Chapter Two: Haha reactor

838 41 0
                                    

Her POV

"Hoy Nutella san ka pupunta ha?! Tulungan mo ko ditong mag-ayos ng pinamili natin oy!" Sigaw na sabi ni kuya dahil papunta ako sa kwarto ko ngayon upang simulan ang paghahanap ng part time job.

"Kaya mo na yan kuya. Malaki ka na!!!" Sigaw kong pabalik sa kanya at tumakbo papuntang kwarto. Pagkatapos ay nilock ito.

Naghanap naman ako ng mga groups sa facebook kung saan pwede akong makahanap ng trabaho. Madami dami rin ang nakita ko pero etong samahan ng nagigipit ay maraming mga hiring posts. Kaya nag post ako dito nagbabasakaling merong saktong saktong part time job na para saakin.

"Hello team gipit! Gusto ko pong mag part time job kaso di gusto ng parents ko eh. But still, magwoworking student ako. May masuggest po ba kayong summerjob or part time job for an incoming 4th year student like me? RP. (Respect Post)"

Sabi ko at nag scroll pa ng nagscroll sa group page.

Peroooo nagalit ata talaga si kuya dahil nabuksan niya kwarto ko.

"Hoy! Halika dito! Cellphone ng cellphone tulungan mo ko! Babalik ka na ng Manila sunod eh kaya tulungan mo na muna ako!" Galit na sabi niya. Pero alam kong pagod lang sya hahahahaha imma bad sis tologo.

"Paano mo nabuksan kwarto ko kuya?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Susi malamang." Sungit na sagot niya.

Nanghiram ata ng susi kila mama. Hngggg. Tatayo na nga.

Dadalhin ko sana cellphone ko kaso hinablot eto ni kuya at tsaka hinila na ako papuntang sala.

"Tara na sabi mamaya na yang cellphone na yan ang kulit kulit talaga Nutella ha." Sabi niya.

"Tsk. Ang arte naman ng baklang Snickers na 'to." Sabi ko at tumakbo palabas ng kwarto dahil naiinis siya pag tinatawag ko syang bakla.

Straight kasi siya ih at minsan yung mga naliligawan nya dati akala bakla sya dahil sa mga pinagsasabi ko kaya ayon hinahabol nya ako ngayon papunta sa sala.

Sakto namang meron si mama at nag ayos ayos ako ng mga na grocery namin kaya imbis pagalitan ako ni kuya eh tumulong nalang siya. Medyo badtrip pa kasi si mama dahil ang kulit kulit daw namin kanina.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na kami sa pagliligpit at pag-aayos ng mga binili namin kaya pumasok nako sa kwarto at hinablot ang cellphone ko.

Saktong pag hablot ko ay may nag haha ng post ko.

Teka...

NAG HAHA!?!!!

Respect post nga diba!? Hnggggg.
Nang-gigigil ako sa society ngayon. Charot nudaw.

Nagchat ako sa kanya.

"Hello po. Ba't ka po nag haha?" Magalang na tanong ko.

mAgAlAnG nAh aKoEh hAh!!!

"Umm.. Sino po ito?" Tanong nung nag haha.

Duh? Di ba sya marunong magbasa ng pangalan ko?

"Nutella Joy po. :)" Sabi ko naman. Magalang pa ako.

"Alam ko. What I mean is, kilala mo ba ako?"

Omaygahd!!!! aTtiTudE tAyO dItO?! Alam daw tapos nagtanong? Gigil mo ako ha! Malamang ikaw yung nag haha ng post ko! Paulit-ulit tayo neto idol???

"Ikaw po yung nag haha ng post ko sa samahan ng nagigipit." Sabi ko ulit, at sinabi ko na talaga ang group ha.

"Di po ako nag rereact ng post." Depensa naman nya.

Oh? So, anong tawag nung ginawa moeh? Poker haha? Di ka nag react eh. Takte anudaw ang korni ko. Tsktsk.

Pumunta ako sa post ko then I took a screenshot of it. Then yung mga nag react and likes. Tapos na screenshot ko naman yung pangalan niya na nag haha react.

I send the screenshot photo to him.

His POV

"Ano nanaman bang nangyari sayo dyan Josh? Kanina lang eh ang problemado mo tapos ngayon tatawa tawa kana. Yan na ba ang epekto ng walang pera?!" Pangungulit na litanya ni Stell saakin.

Natatawa ako sa babaeng to, ewan ko bakit.

Ang cute kasi ng profile niya, teka anong konek? Tapos ngayon nag send pa talaga ng mga pictures. Teka anong picture to? Baka selfie niya? Hala baka na fall na saken to.

"Stell pa konek nga muna saglit tignan ko lang itong pictures." Pakiusap na sabi ko kay Stell.

"Wow galing di na nga sinagot tanong ko makiconnect pa. Ayan na! Na open ko na ang hotspot!" Sabi niya.

"Salamat boss! Ang bait mo talaga Stellyyyy!!!" Sabi ko sabay up and down ng kilay ko.

Di na nya ako pinansin dahil nabusy sya sa cellphone niya. Di nya nakita up and down kilay ko. :((((

So ayon na nga pag loading nung pictures eh screenshots lang pala.

Hala!!! Nag 'haha' react pala talaga ako!?

"Hala sorry po Ms. Nutella Joy. Di ko po napansin na na haha ko." Paumanhin na sabi ko.

Syempre gentleman tayo noh. Akala pa lang.

Ayun. Seen.

S E E N !

"Wow! Seen lang!? Nag sorry na nga aba aba!" Di ko namalayan na nasabi ko pala yung dapat nasa isip ko lang at di ko rin namalayan na sumilip na pala at binasa na ni Stell yung convo namin.

"Hala sorry po Ms.Nutella Joy---- Uy teka lang Josh nagbabasa pa ako! Teka ANG ISANG JOSH CULLEN SANTOS AY NA SEEN! HAHAHAHAHAHA" Tawang tawang sabi ni Stell at tumingin naman samin yung kasamahan namin at nakitawa narin.

"Wala ka pala boss eh!" Natatawang sabi ni Keith, isa sa mga kasama ko sa Se-Eon.

Nagpoker face nalang ako at nag change topic.

"Tara na nga't magpractice ng sayaw!!" Suway ko sa kanilang lahat.

"Nahiya pa ang loko." Kantyaw ni Kurt sakin.

"Change topic nga masyado eh." Dagdag namn ni Leon.

"Tama naaaaa ngaaa sabi ehhh ang kukulit nyoooo tara na kasi mag practice!!!" Sabi ko at pinatugtug yung speaker dahil medyo namumula na ako sa kahihiyan. >__<

Arranged with the Bully {Josh FF} (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon