CHAPTER 18: Last Night With You

576 20 0
                                    

Chapter 18: Last Night With You

We're done packing our things. Okay na din lahat, ticket, passport, everything. Nag-hihintay nalang kami para mag Saturday.

Pumasok parin kami ni Sky kasi sayang yung topics na ididiscuss. Imbis na dumiretso na kami sa bahay tuwing uwian ng hapon, sinusulit namin yung oras na mag-kakasama kaming tatlo. Pumupunta kami sa mall, movie marathon, at ang balak namin sa Friday ay mag-sama sama sa isang bahay, kaya papapuntahin namin ni Sky si Vester sa bahay.

"Masyado kang nag-ooverthink."

You can't blame me. Marami naman akong dapat isipin. Ngayon lang ako bibiyahe ng malayo, what if something happened? Mas nababahala ako dahil hindi ko kasama si Vester.

"Natutuwa ako na kinikilig sa'yo. Three days lang yun, tapos kinakabahan ka na agad kasi di mo ko makakasama. Nakakatuwa kasi three days nga lang yun, nakakakilig kasi ako parin yung iniisip mo."

Actually, pumasok na din sa isip ko 'yon. It's only three days but I feel like I will be gone for three years, Im just over reacting.

"Right, three days. Im just over reacting."

Tiningnan ko ulit ang lunchbox na pinag-lalagyan ni Vester ng pagkain ko.

"Vester."

"Hmm?"

I stopped for a second.

"Gusto kong luto mo yung matikman ko bago ako umalis."

"Sige, sige. Anong gusto mo?" tanong niya.

"I don't know, maybe you can cook the best recipe you've done so far." I said.

.

It's friday, the last day.

Kakauwi lang namin galing sa school. Ibinaba ko ng gamit ko sa sala at sumama kay Stell papunta sa bahay nila. He wants me to watch him cook.

Nag-mano ako sa Lolo't Lola at sa mga magulang ni Vester. They're so nice to me. They're treating me as their own family.

"Since huling luto ko na 'to na matitikman mo, for now. Gusto kong maging special." sabi niya.

"Pano?"

"Tayong dalawa yung mag-luluto."

I've never cooked with anyone. Lagi kasing si Sky ang nag-luluto para sakin. Kung mag-luluto naman ako, prito lang.

"Baka mag-failed lang pag nangielam ako." I said.

"Kaya nga nandito ako diba? Ako si Stellvester Ajero, ang iyong kusinero na mamahalin ka ng walang halong biro."

Ngumiti naman ako dahil sa sinabi niya. Nag-simula na siyang mag-handa ng mga gagamitin namin sa pag-luluto. Kare-Kare. Kumakain ako non pero never pa akong nakapag-luto ng ganong ulam. Tinuro daw sa kaniya 'yon ng grandparents niya.

Nakita kong masaya siya sa ginagawa niya, sa pagluluto. Nag-aabot lang ako ng mga gagamitin niya at ihahalo niya. Minsan, ako naman ang nag-hahalo. Medyo mahirap pala mag-luto nito, pero sabi nga niya, nandiyan siya, lahat magagawa ko basta nandiyan siya.

"Hintayin nalang nating kumulo, tapos pwede na."

Naupo nalang muna kami habang hinihintay na kumulo yung niluluto namin.

"Oh, malungkot ka nanaman."

Inipit niya ang buhok ko sa likod ng tenga ko.

"Masaya kaya ako. Ngayon lang ako nakapag-luto ng ganyan. Im happy because I cooked it with you."

Nginitian ko siya. I must give him the best smile that I have.

"Kumukulo na. Pwede na tayong mag-lagay sa tupperware tapos bumalik na tayo sa inyo." sabi niya.

Pinatay na niya ang apoy at kumuha na siya ng mga tupperware na lalagyan namin.

"Mag-oovernight ka sa bahay, naka-ayos na ba yung mga gamit mo?" I asked.

"Hindi pa pala, nakalimutan ko."

Pinapunta ko nalang siya sa kwarto niya para ayusin yung mga gamit niya, ako naman yung nag-lagay ng ulam sa tupperware. Naka-ngiti nalang ako habang nag-lalagay. I wanna cook with you 'till the rest of my life.

Isinara ko na ang tupperware nang mapuno na 'to.

"Okay na ba 'yan?" tanong ni Vester.

"Oo, eh yung gamit mo okay na ba?" tanong ko.

Itinaas niya ang dala niyang backpack. Ayos na ang lahat.

"Saglit lang ah, may nakalimutan lang ako." sabi niya.

Tumango nalang ako. Bumalik ulit siya sa kwarto niya. Nag-lakad naman ako papunta sa sala nila. Tumabi ako sa Lola niya na nakaupo sa sofa.

"Alam mo ineng, 'yang apo kong 'yan, napaka-bait, mapag-mahal, at matulungin sa pamilya. Kaya dati palang alam ko nang magiging maswerte kung sino man ang babaeng mamahakin niya."

I was staring at her the whole time na nag-sasalita siya. I can tell that she really love Vester.

"Sana mahalin mo din siya ng higit pa sa pag-mamahal niya sa'yo. Masayahin 'yang batang 'yan pero malambot ang puso, madaling masaktan. Wag mo sana siyang sasaktan hija. Kahit anong mangyari, sana mahalin at intindihin mo siya."

Ngumiti ako at dahan dahang tumango.

"Opo 'La, pangako po."

Bigla nalang niya akong niyakap, niyakap ko din siya pabalik. Ang swerte ni Vester dahil may pamilya siyang mahal na mahal siya.

"Mag-iingat ka sa pupuntahan mo apo."

Mas lalo akong ngumiti dahil sa itinawag niya sa akin. Apo. It makes me soft.

"Salamat po 'La."

Bumitaw na kami sa yakap, kasabay non ang pag-labas ni Vester sa kwarto niya.

"Tara na Stella. 'La, mauna na po kami."

Nag-paalam na ako sa Lolo't Lola at mga magulang niya. Lumabas na kami at pumunta sa bahay. Naabutan namin si Sky na nag-lalaro sa cellphone niya habang naka-upo sa sofa.

"Nandiyan na pala kayo, asan na yung ulam? Gutom na ko eh." bungad niya sa amin.

Tumayo na siya sa sofa at pumunta sa kusina. Inayos na niya ang lamesa.

"Ilagay mo nalang sa kwarto ko yung mga gamit mo." sabi ko.

Dumiretso na siya sa kwarto ko. Pumunta nalang din ako sa lamesa at naupo. Im so excited to taste it.

They finally came. We started to eat while talking about random things.

Wed didn't stayed up that late. Nag-kwentuhan lang kami ng kung ano ano, gabi pa naman ang flight namin bukas.

Naka-higa na ako sa kama ko. I was staring at the ceiling when the light suddenly went off.

"Oh, tulala ka nanaman."

Sabi niya habang nag-lalakad palapit sa kama.

"Aalis na kami bukas." I said.

Dahan dahan siyang nahiga sa tabi ko at humarap sa akin.

"Kaya nga matulog ka na para may energy ka bukas." sabi niya.

"Ikaw yung energy ko eh." I said.

"Line ko 'yan eh. Pero sige na nga, pwede mo ring gamitin."

Lumingon ako sa kanya habang naka-ngiti.

"I love you prinsesa ko."

Sabi niya habang hinahawi ang buhok ko.

"I love you too, Vester."

_____

Heavenly •SB19 STELL• [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon