CHAPTER 8: The Past

595 26 3
                                    

Chapter 8: The Past

"Tara, pasok na tayo."

Pumasok na kami sa loob ng sinehan. Excited na excited si Sky, kasama niyang pumasok sa loob si Lala.

"Tara na?" Aya ko kay Ajero.

"A-Ah, s-sige..." His voice is shaky.

Ang bagal niya mag-lakad kaya inunahan ko na siya. Hindi masyadong marami yung mga o kaya ngayon, last screening na kasi.

"Wala ba sa inyong may sakit sa puso? Baka mapaaga libing." Pabirong sabi ni Lala.

Nasa dulo sa kaliwa si Lala, nasa kanan niya si Sky, nasa kanan ako ni Sky at nasa kanan ko naman si Ajero. Kanina pa siya tahimik, unusual.

Naghintay lang kami ng ilang oras bago magsimula. After a while, the lights went off. Puro commercials palang yung pino-project. 1 minute before the show starts.

Naramdaman kong nagulat ang katabi ko sa kanan kaya napatingin ako sa kanya. May pinroject kasi na trailer ng isang horror movie.

"Scared?"

Tumingin siya sakin. Umiling siya pero hindi siya nagsalita. Binalik ko nalang ang tingin ko sa screen. The show finally started.

Minutes later, the show is finally on its climax. Suddenly, the clown appeared shocking the audiences watching inside.

"AHH! AYOKO SA CLOWN! AYOKO SA CLOWN!"

Muntik nang masira yung eardrums ko dahil sa sigaw ng katabi ko. Halos lahat ng nanonood ay napa-tingin sa gawi namin.

Naka-takip ang kamay niya sa bibig niya habang humihinga ng malalim.

"Okay ka lang? Kaya mo pang manood? Di mo naman kasi sinabing takot ka pala sa clown."

Im worried.

Humawak siya sa braso ko habang humihinga parin ng malalim.

"Ayoko na, lalabas na ko, ayoko na." Sabi niya habang umiiling.

"Tara, labas na tayo."

Tatayo na sana ako nang pigilan niya ako.

"Sayang yung binayad natin kung di ko tatapusin."

"Mas mahal pa yung babayaran mo pag inatake ka dito. Tara na, lumabas nalang tayo."

Nagpaalam ako kay Sky at Lala na sasamahan ko si Ajero sa labas. Nag-lakad na kami palabas, naka-hawak parin siya sa braso ko.

Pumunta muna kami sa food court. Iniwan ko siya sa table para bumili ng tubig.

"Oh." Sabay abot sa kanya ng tubig.

"Salamat."

Naupo ako sa harap niya. Pawis na pawis siya kahit malamig naman dito sa mall.

"Bakit ba hindi mo sinabing takot ka pala sa clown? Edi sana ibang movie nalang yung pinanood natin."

"Gusto niyong lahat 'yon eh, wala akong choice."

Iniwasan ko siya ng tingin.

"Si Pennywise lang pala kinakatakutan mo." I said while smirking.

"Narinig ko 'yon ah."

Bumalik ulit ang tingin ko sa kanya.

"So what? Totoo naman eh."

"Mas takot akong mawala ka."

I stared at him with a blank expression for a couple of seconds.

"Joke." Sabi niya tsaka tumawa.

Heavenly •SB19 STELL• [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon