SDO: Vio's Secret

222 13 0
                                    

Vio

Gaya nga ng sinabi ko sakanila, lumabas ako at lumanghap ng sariwang hangin sa garden.

Nakakalungkot lang na push ako ng push sa taong gusto ko sa taong gusto nya.

Sabagay, sino ba naman ako? Kaibigan nya. Kaibigan nya lang.

At dapat sa nararamdaman na ito, tinatapon. Dahil walang patutunguhan to.

Kung sinabi mo saking bisexual ka, sana niligawan na kita.

Wala akong paki-elam sa sasabihin ng iba. Basta sakin, mahalaga ka.

"Hoo." Pagbuga ko ng hangin.

Bakiy ba ko nasasaktan? E ako nga tong taga-payo nya.

Pabayaan na, hindi naman ako ang gusto.

Pero sa oras na saktan nya ang taong gusto ko, mayayari sya sakin.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ko nagustuhan si Coen.

Okay, isa akong bisexual.

Pero nasigurado ko lang yun ng nagustuhan ko si Coen.

"Oh nagso-soli flight si Mr. Genius!" Sigaw ni Jermaine.

Sila talaga yung nagpa-pa light ng mood.

"May problema?" Jermaine ask.

Hindi ko naman pwedeng sabihin sakanya to.

"Ah wala." Nakangiting sabi ko sakanya.

"Wala? Pero bakit parang meron?" Nakangiti nya pa ring tanong.

"Wala nga" Pagtititak ko.

Alam kong hindi pa rin sya naniniwala. Magaling makahalata si Jermaine.

"Mukha kang problemado." Seryoso na nyang sabi.

"Pero nakakapagtaka lang na nakakatuwa ano? Si Coen, si Coen na kaibigan natin na sisiga-siga sa campus, isa palang bisexual? Ang galing. Si Coen na ayaw sa mga bakla, magkakagusto sa isang lalaki? Grabe talaga si tadhana." Iiling-iling na sabi ni Jermaine.

Akalain mo nga naman din, Coen na siga at kinatatakutan ng lahat, idagdag mo pang chickboy ay magkakaron ng gusto kay Alford na isa ring lalaki.

"Masaya ka ba sakanila?" Tanong ni Jermaine.

"Oo naman. Masaya si Coen, masaya na din ako." Nakangiting sagot ko.

Ngumiti din sya.

"Ako din, lalo na't may pag-asa si Coen kay Alford. Masaya si Coen, masaya na din tayo." Nakangiti pang sabi nya.

Buong buhay ni Coen, halos wala syang nakakasama, mga katulong lang ang madalas sa bahay.

Kaya nung naging magkakaibigan kami, sinabi naming magiging masaya kaming lahat para sa isa.

"Sana lang, maging sila no? Kasi ayoko ng makitang masaktan ulit si Coen." Sinserong sabi ni Jermaine.

"Ayoko ng makitang umiiyak sya pag may umaalis na mahal nya sa buhay nya." Sinserong dagdag pa nya.

"Sana kung si Alford na, si Alford na talaga." Sabi pa nya.

Si Jermaine, loko-loko yan pero the best yan.

"Oh mga nagsosolo kayo?!" Biglang sigaw ni Clarence kasama si Coen.

Nakangiti na si Coen. Napasaya siguro ni Clarence.

"Masaya ka ba sa nararamdaman mo Coen?" Tanong ko sakanya.

Nandito kami ngayon sa garden at naka-upo sa mga damuhan.

"Di ko masasabing masaya ko o malungkot ako. Pero masasabi kong gusto ko tong nararamdaman ko." Nakangiti nyang sabi.

Yung mga katangian ni Coen ngayon, madalang lang namin makita dati.

Pero ngayon, nag iba na talaga sya.

Pinagmasdan ko ang ngiti nya. Makikita mong masaya talaga sya.

Ayokong masira tong pagkakaibigan natin, dahil naging pamilya ko na kayo.

"Oy anong iniisip ng Vio namin?" Parang naawang sabi ni Clarence.

Nagtawanan naman sila.

"Kanina pa nga yan e! Ang lalim ng iniisip." Tawa ni Jermaine.

"Nasisid mo?! Haha!" Tawa naman ni Coen.

Masaya sya, masaya kami.

"Uy! Hindi na mahirap tumawa sakanya!" Panunukso ni Jermaine.

"Dati naman na akong palatawa diba. Haha" Grabe, tawa sya ng tawa ngayon.

"Dati pa daw! Sino niloko mo?!" Sigaw naman ni Clarence sakanya.

"Totoo naman, nawala lang." Iniihit na sa tawa na sabi ni Coen.

Sumeryoso naman kaming lahat.

"Totoo naman ah! Tignan nyo nga yang mga mukha nyo! Hindi ba yan nakakatawa?!" Ihit na naman ang tawang sabi ni Coen.

Natawa kaming lahat.

Yan si Coen, manlalait pero nagsasabi ng totoo.

"Grabe ka ah! Palibhasa habulin ka ng mga babae!" Sigaw ni Clarence sakanya.

"Well, sorry for them. Lalaki nakabihag! Haha!" Tawa pa ni Coen para ihitin kaming lahat.

Pinagtitinginan na kami, pero wala kaming paki-elam.

We're happy.

"Grabe ka anlupet mo!" Sigaw naman ni Jermaine.

"Ikaw kanina ka pa nakikitawa ah?! Bat hindi ka nagsasalita ah?! May problema ka ba talaga?!" Tanong ni Jermaine.

Nginitian ko sila.

"Mga sira! Wala!" Sigaw ko at tumawa na naman ang lahat.

Maging ang mga nanonood samin ay tumawa na rin.

I love my friends. I mean my family.

"Oh sabado na pala bukas! Kanino tayo matutulog mamaya?!" Sigaw ni Jermaine.

Tumingin naman ang lahat kay Clarence.

"Oo na! Samin na! Pero wag kayo masyado maingay nandon si Ermats! Haha!" Sagot ni Clarence.

Mabait ang Mommy ni Clarence, mahilig mag-luto at parang kaedaran lang namin kung umasta.

"Yie baby boy!" Sigaw ko at tumawa naman ang lahat.

"Atleast ako mahal ako ng Mommy ko! Ikaw hindi! Hahaha!" Pang-aasar sakin ni Clarence.

Tumayo naman ako para habulin sya.

"Di lab Mommy! Hahah!" Tawa pa nya.

Lalong dumami ang nanonood samin.

"Di lab pala ha!" Sigaw ko naman sakanya.

Ilang hakbang nalang malapit na ko sakanya.

"Aah!! Guys help! This monster is chasing me! Help!" Parant batang sabi ni Clarence.

I swear, isang hakbang nalang talaga.

Ng mapatingin ako sa gilid at makitang nanonood samin si Alford.

Natulala ako.

Hindi dahil sa gusto ko sya.

Tinignan ko sya sa mata at parang nagsasabing 'Wag mo syang sasaktan'

Inirapan nya naman ako.

Subukan nya lang.

"Ambagal mo! Matanda ka na! Haha!" Asar pa ni Clarence.

Ng maabutan ko sya, payakap ko syang dinamba.

Dinaganan narin kami nila Jermaine at Coen.

"Parang mga bata."

Since Day One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon