SDO: Intram (2)

223 13 0
                                    

Coen

Nandito ako ngayon sa booth namin. At 2nd day na nayon ng intrams.

Ako ang bantay ngayon.

Unang laro nga pala ngayon ay mamayang 8am. Basketball ang lalaruin.

Sila Alford siguro yon.

Anong siguro? Ofcourse sila Alford yon.

Nang iangat ko ang mata ko, nakita ko si Alford na papunta sa direksyon ko habang naka-jersey.

Ang gwapo. Bat ba may mga ganitong mga nilalang?

Kagaya ko, sobrang gwapo.

"Kumain ka na?" Tanong nya ng makarating na sya sakin.

"Hi-hindi pa. Nakalimutan ko." Sagot ko naman.

Nakaupo ako at sya'y nakatayo. Iniyuko nya ang ulo nya para maging magkasingpantay ang tingin namin.

"Kain tayo." Yaya nya sakin.

"Hindi pwede, binabantayan ko yung booth namin. Ikaw nalang, di rin ako papayagan ng mga classmate ko. Ay! Classmate pala natin hehe" Medyo nakangiting sabi ko pa kay Alford.

"Tara na." Yaya nya pa sakin at hinawakan ang kamay ko habang hinihila-hila pa ito.

"Hindi nga pwede. Walang magbabantay." Pagmamatigas ko pa.

"Bilis na. Mamaya laro ko na, nood ka ah?" Sabi pa nya sakin.

Pawisan na sya kahit hindi pa naglalaro. Hays.

"Hindi pa nagsisimula yung laro pero pawisan ka na." Inis na sabi ko sakanya.

Aga-aga e.

Teka nga, bat na ko naiinis?

"Nagwarm-up kami e. Kain na tayo." Pamimilit nya pa sakin.

"Sige na Coen, sumama ka na, ako na ang magbabantay dito sa booth." Sabi ng isa kong kaklase. Ngumiti naman ako sakanya at nagpasalamat.

Nandito kami ngayon ni Alford sa canteen. Maraming mga outsiders galing sa iba't-ibang school ang tumitingin samin.

Agaw pansin naman talaga yung gwapo ko.

Hehe.

"Ano gusto mo kainin?" Tanong sakin ni Alford habang nakatingala. Tinitignan nya yung menu.

Yung kamay nya nga pala, nakahawak sa kamay ko.

Kaya pagtitinginan talaga kami.

"Kahit ano." Sagot ko.

Tumingin sya sakin at nagtama ang mata namin.

Ngumiti sya ng nakakaloko.

"Kahit ako?" Nakangising tanong nya.

"Kung ikaw lang din, wag na." Umirap ako pagkatapos ko sabihin yon.

"Ano gusto mo? Coffee, tea or frappe?" Tanong pa ni Alford at tumingin na sya sa sa menu.

"Frappe nalang" Sagot ko.

Ngumiti sya ng matamis.

"Okay!" Nakangiti nyang sabi.

Nangiti naman ako.

"One strawberry frappe and one cappucino." Sabi nya sa counter.

"Magrice ka." Sabi pa niya at sumulyap sakin.

"One fried chicken with rice. And one leche flan." Dagdag pa ni Alford sa counter.

Maya maya lang ay ibinigay na saamin ang order namin.

Since Day One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon