SDO: Getting Ready

262 13 0
                                    

Coen

Umingay ang paligid. Sobrang ingay.

Pero ako, sya. Kami. Mistulang nakatulalang nakatingin sa isa't-isa.

"Patayin ako ngayon na!"

"Nanananching talaga!"

"Choke me Daddy!"

>_<

"Joke lang!"

"Ang gagwapo!"

"Bat ako kinikilig!"

Sigaw ng lahat. Ako, nagsisisi. Dahil sa larong to, hindi na virgin ang labi ko.

At dalawang beses pa kong nahalikan.

Nang mapansin ko magkatitigan pa rin kami ni Alford, bigla kong iniiwas ang paningin ko.

Ang mata naman nya, sinusuri ang kabuuan ko.

"Na-natalo tayo." Utal-utal na sabi ko sakanya. Sino bang hindi mauutal e ang gwapo ng kaharap ko?

"Sino nagsabi?" Seryosong sabi nya. Napairap sya. Kumunot naman ang kilay ko.

"And the winner for this round is, CoeFord!" Sigaw ni Vanessa. CoeFord? Sino yon?

"Sinong Coeford?! (CoFord)" Tanong ng lahat.

"Ano ba kayo! Syempre pinagsama ko ang pangalan nina Coen at Alford. Edi CoeFord! Yiee!" Kinikilig na paliwanag ni Vanessa habang kinakalog kalog pa sa balikat si David.

Ganon din ang crowd, nagwala din sila ng mas matindi pa kay Vanessa.

"Enough. Let's continue the game. Next teams na maglalaro ay sina..." Sabi ni Ashton. Kinuha ko naman ang moment na to para makaalis sa silid.

Paglabas ko, andaming sumalubong sakin. Maging si Jermaine ay kasama ko.

Pumunta kami sa canteen, nandon na daw kasi sila Vio.

"Grabe yung scene nyo kanina!" Sigaw ni Clarence. Nakipag-apir naman kami sakanila.

"Nice one!" Sigaw pa nya.

Di ko alam kung mapipikon ako o matutuwa.

"Nagwala yung mga manonood, maging ako! Haha!" Tawa pa ni Clarence.

"Ako nga nasa loob e! Pano pa ko?! Biglang nagsisikan sa loob!" Sigaw naman ni Jermaine habang tumatawa. Nagpapayabangan ata ang dalawa.

"Don din sa labas! Haha!" Sagot naman ni Clarence kay Jermaine.

Si Vio, kapansin-pansin ang pananahimik. Dati na syang tahimik, sumobra lang ata ngayon.

"Vio, problema?" Tanong ko kay Vio. Alam ko meron, kilalang kilala ko na sya. Ganon din naman ang dalawa. Pero si Vio ang pinaka-close ko sa lahat.

"Wala. Di ko talaga ine-expect yung kiss! Haha!" Sabi ni Vio at nakitawa na rin. Baka masyado lang akong nago-overthinking.

"Kahit ako. Sayang." Nanlulumong sabi ko. Nanlaki naman ang mata nila.

"Sayang?! Dapat ba matagal?! Aba masyado ng chansing yon! Haha!" Pang-aasar ni Jermaine. Nagtawanan naman ang mga baliw.

"Tss hindi! Sayang yung labi ko, sakanya lang nadikit to diba?" Paliwanag ko sakanila habang nakakunot ang kilay.

Natawa na naman sila. Kailangan ko na bang tawagan ang mental hospital?

"Yie first!" Panunukso nila. Maging ang mga nandito sa canteen ay nakikitawa na rin samin.

Since Day One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon