CHAPTER 20: Chaotic Dream

572 20 5
                                    

Chapter 20: Chaotic Dream

"Stella, sa wakas gising ka na mahal ko."

Hinawakan niya ang kamay ko. Anong nangyayari? Hindi ko maintindihan.

"Vester."

Nakangiti lang siya sakin habang hinihimas ang kamay ko.

"Sandali lang ha? Tatawag lang ako ng doktor."

Dahan dahan niyang ibinaba ang kamay ko at lumabas sa kwarto. Everything seems fake. Everything seems like a dream.

Maybe it was just a dream.

Maya maya pa ay dumating na siya kasama ng doktor. The doctor checked everything.

"Kaya mo bang mag-salita?" tanong ng doktor.

"Yes doc, I can." sagot ko.

Tumingin siya kay Vester at ngumiti.

"Okay na siya. Like I said before, she is not in coma, it's just a hypersomnia or excessive sleeping because of the mild head injury. Other than that, wala na masyadong dapat ikabahala, gumagaling naman na din yung sugat sa ulo niya, siguro after three to four days pwede na siyang lumabas."

Halata namang natuwa si Vester sa sinabi ng doktor. Naguguluhan parin ako, anong nangyari?

"Salamat po dok."

Pagkatapos non ay lumabas na ang doktor. Nilapitan ako ni Vester at hinawakan ang kamay ko habang naka-upo sa gilid ng higaan ko.

"Anong nangyari?" tanong ko.

"Isang buwan kang tulog."

Im shocked. That's too long.

"Why? What happened?"

"Sigurado ka ba?"

Tumango nalang ako. Huminga siya ng malalim bago magsalita.

"Paalis na sana kayo ni Sky papunta sa Australia para puntahan yung mga magulang niyo, kayalang nagkaroon ng problema yung eroplanong sasakyan niyo sumabog yung isang wing kaya nagkaroon ng malakas na impact. Lahat ng pasahero sugatan, pero walang binawian ng buhay."

So it's true. Lahat ng napanaginipan ko, totoo. Lahat ng nangyari totoo. Hindi ako nananaginip.

"Ikaw? Totoo ka diba? Hindi na 'to panaginip diba?" tanong ko.

Hinawakan niya ang pisngi ko.

"Hindi ka nananaginip, Stella. Totoo ako, totoo tayo."

"Si Sky? Anong nangyari kay Sky?"

"Ayos lang siya, nagka-sugat din siya sa katawan pero okay na siya."

That's good to hear. Atleast medyo makakahinga na ko ng maayos ngayon.

.

Few days has passed, finally makakauwi na ako. Kasama ni Vester si Sky na nag-aayos ng mga gamit ko.

"Finally may kasama na ulit ako sa bahay." sabi ni Vester.

Bigla naman akong nag-taka sa sinabi niya, bakit siya mawawalan ng kasama sa bahay nila?

"Tara na, okay na." sabi ni Sky.

Lumabas na kami sa kwarto ko. They offered a wheelchair for me pero hindi ko tinanggap, I can walk.

Sumakay kami sa isang kotse, si Sky ang nag-drive. Kaninong sasakyan 'to?

Hindi nalang ako nag-tanong. Nanatili kaming tahimik habang nasa byahe. Di nag-tagal ay huminto kami sa isang bahay, seems familiar to me.

Heavenly •SB19 STELL• [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon