Chapter 6: Golden Magic Ball (Bored)
"Okay na."
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi masyadong makapal ang make up ko dahil alam ni Tita na ayokong naka make up, napipilitan lang naman ako.
I looked at myself. This is not me. Dress, accessories, make up, this is totally a whole new me.
"Aayusan ko muna yung boyfriend mo."
"Tita!"
"Yung partner mo pala. Dyan ka na muna, wag ka nang mag-likot para hindi ka pag-pawisan."
Lumabas na si Tita sa kwarto ko. I opened my phone and took a picture. Hindi dahil gusto ko o naka ayos ako. Mom always wanna see me wearing girly clothes so I'll send it to her.
I don't know what am I going to feel having a new date instead of my brother. I guess this is a new experience.
Nainip na ko sa kwarto kaya lumabas na ako. Kinuha ko yung purse na gold at cellphone ko tsaka lumabas. Ajero is almost done. He can't see me because his eyes are closed, Tita is putting make up on his face.
"Kailangan gwapo ka para kayong dalawa ni Stella yung maging King and Queen mamayang gabi." Sabi ni Tita.
"Kahit naman po hindi niyo na ayusan si Stella maganda parin siya." Sabi ni Ajero.
Sipsip.
"Bolero ka ah. Maiba tayo, sigurado ka bang hindi mo girlfriend 'yang pamangkin ko?" Tanong ni Tita.
"Hindi po." Sagot niya.
"Nililigawan?"
"Hindi rin po."
"Mutual feelings? M.U?"
"Hindi rin po. Magkaibigan lang po kami."
As usual, nakangiti nanaman siya.
Kung ano anong tinatanong ni Tita.
"Matagal pa ba 'yan?" Napatingin dilang dalawa sakin.
"Excited ka masyado." Sabi naman ni Tita.
"Tita, may oras yung registration. 6 na 6:30 yung registration."
"Oo na, eto na matatapos na Stella."
Naupo nalang muna ako sa sofa at nag-cellphone. Kung tutuusin malapit lang naman yung school. Gusto ko kasing maaga para hindi pa masyadong maraming tao. Pagkatapos kasi ng registration, dadaan muna sa red carpet para magpa-picture, nasa dalawang gilid ang mga table at nasa harap naman ang stage. Maluwang ang venue. Maraming sumasayaw, yung iba nasa upuan lang nila, naghaharutan. Hindi ako nagtatagal sa mga ganyang klase ng event dahil madali akong mainip, kaya minsan kahit 8 nagsisimula, 9 palang umuuwi na kami.
"Tapos na."
Lumingon ako kung nasaan si Ajero. Naka tayo siya habang kaisap si Tita. He really looks good tonight. Ano nalang kayang mararamdaman nung mga babaeng nag-dikit ng note sa locker niya pag nakita nila mamaya si Ajero?
"Tara na?" Tanong niya sakin.
"Ano pa nga ba?" Sabi ko at nauna nang lumabas.
Sumakay na agad ako sa kotse ni Tita. Umalis na si Sky, sinundo niya yung date niya. Speaking of Sky, hindi niya sinabi sakin kung sino yung date niya.
Maya maya ay sumakay na din si Tita at Ajero, magkatabi kami dito sa likod. Wala pang 5 minutes nakarating na agad kami sa school. Bumaba na kami ni Ajero nagpaalam muna ako kay Tita bago pumasok.
Nag-register na kami, wala pa masyadong estudyante. Nag-lakad na kami sa red carpet, naka-abang naman samin yung photographer.
"Miss, hawak ka sa braso ni Kuya."
BINABASA MO ANG
Heavenly •SB19 STELL• [COMPLETED]
Fanfiction[SB19 Series #2 | STELL FAN FICTION | Completed] Heavenly voice with angelic face and attitude. Also known as sunshine boy that will light up your world. Then there's a girl who has a very dark personality. She likes to be alone, doesn't want to ta...