SDO: Intrams (5)

227 12 2
                                    

Coen

Nandito ngayon ako sa back stage, nakasuot ng basketbal jersey, basketball jersey ni Alford. Tsh.

Sports wear daw kasi ang tema. Kaya ito.

"Hi Coen" Bati sakin ni, kung hindi ako nagkakamali, Marcus.

"Hello, goodluck satin." Nakangiti namang sabi ko.

Wala dito si Alford dahil nandon sya sa pwesto ng mga manonood.

Yung mga kaibigan ko, may banner pa. Mga baliw talaga. Haha.

"Yeah, goodluck satin. Haha" Sabi pa ni Marcus at tinapik ang balikat ko.

Ilang segundo na ang nakalipas pero hindi nya pa din tinatanggal ang kamay nya.

Maya maya ay tinanggal na rin nya ang kamay nya, or should i say may nagtanggal.

"Oh Alford" Bati ni Marcus.

Lumingon ako sa gilid ko, nandito nga si Alford at nakaakbay sakin.

"He's mine, don't you dare touch him." Madiin nyang sabi.

"Easy boy haha. Hindi naman kayo kasal diba? Haha" Tatawa tawa namang sabi ni Marcus. Ano bang sinasabi nito?

"Fuck off." Inis na sabi ni Alford.

"Geh, ingat ka." Sabi pa ni Marcus kay Alford at umalis na.

"Alford, bat ba ang init ng ulo mo?" Medyo inis na tanong ko.

"Wag mong lalapitan yung lalaking yon." Madiin na sabi nya sakin.

"Bakit? Anong masama?" Inis pa na tanong ko.

"Basta wag kang lumapit don." Pag-uulit nya.

"Bakit nga? Bigyan mo ko ng rason." Pikon na sabi ko.

"Kasi nagseselos ako." Nakatingin sya ng deretso sa mata ko.

Yung kabog ng dibdib ko, bumibilis.

Bumibigat.

"At boyfriend na kita. Wag mong lalapitan yung lalaking yon." Sabi pa nya ng seryosong nakatingin sa mga mata ko.

"I love you." Nausal ko ng mahina.

Sana hindi nya narinig. Hindi ko alam pero bigla nalang lumabas yung salitang yan sa bibig ko.

"Ano sabi mo?" Tanong ni Alford.

"Wala." Sagot ko naman.

"Anong wala?" Tanong nya pa ulit.

"Sige na, magsisimula na yung pageant." Pagpaalam ko sakanya.

"Ano muna yon?" Sabi nya sakin at bigla akong niyakap ng mahigpit.

"Wala nga, Alford ang daming nakatingin." Sabi ko. Kahit nasa backstage kami, marami pa ring tao dito.

Niyakap nya pa lalo ako ng mahigpit.

"Ano yun?" Tanong nya ulit, patukoy sa sinabi ko kanina.

"Alford." Seryosong tawag ko sa pangalan nya.

Bumitaw naman sya at yumuko.

Ibinaba ko ang ulo ko at mabilisan syang hinalikan sa labi.

Agad naman nyang inangat ang ulo nya.

Tumakbo na ko ng mabilis papunta sa mga nagme-make-up.

Nakita ko naman si Alford na umalis na.

Hays.

Since Day One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon