Chapter 12: Courting Begins
"Magsabi ka nga ng totoo Stella, boyfriend mo ba si Stell?"
Seryosong nakatayo si Sky sa harap ko habang naka upo ako sa sofa.
"No."
Puno ng pagtataka ang itsura niya. Nagsasabi naman ako ng totoo.
"Hindi? Gawain ba ng hindi magkasintahan yon?"
Huminga ako ng malalim. I crossed my arms and stared at him.
"I did it because Samantha kept bugging us."
"May iba namang paraan Stella."
Umupo siya sa sofa sa harap ko at tumingin sa akin ng diretso.
"Sabi ko naman sayo, okay lang sakin na magka boyfriend ka. Pero sana sasabihin mo sakin. Wala namang masama kung boyfriend mo na si Stell, sabi ko nga sayo gusto ko siya para sayo."
"Ganon naman pala, eh bakit ang OA mo dyan?"
Naudlot ang pag uusap namin nang may kumatok sa gate.
"Di pa tayo tapos mag usap ah."
Tumayo siya at pumunta sa labas para buksan ang gate. He's taking it too seriously. It was just a kiss. Di ko naman ikakamatay 'yon.
Napatingin ako sa pumasok sa pinto. Si Ajero.
"Tama lang yung dating mo, kinakausap ko si Stella. Maupo ka muna."
Naupo si Ajero sa sofa sa gilid ko. Sa itsura niya, parang nagtataka din siya sa mga nangyayari.
"Bakit ka ba pumunta dito? Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Gusto ko sana mag sorry sa nangyari kanina. Mukang magka away pa kayo ngayon ni Sky dahil sakin. Sorry."
Napunta kay Sky ang atensyon namin nang maupo uli siya sa sofa. Seryoso siyang naka tingin sa amin.
"Stell, nililigawan mo ba 'tong kapatid ko?"
That's too straightforward.
"H-Hindi..."
"Bakit hindi pa? Ligawan mo na!"
Nagulat kami sa sinabi ni Sky. So nagpapanggap lang pala siyang gaklit sakin? Nice brother.
"I mean, kung gusto mo 'tong kapatid ko, wag ka magdadalawang isip na ligawan siya. Payag ako, syempre kaibigan kita may tiwala ako sayo. Basta wag mo lang sasaktan 'tong kapatid ko, kahit kaibigan kita ako makakalaban mo."
Sumandal nalang ako sa sofa at umiling iling. Di ko alam kung anong naiisip ni Sky para sabihin 'yon.
"Di mo man lang ba tatanungin kung bakit siya nandito?" Tanong ko kay Sky.
"Okay na, napatawad ko na siya, kayo." Sagot niya.
"Yun naman pala, pwede na kayong tumahimik. Matutulog ako."
Tumayo ako at akmang aalis na nang hawakan ni Ajero ang kanang kamay ko.
"Sandali lang. Pwede ba tayong mag usap?"
Tumango nalang ako. Tinignan ko si Sky na parang nag papaalam, tumango lang siya sakin at ngumiti. Pumunta na kami ni Ajero sa labas. Parang di mapakali si Ajero, hindi siya makatingin ng maayos at diretso sakin.
"A-Ano k-kasi."
"Sabihin mo na, inaantok na ko."
Huminga siya ng malalim at tumingin sakin ng diretso.
BINABASA MO ANG
Heavenly •SB19 STELL• [COMPLETED]
Fanfiction[SB19 Series #2 | STELL FAN FICTION | Completed] Heavenly voice with angelic face and attitude. Also known as sunshine boy that will light up your world. Then there's a girl who has a very dark personality. She likes to be alone, doesn't want to ta...