Chapter 2: Mine
THIS CLASS is freaking boring.
Hindi naman sa pag-mamayabang pero lahat ng tinatalak ng teacher namin sa harap ay alam ko na. Nabasa ko na 'yon sa isang libro.
Tutok na tutok ang mga kaklase ko sa pakikinig. Habang ako, tamang tingin lang sa labas. Ang tagal mag-uwian. Gusto ko nang matulog.
"Okay class. Be ready for your upcoming tests. Goodluck sa inyong lahat. Galingan niyo."
Pagkatapos niyang mag-salita ay kinuha na niya ang mga gamit niya at lumabas sa room. Sa wakas, uwian na.
Inayos ko na ang mga gamit ko at nag-suot ng earphones. Tumayo na ako at sinuot ang bag. At mabagal na nag-lakad palabas.
"Wait lang Stella!"
Napahinto ako nang marinig ang boses ni Ajero. What does he want this time?
"Sabay tayo."
Tinignan ko siya ng parang naiirita. Naka-ngiti nanaman siya, as always.
"No."
Pinagpatuloy ko na ang pag-lalakad pero sumusunod parin siya sakin.
"San ka ba nakatira? Gusto mo ihatid kita? Sabay nalang tayo?"
Hinayaan ko nalang siya sa pangungulit. Di nagtagal ay nasa labas na ako ng school pero sumusunod parin siya sakin.
"Maglalakad ka lang? Ah, malapit lang siguro dito yung bahay niyo."
Huminto ako at humarap sa kaniya
"Umuwi ka na. Stop following me."
"Dito din yung daan pauwi samin. Sabay nalang tayo."
Inirapan ko nalang siya at nagpatuloy na ulit sa paglalakad.
"Whatever." I whispered.
Hindi naman kalayuan yung school sa bahay kaya naglalakad nalang ako, minsan gumagamit ako ng bike.
Huminto ako sa tapat ng isang itim na gate at kumatok.
"Dito ka pala nakatira? Sakto, dito lang yung bahay namin sa tabi." He said happily.
Pag minamalas ka nga naman.
"Oh, ano pang hinihintay mo? Pumasok ka na." Seryosong sabi ko.
Umiling siya at ngumiti.
"Mauna ka na. Papasok ako pag nakapasok ka na."
I rolled my eyes.
Di ko nalang siya pinansin at pumasok na sa loob nang buksan ito ng kapatid ko. Sinara ko na agad ang gate.
"Babye Stella!"
Iyon ang huli kong narinig na sinabi ni Ajero bago ako tuluyang pumasok sa loob.
"Boyfriend mo?" Tanong ng kapatid ko.
"Boyfriend ka diyan. Kahapon ko nga lang nakilala 'yon." Irita kong sagot.
Di ko nalang din siya pinansin at umakyat na ako sa taas at pumasok sa kwarto ko. Wala nang bihis bihis, tulog na agad.
Pabagsak akong nahiga sa kama ko. My lovely bed. Pinikit ko na agad ang mga mata ko at di nagtagal ay naka-tulog na ako.
NAGISING AKO DAHIL sa marahang katok na narinig ko.
"Stella, kakain na." Rinig kong sabi ng kapatid ko.
"Oo, lalabas na."
Nag-inat ako at tumayo sa higaan. Inayos ko ang sarili ko, nag-bihis muna ako ng pang-bahay.
BINABASA MO ANG
Heavenly •SB19 STELL• [COMPLETED]
Fiksi Penggemar[SB19 Series #2 | STELL FAN FICTION | Completed] Heavenly voice with angelic face and attitude. Also known as sunshine boy that will light up your world. Then there's a girl who has a very dark personality. She likes to be alone, doesn't want to ta...