Chapter 17: Tears
"Stella?"
Agad akong tumingin sa taong tumawag sa pangalan ko.
"Hmm? Bakit?" sabi ko.
"Napapansin ko lagi kang wala sa sarili, may problema ba?"
"Wala, wala. May iniisip lang ako."
Hinawakan niya ang ulo ko at isinandal sa balikat niya.
"Sounds childish, but I miss mom and dad." I said.
Ang tagal na din nung huling beses ko silang nakita, namin ni Sky. It's been almost 5 years nung pumunta sila sa ibang bansa para mag-trabaho para sa amin.
"Sabi nila, uuwi sila dito. Kung hindi naman kayanin ng schedule nila, kami nalang daw yung pupunta don."
But, not now. Nangako ako kay Vester na hindi ko siya iiwan. I don't want to break my promise.
"Sigurado ako, soon mag-kikita din kayo ulit, mabubuo ulit kayong apat." he said.
Ngumiti nalang ako habang naka-tingin sa langit. Nandito kami ngayon sa bakanteng lote sa kanto. May mga upuan kasi dito, ginagamit din 'to minsan ng mga estudyante para mag-practice.
"Tingin mo matatanggap ako ng magulang mo?" tanong niya.
"Oo naman, buong buhay ko naka-suporta lang sila sa amin. Tsaka may tiwala sila sakin na hindi ako gagawa ng ikasisira o ikapapahamak ko."
Nginitian ko siya, ganon din siya sakin.
I feel strange. Like, there's something coming. Please, not now. Im just starting to create memories with him. And I want to be with him more.
Bigla nalang tumunog ang cellphone ko. Mom is calling. Hindi na ako nag-effort na tumayo at mag-lakad pa palayo. Umayos nalang ako ng upo at sinagot ang tawag.
"Yes mom?"
[Anak, Stella. Nasan ka?]
"Wala po ako sa bahay. Nandito ako sa bakanteng lote."
[Bakit ka nandyan? Sinong kasama mo?]
"Vester."
[Vester? Boyfriend mo ba 'yan nak?]
Tumingin ako saglit kay Vester at huminga ng malalim. Nginitian lang niya ko.
"He's my boyfriend mom."
[Ganon ba? Nako, ipakilala mo agad samin 'yan ng Daddy mo ha? Tsaka nga pala nak, may good news ako sayo!]
"What is it?"
[Hindi kami makaka-punta dyan ng Daddy mo kaya kayo nalang ang pupunta dito! Nag-padala na ko ng pera sa inyo para sa gastusin niyo. Don't worry, 3 days lang naman kayo mag-i-stay dito.]
Im shocked. I don't know what am I going to react. Naturuwa ako dahil sa wakas makikita at makakasama ko na ulit sila, pero nalulungkot din ako dahil sa taong naka-titig lang sa akin ngayon.
Mapait akong ngumiti kay Vester.
"Really? That's great, mom." walang gana kong sabi.
[Anong problema anak? Bakit parang hindi ka naman ata masaya?]
"No mom, im happy. Finally, makikita ko na ulit kayo ni Dad."
Bigla nalang tumulo ang luha ko.
[Sige anak, paki-sabi nalang kay Sky ha? Miss na miss na namin kayo! Hihintayin namin kayo dito. Ingat kayo ha? I love you anak.]
"I love you too, mom."
Dahan dahan kong ibinaba ang cellphone ko. Mapait akong ngumiti kay Vester.
"Bakit ka umiiyak? Anong sabi ng mommy mo?"
He's still smiling.
"Pinapapunta kami ni Mom sa ibang bansa."
Pinunasan niya ang luha ko.
"Oh, yun naman pala eh. Bakit ka malungkot? Diba gusto mo na silang makita? Dapat masaya ka." sabi niya.
"How can I? May promise ako sayo. I won't leave you. I want to keep my promise, Vester. I want to be with you."
Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko.
"Gaano ka ba katagal don?"
"T-Three d-days."
"Oh, tatlong araw lang naman pala eh. Wag kang mag-alala sakin. Hihintayin kita. Tatlong araw lang yon Stella. Tsaka isipin mo muna yung mga magulang mo, miss na nila kayo ni Sky. Ayokong maging hadlang sa pag-kikita niyo ng magulang mo." he said while smiling.
I don't deserve him. Lagi nalang siya yung may ginagawa para sakin.
"No, isasama ka namin. You're coming with me." I said.
Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya. Hinatak ko siya pauwi sa bahay para tawagin si Sky. I won't leave him, kaya isasama ko nalang siya. Tutal gusto din namang makilala ni mom si Vester.
Nang makarating kami sa bahay ay pinag-bihis ko agad si Sky kahit di niya alam kung saan kami pupunta.
Sumakay kami sa taxi. We're going to the airport.
"Good afternoon Ma'am." bati ng babaeng nag-babantay.
"Is tgere a flight available going to Australia? This saturday?" I asked.
"7:00 PM flight nalang po ang available, two seats. Fully booked na po yung ibang oras."
"Two seats lang? Hindi na ba kaya ng tatlo?"
"Sorry ma'am, dalawa nalang po talaga."
We have to go there at Saturday. Sabi ni mom, binigyan sila ng vacation pero 2 days lang, kailangan naming pumunta doon ng mas maaga para makapag-pahinga pa kami. So, we have no choice but to take the Saturday flight bago pa kami maunahan.
"No..."
Hinawakan ni Vester ang balikat ko. Lumingon ako sa kaniya.
"Kunin niyo na yung flight. Wag kang mag-alala sakin, Stella. Okay lang ako. Hihintayin kita. Promise, ako pa ang susundo sa inyo pag-balik niyo. Eto na yung chance para makita niyo na ulit yung magulang niyo, wag niyo nang palampasin."
Tumingin pa muna ulit ako kay Vester. Kaya niyang tiisin lang para lang sakin. Gustong gusto ko na ding makita yung mga magulang ko, pero ayaw ko din siyang iwan. But he chose to be left just for me.
"We'll take it."
May pag-aalinlangan parin ako sa ginawa ko. Alam kong hindi lang naman ako ang malulungkot kapag umalis ako, mas malulungkot siya dahil siya ang naiwan.
"Tama yung ginawa mo Stella. Three days lang yun. Kaya natin 'to." sabi niya.
Tama siya, three days lang, babalik agad ako.
"Wag ka masyadong mag-isip ng kung ano ano. May messenger naman, pwede tayong mag-chat at mag-video call. Tatlong araw lang naman yun eh, parang di ka naman na babalik." sabi niya.
Una si Lala, ngayon kami naman ni Sky. Nag-aalala lang ako para kay Vester. Kami lang yung lagi niyang kasama. Tsaka baka pormahan nabaman siya ni Samantha.
"Behave lang ako, promise." sabi pa niya.
I trust him. I trust you, Vester.
_____
![](https://img.wattpad.com/cover/215599143-288-k429635.jpg)
BINABASA MO ANG
Heavenly •SB19 STELL• [COMPLETED]
Fanfiction[SB19 Series #2 | STELL FAN FICTION | Completed] Heavenly voice with angelic face and attitude. Also known as sunshine boy that will light up your world. Then there's a girl who has a very dark personality. She likes to be alone, doesn't want to ta...