ang pinsan niya na may dalang backpack.

"Maudine? Bakit ka andito?" Nagtatakang tanong no Maura habang pinapasok niya ang kanyang pinsan sa loob ng apartment niya.

"Bigyan nyo muna ako ng tubig." Sabi ni Maudine at pumunta naman si Maura sa kusina para kumuha ng tubig.

"Teka, ano bang nangyare sa'yo?" Tanong ni Nash at may pinalabas siyang notebook mula sa dala niyang backpack. Lumabas mula sa kusina si Maura at binigay ito kay Maudine.

Uminom ng mabilis si Maudine bago ito inilagay sa coffee table at pinakita sakanila ang notebook na pinalabas niya kanina.

"Ano yan?" Tanong ni Nash. "Teka, History notebook ba yan ni Chantelle?" Tanong ni Maura at napalingon naman si Lance sa kanila. Tumayo si Lance sa kinauupuan niya at inagaw ang notebook.

"Saan mo 'to nakita?" Tanong ni Lance habang nakatingin kay Maudine at ibinalik ang atensyon sa notebook.

"Nakita ko lang yan sa loob ng cr sa hospital."

"Lola, isang subo nalang tapos ka na kumain." Sabi ni Maudine habang sinusubuan niya ng sabaw ang kanyang lola na may sakit. Narito sila ngayon sa ospital pagkatapos nilang nalaman na may sakit ang kanyang lola.

Habang iniligpit na ni Maudine ang mga gamit at inilagay sa maliit na kusina sa loob ng kwarto. Palabas na sana ang dalaga nang tinawag siya ng kanyang lola.

"Iha, saan ka magsusuot?" Tanong ng lola ni Maudine at napalingon si Maudine sa lola niya. "Uh, lola, pupunta lang ako sa cr saglet." Sagot ni Maudine.

"Iha, may cr tayo dito, ba't sa labas ka pa pupunta sa cr?" Tanong ulit ng lola niya. "Eh kasi, lola, walang tubig." Sagot naman ni Maudine.

"May gripo naman sa cr ah at balde, pwrde ka naman magpuno ng tubig don." Sabi ng lola ni Maudine at napatahimik bigla ang babae.

"Hayst, basta balik ka agad ah?"

"Opo." Sabi ni Maudine bago lumabas sa kwarto ng lola niya at lumakad papunta sa cr. Ngunit may nabangga siyang babae at mabuti naman hindi napatumba ang babae sa sahig.

"Hala! Pasensya na." Sambit ni Maudine bago nagbow sa babae niya at ngumiti lamang ang babae sa kanya. "Okay lang po, unnie. Basta hindi po ako nahulog sa ibang tao." Sabi ng babae at napatingin naman si Maudine sa mukha niya.

"Tekaㅡ  Havielle?" Tawag ni Maudine habang tinuro ang babae sa harap niya. "Maudine unnie?" Tawag den ng babae kay Maudine at nagyakapan ang dalawa.

Tumigil ang dalawa sa pagyayakap at ngumiti naman si Maudine kay Havielle, "Kumusta ka na? Ilang years na tayo hindi nagkikita!" Sabi ni Maudine.

"Ayos lang din naman po ako, ganun padin yung school eh HAHAHA." Napatawa naman ang dalawa, "Oh siya punta na ako, baka pagalitan ako kung bakit ang tagal ko, see you!" Sabi ni Havielle bago umalis sa harap ni Maudine.

Patuloy sa pag-lalakad si Maudine nang may nakita siyang dugo sa cr. Bilis siyang pumunta dun at nagtago sa tabi ng pintuan ng cr.

"Mama mo ulol, ano? Papalag ka ba kung ganun gawin ko?"

"Chantelle naman, wala naman akong ginawang mali sayo ah?"

"Wala akong pakialam kung wala kang ginawang mali sa'kin."

"Pero bakit ganun nalang gagawin mo? Tignan mo oh, nasa ospital tayo, aalis nalang ako. Kailangan pa ako ng tatay koㅡ" Napatigil sa pagsasalita ang babae nang nakarinig si Maudine ng tunog ng baril. Napalingon siya sa loob ng cr at nakita niyang nakahiga si Misty at biglang nawala ang isang babae sa cr.

"Misty!" Tawag ni Maudine habang tumakbo sa patay na katawan ng babae sa loob ng cr. Inaalog niya ang katawan ng babae pero wala. Lumingon naman si Maudine sa isang gamit na nasa tabi sa katawan ni Misty, ang History notebook ni Chantelle.

"Alam mo ba kung sino ang pumapatay sa step-sister mong si Misty?" Tanong ni Maura habang binuksan niya ang History notebook 'daw' ni Chantelle.

"Si Chantelle."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

COSMO HIGH'S KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon