SDO: Intrams (3)

228 14 0
                                    

Coen

Ngayon ay ika-tatlong araw na ng intrams.

May dalawang laban sila Alford pagkatapos non, bukas championship na nila.

"Kain tayo?" Nakangiti kong sabi kay Alford. Nakatabi kasi sya sakin. Nandito ngayon kami sa booth.

Di ko alam dito, kanina pa ganyan. Napakaseryoso ng mukha.

Wala naman akong ginagawa.

"Galit ka ba?" I asked him again.

Bat ba ganito to?

"Woy" Tawag ko pa sa pansin nya. Pero ayaw nya talaga kong pansinin.

"Woy" Tawag ko pa ulit.

Parang bumalik na sa normal si Alford ah? Ibig bang sabihin balik na rin kami sa dati?

Gustuhin ko man, pero masasaktan lang ako.

Lumipat ako ng pwesto at iniwan na sya mag-isa don.

Lumapit naman ako sa mga kaibigan ko.

"LQ kayo?" Tanong ni Jermaine sakin. Siniringan ko lang sya.

"Yie! First away! Hahaha!" Pang-aasar nya pa at nagtawanan sila.

Geh lang. Maya maya magugulat tong mga to sasapakin ko nalang sila bigla.

"Bat kayo nag-away?" Tanong naman ni Vio.

"I don't know." Nakakunot ang kilay na sagot ko.

"Baka naman may nagawa ka?" Tanong pa ni Vio.

"Oo nga!" Pag-sangayon naman sakanya ni Clarence.

May nagawa nga ba ko?

Wala naman. Alam ko.

"Wala." Kunot kilay ko pa ring sagot.

"Weh? Baka naman nagseselos? Hahaha!" Sabi naman ni Jermaine at nagtawanan na sila.

"Si Alford? Magseselos? Nagpapatawa ka ba?" Natatawa ko namang sabi.

"Ano ba ginawa nyo kanina? Alas ten palang nag-aaway na kayo." Sabi naman ni Clarence.

Binatukan naman sya ni Jermaine.

"Anong alas ten?! Alas-diyes yon!" Pagtatama ni Jermaine.

"Ano nangyari kanina?" Tanong ni Vio.

"Ganito kasi yon. Kahapon pag katapos ng basketball nila, nahilo ko kasi sobrang ingay. Kaya nagpaalam akong uuwi na. Tapos hindi ako nakapagsabi sakanya." Pagpapaliwanag ko.

Diba? Wala namang mali.

"E kaya! Kahapon nakita ko sya parang naghahanap sayo e!" Sabi ni Jermaine.

"Dat kasi nagsabi ka! Hahaha!" Dagdag pa ni Clarence.

"May mali ba sa ginawa ko?" Tanong ko sakanila.

"Meron. Kung saan-saan naghanap yung tao, pinag-alala mo tapos nakauwi ka na pala." Pagpapaliwanag ni Vio. Sa tatlo, ito lang talaga maasahan ko.

"Mauna na ko! Oy! Manood kayo ng basketball namin! 10:30!" Sigaw ni Jermaine at umalis na.

Tumingin ako sa direksyon ni Alford, wala na sya don. Nakaalis na.

"LQ! Hahaha!" Pang-aasar ni Clarence.

"Tara sa canteen. Hindi pa kumakain si Alford e." Yaya ko sakanila. Tumingin naman sila ng may panunukso.

Since Day One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon