COSMO HIGH'S KILLER
IKA-ANIM NA KABANATA"We should talk about this. Tell the other Cosmo High students who are incharge in taking care of the school that we will have a meeting right now at the guidance's office."
Sabi ni Axel habang tinitignan niya ng maayos ang mga papel ng mga estudyanteng patay na habang si Hyejoo ay tumango at umalis sa principal's office.
Hinahanap ni Hyejoo ang mga incharge sa paaralan upang mag-uusap sila sa mga patay na estudyante. Madami na din ang mga mga namatay na estudyante kaya kailangan nilang mag-uusap tungkol dito.
Pumunta muna si Hyejoo sa classroom muna nila Zeref at kumatok sa pinto. Tumigil naman sa pagsusulat ang kanilang guro at pumunta sa pinto.
Binuksan ng guro ang pinto at ngumiti. "Hello Miss Demetrio, what I can help you?" Tanong ng guro at nag-bow naman si Hyejoo.
"Um, good afternoon po. Principal Demetrio is calling the incharge of the school." Sabi ni Hyejoo at lumingon naman ang guro sa mga estudyante niya.
"Sino yung mga incharge dito?" Tinaas ng tatlo ang kanilang mga kamay at tumango ang guro.
"Okay, you may take your leave." Sabi ni guro at nag-yes naman sila habang tumayo at kinuha ang kanilang mga bags at umalis sa classroom kasama si Hyejoo.
________
Matapos nang tinawag lahat ni Hyejoo ang mga incharge, nagsiupo silang lahat maliban kay Axel.
"Now, we'll be talking about this." Sabi ni Axel habang linapag sa mesa ang mga papel. Picture ng mga estudyanteng patay ang linapag ni Axel at ang iba naman ay nandidiri sa nakikita nila.
"We'll be talking about them. Kung bakit sila pinatay. Syempre except kay Leigh kasi nagpakamatay siyaㅡ or maybe not?" Ani Axel habang kinuha ang mga picture at linapag naman ni Axel ang nga picture ng mga namamatay.
Tinaas ni Delancy ang kanyang kamay at tumingin naman si Axel kay Delancy. "Yes?" Tanong ni Axel at may kinukuha si Delancy sa bag niya.
Linapag niya ito sa table at lahat naman ng mga estudyante doon nakatingin sa kanya. "Ito 'yung binigay sa'kin ni Pan bago ako pumunta sa library." At inunfold niya ang papel at may nakita silang picture sa itaas at letra naman sa baba.
"Miss Delancy, please give me the letter." Sabi ni Axel habang kinuha ni Delancy at binigay kay Axel ang papel. Iniunfold muna ng maayos ni Axel ang letra at tinignan ang mga estudyante.
"Victims are victims. Killers are killers. There's no difference."
"Ano daw?"
"Bakit maliit lang?"
"I don't understand eh, ang nalagay lang sa picture is yung nahuhulog si Leigh sa building." Sabi ni Delancy habang binibigay ni Axel ang papel kay Delancy.
"And also I saw the one who killed Levyn and Sei." Sabi ni Delancy at napatingin sila kay Delancy.
"Can you whisper to me the name?" Tanong ni Axel habang tumingin si Delancy kay Axel at pumunta sa kanya. Lumalapit siya kay Axel at tinibgnan ang isa dyan bago ni-whisper ni Delancy ang pangalan.
"Hindi ako sure pero si....."
_________
"Oh Minarii unnie? Bakit ka po nandito? May pinabili na naman ba si kuya Terrence?" Tanong ni Nayarin habang may kinukuha na snacks sa snacks station sa isang supermarket store. Lumingon naman si Minarii at ngumiti.
"Hindi naman, wala na kasing snacks sa condo ko." Sagot ni Minarii habang namimili ng snacks. Lumingon naman si Nayarin sa basket na dalang-dala ni Minarii na may isang pack ng pandesal.
"Unnie, isang pack ng pandesal lang pinili mo ah?" Tanong ni Nayarin at natawa naman si Minarii.
"Aysus, kukuha pa naman ako ng snacks." Sabi ni Minarii at tumawa silang dalawa.
______
Pagkatapos nilang bumayad sa cashier ay nakita nila si Pan sa labas ng mall habang tumingin pa sa paligid at ibinalik ang tingin sa cellphone. Binuksan naman ni Minarii ang bintana niya at sa backseat din. Tumingin si Pan sa kotse at napatingin sa kanila ng pagtataka.
"Oh Naya? Noona?" Tawag ni Pan habang lumakad siya sa kanilang dalawa. "Anong ginagawa mo dito Pan?" Tanong ni Nayarin habang tinignan ni Pan ang kanyang dala na may mga clothes sa plastic bag.
"Ahh, kay Icarus 'to. Gusto kasi ng bagong clothes tapos ayaw niya pa ako samahan, edi ako nalang nagpunta." Sagot ni Pan at natawa nalang ang dalawa.
"Aysus, si Icarus talaga." Ani Minarii.
"Pasok ka na, gabing-gabi na."
________
"Bakit siya pa ang pumatay?" Tanong ni Axel kay Delancy, nandito sila sa loob ng guidance's office pagkatapos sa kanilang usapan tungkol sa mga namamatay na mga estudyante.
"Hindi ko alam, Axel. Bigla kasi akong umalis pagkatapos ko siyang nakita." Sagot ni Delancy.
"Ano ba yung ibang nakikita mo maliban sa kanya at kina Levyn at Sei?" Tanong ulit ni Axel.
"Kutsilyo."
_________
"Noona, naalala mo pa ba nung pag-intramurals na nadapa si Sei tsaka si Nayarin? HAHAHA grabe tawa ko dun!" Sabi ni Pan at tumawa silang tatlo. Nasa loob sila ng kotse ni Minarii para ihatid ni Minarii ang kanyang mga dongsaengs pauwi.
"Boyset ka Pan! Alam mo ba unnie nung nahuhulog yung paboritong pandesal ni Pan sa cafeteria?" Tumawa ng malakas si Nayarin sabay palakpak habang si Minarii at tawang-tawa padin habang si Pan ay hinampas si Nayarin.
"Alam mo ba noona nung...." Tumingin muna si Pan sa bintana habang rinig na rinig padin yung mga sinasabi ni Nayarin tungkol sa mga masasayang nagyayari noon sa Cosmo High at mga tawa nila.
Nang biglang may nakita siya sa side mirror ng kotse si Pan na may sumunod na kotse sa kanilang sinasakyang kotse.
"Noona, may sumusunod sa atin." Sabi ni Pan at tumigil naman sila Nayarin at Minarii sa kakatawa at tumingin kay Pan na may pagtataka sa mukha nila.
"Ano?"
"May sumusunod sa atin."
_______
"Sila Icarus at Pan nalang ang nabuhay sa kanilang magkakabarkada nila Leighㅡ" Napatigil si Delancy sa pagsasalita nang nag-ring ang cellphone ni Axel sa kanyang bulsa.
"Iloud speaker natin." Sabi ni Axel bago sinagot ang tawag ni Ian.
"Hello Axel hyung."
"Oh bakit Ian? May nangyari ba sa inyo ni Karina?"
"Wala naman hyung, pero nakita ko yung kotse ni Minarii."
Napatigil si Delancy sa ginagawa niya at nagtitingan silang dalawa ni Axel bago inalis ni Delancy ang kanyang tingin at tumingin sa cellphone. Tumakbo si Delancy kung saan nandoon si Axel at kinuha ang cellphone.
"Anong nangyari sa kotse?"
"Nabangga sa isang puno, nasa harapan lang sa condo ko. Tas yung nasa loob, nakita ko silang tatlo."
"Sino?" Sabay na tanong ng dalawa.
"Si Nayarin, Pan at Minarii."
BINABASA MO ANG
COSMO HIGH'S KILLER
FanfictionCosmo High is a school wherein students is actually friendly and also naughty at the same time. A school for students who are talented and have a good soprtsmanship. It is a happy place but then one thing has happened which makes the school in dange...