CHAPTER 5: Golden Magic Ball (Getting Ready)

613 24 2
                                    

Chapter 5: Golden Magic Ball (Getting Ready)

"Stella!"

"Bumangon ka na dyan, mag-aayos ka pa."

"Stella Ajero!"

"SHUT UP!" Naalimpungatan ako dahil sa sigaw ni Sky, for heavens sake, it's just 8 o'clock in the morning!

"Stella Ajero huh." I smirked.

Naka-isip ako ng magandang idea. It's payback time.

Lumabas ako sa kwarto at sinilip kung anong ginagawa niya. He's cooking breakfast. Pumasok siya sa banyo, mabilis akong kumilos pero tahimik. Nilagyan ko ng tatlong kutsarang asin yung itlog na ipiprito niya at hinalo ito para hindi halata. Mabilis akong bumalik sa kwarto ko at tahimik na tumawa.

"Have a salty morning twin brother."

Inayos ko na ang kama ko at lumabas na sa kwarto ko. Naka-hain na ang lamesa. I tried to hold back my laugh.

Kumuha ako ng kanin at hotdog, as usual, itlog yung kinuha niya. Hmm, siguradong masarap 'yan.

"Oh? Tingin ka? Gusto mo?" Alok niya sakin.

"No thanks." Nginitian ko siya ng malawak.

"Siraulo." Sambit niya at bumalik na ang tingin niya sa plato niya.

I smirked once he started eating, how does it taste huh. His facial expression changed. But he still continued chewing the food.

"Stella?"

"Yes?"

Dahan dahan syang tumingin sakin.

"Ang tamis nung itlog."

Kumunot ang noo ko.

"No way." I said.

Kumuha ako ng itlog at tinikman ito. Unang kagat ko palang halos masuka na ko sa sobrang alat.

"What the heck?!"

"HAHAHA! Akala mo siguro maiisahan mo ko? Nice try sis."

Bumalik nalang ulit ako sa pagkaka-upo. I swallowed the egg, sayang. Di ko nalang siya pinansin, kumain nalang ulit ako.

"Kamusta pala yung isusuot mo mamaya? Okay na ba?" He asked.

"Kamusta pala yung date mo mamaya? May pumatol ba?" I don't know if this is an answer, but yeah.

Umiling-iling siya at huminto sa pag-kain.

"For your information. Halos mapuno ng notes yung locker ko. At hindi rin ako makatulog ng maayos kakaisip kung sino bang idedate ko." He said while smirking.

Hinayaan ko nalang siya mag-yabang, minsan lang naman 'yan, pagbibigyan ko na.

"Nakuha ko na yung pinadala ni Mom, idedeliver na din mamayang tanghali yung gown. 7 pa naman yung GMB kaya marami pa tayong oras para mag-ayos, no need to worry. Ikaw lang naman 'tong excited." I explained.

"Syempre naman. First time mo magkaroon ng date bukod sa akin." Well, let's see what will happen.

"Hindi ako yung kasama mo mamaya, hindi kita mababantayan. Wag kang pumunta kung saan saan, wag kang aalis sa tabi ni Stell, dapat lagi mong kasama si Stell."

"Kahit sa banyo?"

Iritable syang tumingin sakin.

"Try mo."

"Okay."

Nanlaki ang mata niya sa sinagot ko.

"Anong okay? Sige subukan mo Stella, makikita mo yung hinahanap mo."

Heavenly •SB19 STELL• [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon