Chapter Four: Job Hunting

660 33 4
                                    

Her POV

Hooooh tapos na 3rd year!!!!!
Party na dis!!!

Char di ako mahilig sa parties. Di nga ako marunong uminom ng alak eh.

"Congrats sis di tayo bumalik sa pagiging 3rd year!!!!" Masayang sigaw ni Mary Belle.

"Nakaligtas tayo!!! Nakatakas sa kadena ni Ms.Masungit at Sir Pikon!" Natatawang bulong ko sa kanya. Baka naman kasi pabalikin kami dahil sa sinabi ko no no no no! Hahahahaha.

Yung dalawang prof kasi na yun grabe ang liit palagi ng kuha namin ni Mary Belle! Kung sa ibang profs uno at dos sa kanila tres lang naman. Pinakahighest na po ang tres. Tamang pasar lang.

Medyo nakakalungkot nga kasi may ibang uulit ng 3rd year. Meron naman ibang makaka-fourth year basta magsusummer class lang.

(Sa college po, 1 or uno yung pinaka taas na grade, 3 or tres naman tamang passing score)

Buti nalang talaga at nakapasa ako! No summer class so it's yes to summer job slash part time job!

Di pa nga pala ako nakapag part job hunting.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag search sa facebook ng "Summer job"

Marami rami naman din ang lumabas. Merong maging waitress sa isang restaurant. Meron din namang janitress. Merong saleslady.

At ang problema ko gusto ko ma try lahat. Maygahd Nutella parang makaya mo no?

Pero gusto ko talagang itry lahat. <_<

Hmmmm.. Ito nalang kayang for 3 days tapos may sweldo everyday. Magbibigay ng flyers.

Tapos pag nakaya ko next level nanaman. Sakto kasi anytime lang daw eh pero mas malaki sweldo kung 12 noon. Saktong lunchtime at saka madaming tao. Pero ang problema lang naman ay sobrang init. Pero kaya yan!

"Oy oy oy NJ! Ano yan ha! Alam kong iniisip mo! Wag ha wag. Sinasabi ko sayong wag talaga! Patay ako kay kuya Snickers nyan eh!" Di ko namalayang sumilip na pala ang isang 'to. -_-"
Ang chismosa naman nitong si Mary Belle nahuli tuloy ako!

"Hindi yan, tatlong araw lang naman Belle oh! Tsaka next week pa ako uuwi saamin. Then after 2 or 3 weeks babalik na agad ako dito sa Manila." Explain ko sa kanya para naman sakin kumampi.

Patay talaga ako nito pag kay kuya siya kakampi eh. Magkavibes kasi yung dalawang yon. Pag magkasama kami akala talaga ng iba sila magkapatid eh. Tas ako yung kaibigan. -_-"

Kulang nalang sila magkatuluyan eh. Ininterview ko naman sila isa isa, di naman daw. Natawa pa nga at sinabing kapatid lang talaga ang turing nila sa isa't isa. Parang scripted pa nga eh pero ang dami ko ng problem bahala na sila kung magkatuluyan eh di mabuti! Kung hindi edi wag! HAHAHAHAHAHA mAdAli lAnG aKoNg kAuSaP eH.

Ay nasabi ko bang taga Nasugbu, Batangas ako? Tsaka nag dodorm lang kami ni Mary Belle dito sa Manila. Ayun nasabi ko na! AHHAHAAHAHHA.

Tawa ako ng tawa may problema pa pala ako dito. Ilalabas ko na nga ang winning card ko.

"Tsaka Belle, nahihiya na kasi ako sa kanila. Lalo na pag 4th year, mga OJT natin diba. Mahal na mga yon. Gusto ko rin namang mag iwan si kuya para sa sarili niya. Kahit nakakainis yon mahal ko parin yung mokong yun eh."
Anddd there you go.

Ugh ang cringe namang aminin na mahal ko si kuya. Pero mahal ko naman talaga siya kahit walang araw na di kami nag-aaway. Alam kong sakin napupunta halos kalahati or 3/4 or minsan pa nga lahat ng sweldo niya eh.

Arranged with the Bully {Josh FF} (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon