Coen
And yes, today is our intrams. Our big day.
Naghahanda na ang lahat. Busy, at ang school ay hindi pa nagbubukas para sa mga outsiders.
Tinignan ko ang lahat, ibang iba yung aura. Mararamdaman mong masaya talaga sila.
Pumunta na ko sa booth namin. At ayos na ayos na ito. Ngumiti ako.
Ang napagkasunduan nga pala naming booth ay parang take it or take it more.
Meron kasi dito na five rounds, pagnakarating ka sa pangalawang round, may premyo kana. Nasasayo kung magcocontinue ka pa. Kung magcontinue ka naman, hindi muna makukuha yung prize mo. Ang kailangan mong gawin ngayon ay matapos lahat ng rounds para makuha mo yung jackpot prize.
Nakakapagod na pagpapaliwanag.
Hays. Hiningal ako don.
"Magbubukas na ang school! Kaya magready na tayo!" Sigaw ng SSG President.
"Aye, aye!" Sigaw naman namin.
At gayun nga, dumagsa ang mga tao.
Maraming pumupunta sa booth namin na ikinatutuwa ko naman.
Ano kayang booth nila Alford?
Napapaisip lang.
Ngayon ay naglalakad ako at naniningin-ningin sa iba pang booth ng biglang...
"Huli ka!" Sigaw ng kung sino at agad akong pinosasan.
Hindi lang pala kung sino, It's Alford. Alford Jamanli.
"Eto yung booth nyo?" Takang tanong ko sakanya. Ngumiti naman sya.
Wag kang matutulala Coen, pag natulala ka, patay ka.
"Yes! At nakatali ka na ngayon sakin buong araw" Nakangiti pa ring sabi nya at kinabit yung isang posas sa braso nya.
Ano bang iniisip nya? Ako? Sya? Magkaganito buong araw?!
"And you can't say no!" Dagdag nya pa. Si Alford ba talaga to? He seems different.
Mukha syang makulit, ang cute!
Pe-pero mas cute ako! Tama! Ako ang mas cute!
"Sizy diba sila yung sikat na bi couple?!"
"Ang gwapo parehas! Sayang..."
"Pero admit it! Bagay sila!"
"Oo! Nakakainis pero totoo!"
Bulungan ng mga taong nakakakita samin. Bulungan? More like sigawan. Tch.
"Hindi po kami couple!" Sigaw ko habang nakapout. Inulit-ulit ko pa ito at ginawa pang kanta.
"Hindi po kami couple~ lalalala~ Hindi kami couple yeah~" Kanta ko pa. Napapatingin naman yung nga estudyante.
Para malaman nila. Na itong lalaking to, ay hindi ko boyfriend.
"Hindi kami cou-"
"Kumain kana lang, ang ingay mo e." Sabi ni Alford at sinalpakan ng takoyaki ang bibig ko kaya't hindi ko natuloy ang pagkanta ko.
"Bat mo ba kasi ako hinuli! Wala naman akong kasalanan!" Sigaw ko sakanya. Sana ngayon nag-eenjoy ako sa booth namin. O kaya sa booth ng iba!
"San mo gustong pumunta?" Tanong ni Alford.
Ngumiti naman ako sakanya.
"Tara sa cr" Nakangiti kong sabi sakanya.
Pumunta naman kami don.

BINABASA MO ANG
Since Day One (Completed)
Romance"You starting to get me confuse." ********* "You don't fall in love with the gender. You fall in love with the person." COEN. He's Captivating yet Offensive. He's Egregious and Nefarious at the same time. These are the things that Coen is known fo...