Coen
6:00 am palang ngayon pero nandito na ko sa school.
Wala pa dito sa Alford at kakaunti lang ang mga tao.
May visitors daw kasi ngayon at kami ang opening kasama ang dance club.
"Memorize nyo na ba?" Tanong ni Ayesa.
"Yes!" Malakas naming sigaw.
"7:30 magsisimula ang program, isang practice pa at makakaalis na kayo." Sabi naman ni Ashton.
Tumango naman kami.
"Formation." Sabi ni Wayne. President ng dance club.
Pumunta naman kami sa kanya-kanya naming pwesto.
Mash-up ang kakantahin namin.
Kami ang tugtog sa pagsasayaw ng dance club.
Nag-isanh pasada lang kami at malaya na kaming makakapaglibot.
6:30 pa nga lang pala.
And still, Alford's not here.
Nagulat ako ng may umakbay sakin.
"Let's eat." Sabi ng lalaking hinahanap ko kanina pa at dinala ako papasok sa canteen.
"Aga mo?" Tanong sakin ni Alford habang kumakain.
Ngumiti naman ako.
"Opening kami e." Nakangiting sabi ko.
"Ah. Goodluck." Sinabi nya at nagpatuloy sa pagkain.
"Championship nyo na ngayon ah?" Sabi ko. Tumingin naman sya sakin.
"Mm. Nood ka." Seryoso nyang sabi.
Wala ba sa mood ang isang to?
"Oo" Nakangiti pa ring sagot ko.
"Oy!!!" Biglang sigaw ni Jermaine kasama sina Vio at Clarence.
"Ingay mo." Natatawang sabi ko.
"Goodmorning!!!" Malakad na sigaw ni Jermaine sa loob ng canteen.
Marami naman ang natawa sakanya.
"Why are you here?" I asked him.
"Makikitable kami, alam nyo naman magsolo kayo" Sabi pa ni Jermaine.
Napairap nalang ako sa ere.
"Championship na namin ngayon!" Sigaw pa ni Jermaine.
"Alam namin." Sabi ni Vio.
"At dudurugin namin yung BCU na yun!" Pagyayabang ni Jermaine. Tsh, sana lang manalo sila sa kayabangan ng isang to.
"Diba Alford?!" Tinignan lang sya ni Alford.
"LQ ba kayo?" Tanong ni Jermaine. Ang ingay.
"Hi-hindi." Utal-utal na sagot ko.
"Bat ka nauutal?" Sabi naman ni Clarence.
"Sinong nauutal?" Tanong ko sakanila.
"Aga-aga nagaasaran kayo." Sabi ni Vio.
I agree with him, masyado pang maaga para masira ang araw ko.
Humigop naman ako sa kape ko.
"Coen, kayo na ba ni Alford?"
Literal na nabuga ko ang kape sa bibig ko!
BINABASA MO ANG
Since Day One (Completed)
Romance"You starting to get me confuse." ********* "You don't fall in love with the gender. You fall in love with the person." COEN. He's Captivating yet Offensive. He's Egregious and Nefarious at the same time. These are the things that Coen is known fo...