SDO: That Jerk Named Alford

276 17 0
                                    

Coen

So yeah, pag katapos kong manood, naglibot-libot ulit ako.

Nakita ko si Alford na nakapila sa basketball club.

Maraming nakapila dito, puro lalaki. Syempre.

Nakita ko naman si Jermaine na nakaupo sa harap ng mga mag a-audition.

He's the Vice Presidet of the Basketball team anyways.

"Oh Coen!" Bati sakin ni Jermaine ng makita nya ko.

Kinawayan nya ko kaya kinawayan ko din sya.

"Tara! Nood ka muna dito" Sabi sakin ni Jermaine at inakbayan ako.

Ganon talaga kami magkakaibigan.

Pinaupo nya ko sa tabi nya.

"Oh Alford ikaw na" Sabi ni Jermaine kay Alford.

This is kinda awkward..

"I'm Alford, your classmate. Im a MVP sa dati kong school." Pagpapakilala ni Alford sa lahat ng nanonood.

MVP din? Wow...

"Show me what you got." Sabi ni Kuya Nick. Graduating student din. College. At President ng Basketball Club.

Ibinigay ni Jermaine yung bola kay Alford.

Nag-dribble sya ng nag-dribble, masyadong mabilis. Hindi ko na nga makita yung bola.

Kung ano-ano pa ang ginawa nya dahilan para pag pawisan sya at mamangha ako.

Maya maya pa ay huminto na sya.

"Wow, ang galing mo pala. Haha. Sana sa shooting din." Komento sakanya ni Kuya Nick. Sarcastic yan.

Tinignan lang sya ni Alford ng walang emosyon.

May ring naman dito, kaso parang isang whole na court ang layo dito samin.

Tumalikod si Alford at humarap sa ring.

Wag mong sabihing i sho-shoot nya yan?!

Wag mo ng i-shoot! Baka mapahiya ka Alford!

Parang tumahimik ang paligid ng bigla nyang itira ang bola....

at....

pasok!

"What?" Nausal ko dahilan para tumingin sya sakin ng seryoso.

Pawis na pawis na sya. Wala ba syang panyo?

Good thing i have. Marami akong panyo. Sobra.

Siguro mga 5? 5 lagi ang binabaon ko e.

"Woah!"

"Halimaw!"

"Uwian na!"_

"Tsamba lang!"

Rinig kong bulungan ng nasa gilid na mag ta-try-out.

"Okay. Astig ka pala e! Haha!" Tawa ni Jermaine.

Napairap nalang ako.

"Tatawagan ka nalang namin" Sabi naman ni Kuya Nick. Pakiramdam ko napabilib din to.

Umalis na si Alford ng pawis na pawis.

Tsk, hindi man lang nagpunas yung bata. Hehe.

"Una na ko" Paalam ko sakanila.

"Sige sundan mo na yung labidabs mo" Sabi naman ni Jermaine.

Sana tumango ka nalang o hindi nagsalita.

Sinundan ko si Alford. Andaming nagpapapicture sakin, pero niisa, wala silang napala.

Nakita ko syang pumasok sa classroom namin.

Bukas naman ang classroom para sa mga gustong tumambay.

Iilan langang nandito, puro babae.

"A-alford" Tawag ko sakanya.

Di naman ako nabigo dahil tumingin agad sya.

"May pamalit ka ba? O panyo?" I ask him.

Bilang concern na classmate!

Tama! Bilang isang concern na classmate!

"Why?" He ask.

Hindi ba pwedeng sabihin nalang na 'Wala' 'Meron'

"Meron ka?" Tanong ko ulit.

Umiling naman sya.

"Mag ta-try-out try-out wala naman dalang pamit." Bulong ko sa sarili ko.

"What? May sinasabi ka?" He ask habang nakakunot ang kilay na lalong nagpadagdag sa gwapo nyang mukha.

Teka hindi! Mas gwapo ka pa rin Coen!

May kinuha ako sa bag ko at nilabas ko ang t-shirt kong white na may naka-sulat na

Coen is Handsome

>_<

Hehe.

"A-ano, he-heramin mo muna to." Sabi ko sakanya.

Tinignan nya naman muna ko bago nya kunin.

Nilabas ko naman ang panyo ko.

"Pamunas sa mukha." Deretsong sabi ko.

Yes! Hindi ako nautal! Isa itong achievement!

Kinuha nya rin ito.

Hinubad nya ang t-shirt nya sa mismong harapan ko.

Hindi na ko pumikit. Sanay naman na ako sa mga katawang lalaki.

Pero iba itong isang to.

Bakit sya may abs samantalang ako wala?!

Hays. Nakakapikon.

Hindi ko napansin nasuot na nya ang t-shirf na ipinaheram ko.

Nagulat pa ko ng nakangiti syang nakatingin sakin.

"Tststs" Usal nya habang medyo natatawa.

Shit. My heart, ito na naman sya.

Nagulat ako ng batuhin nya ko ng damit nya sa mukha.

What?!

"Palabhan, salamat." Sabi nya pa at tuluyan ng lumabas.

"Ba-bastard! Jerk!" Inis na sigaw ko.

Sya na nga pinaheram e!

Tinignan ko ang T-shirt nya.

Hindi kasi sya naka-polo ngayon.

May maliit na nakalagay na:

Alford x Coen

What?! Sino naman naglagay nito?

Sya?!

No, this can't be. Syempre yung mga fans nya.

Yeah right. Yung mga fans nya. Or should i say namin.

Pero kahit pawis na pawis na sya, humahalimuyak pa rin yung pabago nya sa t-shirt nya.

Ts. Mabango din ako. Mas pa.

Inilagay ko na ang t-shirt nya sa bag ko. At tsaka binitbit ito.

Gusto ko ng umuwi. Tutal, uwian na naman.

Hays Alford.

Naglakad na ko papunta sa parking lot and nakita ko si Alford na nakatayo sa sasakyan nya.

Ferrari yung sasakyan nya. Tss.

Nang matanaw nya ko, bigla syang pumasok at hinarurot ang kotse nya.

Hinihintay nya kaya ako?

Wag mong bigyan ng malisya Coen.

"You'll get hurt at the end, Young Man"

Since Day One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon