Chapter 13: No More Efforts
Lunch time na, nandito si Lala sa room namin, naka tayo sa harap ko.
"So nililigawan ka na nga ni Stell?"
I nodded.
"At yung pagkaing 'yan, galing sa kanya?"
I nodded again.
"Eh ako kaya, kailan kaya ako liligawan ng kapatid mo?" Bulong niya.
"Hoy, narinig ko 'yon."
She laughed awkwardly. Matagal ko nang alam na may gusto siya kay Sky, at gusto din naman siya ni Sky. Hindi ko lang alam kung bakit hindi pa siya nililigawan ng kapatid ko.
"Lala, may na-realize ako."
Sumeryoso ang tingin niya sakin.
"Bakit nga ba kailangan pang maghirap at maghintay ng mga lalaki para sa sagot ng mga babae kung pwede namang sagutin na agad kasi dun din naman papunta 'yon?"
"Wag mong sabihing--"
"Sasagutin ko na siya."
Halatang nagulat si Lala sa sinabi ko. Bakit? Totoo naman diba? First of all, kung ayaw nung babae sa lalaki una palang papatigilin na niya 'to sa panliligaw. Sasagutin din naman, bakit pa papatagalin?
"Teka lang Ms. Stella, wag kang padalos dalos. Alam mo, may dahilan kung bakit nanaliligaw ang mga lalaki. Para mapatunayan nila na karapatdapat sila, na mabuti ang intensyon nila."
"Matagal na din naman nating nakasama si Ajero diba? Di pa ba sapat 'yon?"
Umiling iling siya at hinawakan ang kamay ko.
"Hindi pa siya nanliligaw noon."
Inirapan ko nalang siya at sumandal sa upuan ko.
"Tss, basta nakapag desisyon na ko."
Why? It's not a big deal. Ayokong naghihintay, at ayoko ding may pinaghihintay.
"Ganito nalang, mag isip ka ng tatlong sign."
Napailing nalang ako.
"Are you a kid?" I chuckled.
"Wala namang mawawala kung itatry mo diba?"
Sabagay, she's right.
"Mag isip ka ng tatlong sign. Pag natupad lahat ng 'yon, sagutin mo na siya."
"Kung hindi?"
"Well, it's up to you. Basta kung ako sayo papatagalin ko muna yung panliligaw niya, wala na kasing thrill pag sinagot mo na siya agad."
May point si Lala.
Tumunog ang cellphone niya at agad niya itong binuksan.
"Gotta go."
Tumango nalang ako at nginitian siya. Hindi ko ugaling magtanong. Kung may pupuntahan ka, edi umalis ka, sasabihin ko naman kung trip ko sumama.
Nagsimula na akong kumain. Maya-maya ay dumating si Ajero na may dalang mineral water. Inilapag niya ang isang bite sa table ko.
"Thanks." I said.
"Magka-ayos ba si Samantha at Lala?" He asked.
Agad akong nagtaka sa tanong niya.
"No, why?"
"Nakita ko kanina si Lala at Samantha nag-uusap sa gilid ng hagdan."
Hmm, may hindi sinasabi sakin si Lala na kailangan kong malaman. Pero papalagpasin ko muna 'yon, sa ngayon, kakain muna ako.
BINABASA MO ANG
Heavenly •SB19 STELL• [COMPLETED]
Fanfic[SB19 Series #2 | STELL FAN FICTION | Completed] Heavenly voice with angelic face and attitude. Also known as sunshine boy that will light up your world. Then there's a girl who has a very dark personality. She likes to be alone, doesn't want to ta...