Coen
Nakakatuwa silang pagmasdan. I mean, kami pala.
Nakita ko si Alford pero hindi ko sya nginitian o kung ano man.
Babaguhin ko ang sarili ko, ibabalik ko ang dating ako.
"Punta na muna ko sa music club" Paalam ko sakanila at tumango sila.
Tumayo na ko at naglakad patungo sa music room.
Tapos ng magkantahan ang lahat at nagkakainan na sila ngayon.
May pagkain sa music club t'wing matatapos ang training o activity.
Pero naniningil kami ng 20 every friday para pondo.
"Oh san ka nanggaling? Tagal nawala ah." Tanong ni Ashton.
"Baka sa bebe nya" Sabi naman ni Vanessa.
Medyo natawa naman ako. Medyo lang.
"Yun oh! Nangingiti!" Sigaw ni David.
Ini-angat ko naman ang middle finger ko sakanya.
Naalala ko yung sinabi ni Ayesa kanina. Para daw kaming mga bata. Haha.
Pumunta naman na ko sa mga members. I mean kina Tristan na kumakain.
"Oh sayang! Hindi mo narinig yung boses ni Shiela!" Sabi sakin ni Tristan. Tinapik naman sya ni Shiela.
"Bat ka nga ba umalis agad?" Dagdag pa nya.
"Wala, wala may pinuntahan lang. Onga e, marami pa naman tayong activity diba?" Sagot ko sa tanont nya.
Tumango naman sila.
"By partner nga pala ang next activity guys! Please maghanap na kayo ng partner!" Announce ni Vanessa.
"Sino kaya magandang ka-partner?"
"Gusto ko kay Coen"
"Baka sapakin tayo nyan"
"Brad tayo nalang partner" Bulungan ng paligid.
"May kapartner na kayo?" Tanong ko kina Shiela.
"Maghahanap pa ba naman kami? E ito na kaming dalawa oh. Haha" Sagot naman ni Tristan.
"Ikaw ba?" Tanong naman nya.
"Hahanap pa." Sagot ko naman.
"Ay okay guys! Sigurado akong ikatutuwa to ng mga girls and gays! May club na magjo-join satin!" Sigaw ni Ayesa.
Meron? Ano?
"Say hello sa mga guys! Say hello sa basketball club! Sila ang makakasama natin ngayon sa activity!" Paliwanag pa ni Ayesa..
Nagtaka naman ako. Hindi naman sila sanay kumanta ah?
"Ang ga-gwapo!"
"Tignan mo si Jermaine grabe!"
"Ang ha-hot mga bakla!"
"Im so lucky na itong club na to ang pinili ko!"
"Same girl!"
Bulungan ng karamihan.
"Hindi naman sila sanay kumanta diba?" Malakas na tanong ko.
Tama naman ang sinabi ko diba? Bakit masasama ang tingin sakin ng mga members na to?
"Sinong nagsabing kanta ang activity natin?! Ang activity natin ay.... tentenenen! Kailangan nyong mailagay ito!" Sabi pa ni Ayesa at pinakita ang kamatis. "Kailangan nyong mailagay ito sa bowl na yon! Gamit lamang ang mga bibig nyo... hindi lang dapat isang bibig, kundi bibig nyong dalawa!" Paliwanag nya pa.

BINABASA MO ANG
Since Day One (Completed)
Romance"You starting to get me confuse." ********* "You don't fall in love with the gender. You fall in love with the person." COEN. He's Captivating yet Offensive. He's Egregious and Nefarious at the same time. These are the things that Coen is known fo...