SDO: Heart Beat Faster

285 17 0
                                    

Coen

"Oo" Kinakabahang sagot ko.

Bat ang aga nya kong nabisto?

Am i that you know... halata?

Aah! I hate you Coen!

I hate you too!

Napayuko ako ng sabihin ko yon.

"Ano bang sinasabi mo? Anong oo?" He ask.

What?! Is he stupid? Sya ang nagtatanong diba?

Dapat ba linawin ko pa? Ugh!

"Im asking you kung bakit ka umalis, at ang sagot mo oo?" Kunot kilay na sabi nya.

Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at hindi nya pa alam. Grabe yung kaba kanina.

Kailangan mong makahanap ng reason. Kahit anong dahilan Coen! Basta kapani-paniwala.

Isip isip!

"Ano, humilam kasi tiyan ko." Sagot ko sa tanong nya.

Sana hindi nya mahalatang nagsisinungaling ako. Cross fingers.

>_<

"Oh, okay" Sabi nya ulit na parang walang pakielam.

Bakit nya ko sinundan? Para lang tanungin yon? Hays.

At para sabihin nya lang na okay?

"Bakit mo nga pala ko sinundan?" Kabado pa ring sabi ko. Kailangan kong malaman kahit kinakabahan.

Imposibleng walang rason. At kung ano man yon, kailangan kong alamin.

At bakit kailangan mong alamin Coen?

Wala lang, gusto ko lang malaman!

Tama! Curious lang ako, tama!

"Why do you want to know?" Tanong nya at lumingon sakin.

Hindi ako nakasagot. I froze.

Pero mga sandali lang yon. 

Nangiti naman sya.

That smile. That smile na minsan nya lang ipakita.

Shit, yung puso ko.

TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG

Sumagot ka Coen!

"Sinundan kita, kasi baka napano ka na." Sabi nya at tinapik ang ulo ko.

Pagkatapos non, nagwalk out sya.

Simple word. Simple word. But that simple word, is eveything to me.

Pinanood ko syang umalis.

Bakit ko ba nagustuhan itong lalaking to?

Hays. Iling iling.

Tinignan ko ang relo ko, kanina pa pala pasukan.

Cutting ka na naman Coen.

Napapadalas na ah.

Iiling-iling naman akong pumasok na sa classroom.

Buti nalang, wala daw yung teacher.

Maswerte pa rin ako. Tsh.

Maya-maya lang dumating na nga ang dapat dumating.

"Okay class, wala ng klase pero hindi pa dapat kayo umuwi." Sabi ni Sir. Huh? No classes pero bawal umuwi?

Pero still thankful, katamad mag-aral ngayon.

Wala ako sa focus.

Lalo na at masama ang nangyari kanina.

Since Day One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon