Day Six: Starting to Confuse

242 16 1
                                    

Coen

So yeah, ako nga ang magbabayad.

Di na ko umangal, lahat naman kami may pera.

Pero, ganon siguro talaga ang tadhana.

What are you talking about Coen?

"Paramihan shoots oh. Kung sino pinaka-marami, ililibre." Sabi ni Vio.

"Im up for the challenge. Pero lilinawin ko lang kayo. Kung sino ang pinaka-marami, sya ang ililibre." Seryosong sabi ko.

"Game!" Sigaw ni Jermaine.

And the challenge, begins.

"Ang ga-gwapo nila"

"Parang mga artista"

"Tignan mo Celine, ang gwapo oh"

"Mayayaman ata"

Bulungan nila. Napangiti nalang ako.

Mas gwapo ako sakanila.

Naka-ilang points na ko, 101 points. And yeah, tapos na ang 30 minutes namin.

"Ano score?" Tanong ko sakanila.

Maraming nakapalibot samin.

"217 akin" Si Vio.

Tsk, talo nako.

Bat ba ko sumali? E hindi naman ako nagba-basketball.

"221" Sabi naman ni Clarence.

"Hahaha! Ikaw Coen?" Malakas na tawa ni Jermaine.

Panalo ata to.

Hindi ko sinabi ang score ko at sinilip nila.

"101 lang? Haha! Bata!" Tawang-tawa na sabi ni Jermaine.

Did i mention na basketball player si Jermaine? Yeah, he's a basketball player.

"Palibhasa basketball player ka. Lugi." Complain ko.

Tumawa naman silang tatlo.

"Ilibre mo na sya Coen." Natatawang sabi ni Vio.

"Yun lang pala. Let's go." Sabi ko.

Sumulyap ako sa score ni Jermaine, and it's 287.

Hays. Maduga.

"San tayo?" Tanong ko sakanila.

"Doon, sa may gaming!" Tuwang tuwa na sabi ni Jermaine.

Palibhasa nanalo.

Ng makarating kami don, as usual. Bulungan na naman.

"Hindi ba't meron ka na nyan?" Tanong ko. Halos kasi lahat ng gaming item, gadgets, set-ups ay meron na sya.

Meron din naman ako. May sarili pa nga kong gaming room.

"CD ang bibilhin ko, mga lima lang" Sabi ni Jermaine.

'Okay' Nasabi ko nalang sa sarili.

Para syang bata na nag kakalikot. Maging ang dalawa ay nagtitingin-tingin.

Ilan minuto rin bago sya natapos at binigay ko na ang credit card ko sa cashier.

After that, we decided to eat.

Nandito ngayon kami sa resturant, and this time, it's KKB.

Finally.

Um-order na nga kami and then we find a seat.

"Hindi ba't si Alford yon?" Tanong samin ni Vio.

Nilingon naman namin ang sinasabi nya. He's right. Si Alford yon, with a girl.

Masasaktan na ba ko? Tsk.

"Nililoko ka nya Coen." Kunwaring inis na sabi ni Clarence.

"Hahaha" Tawa naman ni Jermaine. Ano pa ba ang aasahan dyan? Masayahin e.

"Oh ano gagawin ko kung nandyan si Alford?" Inis na tanong ko sakanya.

"Ano, anong gagawin? Hindi ba't boyfriend mo yun?" Takang tanong ni Vio.

"Dumbass, wala pa kong boyfriend." Sabi ko sakanila.

"Magkakaron palang? Haha" Sabi naman ni Jermaine.

Siniringan ko lang sya.

"Sa tingin mo, may pag-asang magustuhan mo si Alford?" Tanong sakin ni Clarence.

"Hindi ko alam.." Honest na sagot ko sakanila.

"Pero t'wing lumalapit sya, bumibilis tibok ng puso ko. Pero hindi ako bakla." I honestly said.

Oo, totoo yon, bumibilis ang tibok ng puso ko pag nandyan na sya.

Pero hindi ako bakla.

"Hindi kaya na-co-confuse ka na?" Tanong ni Vio.

Dumating na ang pag-kain namin.

"Confuse saan?" I ask again.

Totoong kaibigan sila, kaya pinagkakatiwalaan ko sila.

Habang kumakain, nagke-kwentuhan pa rin kami.

"Sa gender mo. Kung ano ka talaga." Sabi ulit ni Vio.

"Oo nga, baka nag-ge-gender confusion ka?" Tanong ni Clarence.

"Basta ang alam ko hindi ako bakla." Madiin na sabi ko.

"Hindi naman namin sinasabing bakla ka. Baka bi ka, ganon. Bisexual?" Paliwanag ni Vio.

Sa tatlo, si Vio lagi ang tagapayo namin.

"Oo nga! Baka crush mo ko pre ah! Haha" Biglang sabat ni Jermaine.

"Mandiri ka nga." Sabi ko kay Jermaine na parang nandidiri.

"Seryoso na." Sabi ni Jermaine.

"Na-co-confuse ka kasi may gusto ka sakanya." Biglang sabi ni Jermaine.

"A-ako? May gusto kay Alford?" Takang tanong ko sakanila.

Sabay-sabay naman silang tumango.

Oh no... this isn't real.

"Gusto mo ba yung nararamdaman mo?"
Seryosong tanong ni Vio.

"Kung gusto mo yun nararamdaman mo, palaguin mo." Explain nya pa.

"Paano kung ayaw ko?" Tanong ko naman sakanya.

"Iwasan mo sya." Seryosong sabi ulit nya.

"Pero paano? Nasa iisang room kami." Tanong ko ulit.

"Basta iwasan mo sya. Medyo malayo naman ang upuan nyo sa isa't-isa diba?" He ask and i agree.

"Ano, gusto mo ba yung nararamdaman mo o ayaw?" He ask again.

Napaisip ako. Gusto ko bang gusto kita, o ayaw kong gusto kita? Im confuse.

Damn confuse.

"Pag-isipan mo mabuti. Tapusin na natin tong kinakain natin tas punta na tayo sanyo." Sabi ni Vio, tumango naman kaming tatlo.

"Yey! Netflix is waving!" Masayang sabi ni Jermaine.

"Horror is waving!" Masaya naman na sabi ni Clarence.

Nag middle-finger si Jermaine sakanya.

"Love story hoy" Nakasimangot na sabi ni Jermaine.

Hindi naman sa natatakot sya, sadyang ayaw nya lang talaga ng horror.

Ako? Kahit ano.

Napaisip ulit ako tungkol sa sinabi ni Vio.

Gusto ko na ba talaga sya?

Gender Confusion?

Ugh Alford. You starting to make me confuse.

Real confuse.



Since Day One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon