Chapter Fourteen: Arranged

474 32 31
                                    

Her POV

Nandito na kami nina mama, papa at kuya sa isang restaurant.

"Bilisan nga natin nandun na daw sila." Sabi ni mama.

"Halur aba dapat lang noh lalaki mauna." Sabi ko. Siguro nag pareserve sila ng private room. Ang effort naman nila. -___-
Highly appreciated.

Naglalakad lang kami sa loob ng restaurant tapos may nakita akong napakapamilyar na lalaki.

Hinila ko naman agad si mama papuntang cr. Medyo natagalan pa kami kasi dadaanan pa pala namin cr ng boys, pero hoy syempre di naman makita yung umiihi ah, may another papasok naman po kasi.

Nung nakarating na kami sa cr nag text ako kay kuya.

"Cr muna kami ni mama. Tell dad di ako tatakas kasama ko naman si mama eh."

Nag reply naman sya sakin ng okay.

Fortunately kami lang ni mama dito sa cr ng girls.

"Ma, pumayag ako dito sa arranged marriage dahil di ito forced." Panimula ko.

"Pero ma seriously?! Nakita ko siya! Mama naman! Sa lahat ng tao bakit siya?!" Pagrereklamo ko sa mama ko.

"Luh kilala mo pala siya?" Excited na tanong ni mama. Napasampal naman ako sa noo ko.

"Ma, kilala mo rin siya!" Sabi ko.

"Malamang, nasa tiyan ka palang arranged kana eh." Pamimilosopo niya.

"Mom. I'm dead serious." Sabi ko.

Napa-pout naman si mama dahil nag "mom" na ako.

"Sa lahat ng lalaki ba't yung tukmol ko pang ex na nang-iwan!? Kahit sino nalang ma wag lang siya please!" Rant ko kay mama.

Aba nakita ko siya! Buti nalang di pa nya ako nakita dahil hinila ko agad si mama.

Napahagalpak naman ng tawa si mama at lumabas na kami ng cr.

"Oh my chocolate. Akala ko naman ano na yang concern mo. Pinakaba mo pa ako. Alam mong ayaw ko rin sa ex mong yon kaya don't worry. It is not him." Sabi niya habang hinihila nya ako at dinadaanan na namin ngayon ang cr ng mga lalaki.

Pagkatapos niya akong hilahin ay pumasok na kami sa isang private room. Hinahanda ko na ang sarili ko para makilala ang so called fiance ko pero ang nakita ko lang sa kwarto ay sina papa, kuya at isang babae na parang kaedad ni mama.

"Aldrene!"
"Rebecca!"

Sabi naman nung babae sabay tayo para salubungin si mama at nagyakapan sila.

Parang nakita ko na itong kayakap ni mama eh ewan ko lang kung saan.

I suddenly remember the time na una kong nakita si Josh. Familiar mukha niya nun tas ewan ko san ko siya nakita, dun ko lang narealize na sya pala yung nag react ng haha sa post ko nung tumakbo na sya paalis.

Humirit pa tsaka nangbully.

Napatawa naman ako sa iniisip ko. This woman remind me of Josh.

ABA NUTELLA BA'T INIISIP SI JOSH?

Gosh may sarili na yung buhay baka nga may secret girlfriend na yon eh samantalang ako heto na arranged marriage pa.

"Ito naba si Nutella? Nako, lalong gumanda ah." Sabi niya saakin.

Hehehehehe Tita Aldrene's not bad at all. UwU Maganda daw akooo. Char nakiki-tita na Nutella? Tanggap na tanggap?

"Ala eh anong maganda dyan sa mukhang nyan. Yung anak mo nga diyan ang guwapo ere." Sabi ni mama. Nako lumalabas na ang Batangeña nyang boses.

Umupo na kami.

"Saan ba anak mo mare?" Sabi ni mama na nasa tabi ko. Sa harap niya eh si tita.

"Ma? Ano itatawag ko sa kanya?" Bulong kong tanong kay mama.

"Tita Aldrene malamang! Wag kana mahiya saken Nutella ikaw talaga." Sabi ni tita saken. Hehehe narinig niya pala bulong ko kay mama.

Katabi ni mama si papa katabi ko naman si kuya.

"Nag-cr lang muna siya. Nagpapagwapo ata para kay Nutella eh." Sabi naman ni tita kay mama.

Ang bagal ng oras ngayong gabiiii.

His POV

"Anak san ka pupunta? Malapit na raw sila." sabi ni mama saakin.

"Ma, cr na muna ako tsaka di ko pa pala nasabihan ang SB about dito eh." Sabi ko kay mama at tumango naman siya.

Nagpunta na akong cr at umihi muna. Naghugas ng kamay at kinuha yung cellphone ko.

Gusto ko sanang bukas ko na sasabihin sa kanila para sa personal talaga kaso baka kasi isang A'Tin pala yung fiancee ko tapos makalat pa sa twitter tsaka dun pa nila malalaman edi magtatampo sakin yung apat na mga baliw.

"Dre. Arranged na ako. Bye single life." Diretso kong sabi sa gc namin.

"Sana alllllll!!!!" Reply ni Stell. Alam kong di siya naniniwala.

"Feeling entitled." Sabi ni Jah.

"Arranged? Ikakasal kana sa computer mo Josh?" Komento ni Sejun.

"Guys seryoso ako. Wag na kayong magtaka kung may makalat na issue mamaya sa twitter ah. Sinabihan ko na kayo." Chat ko naman sa kanila. Bahala sila kung maniwala sila sakin oh hindi basta sinabi ko na.

"Anong meron? Anong issue?" Sulpot ni Ken sa gc.

"Kabute ka ken? Di kana pala mukhang chicken eh!" Sabi ni Jah.

"May fiancee na ako. Alam na rin ito ni Sir Robin. Sinabihan ni mama si Sir." Pangungumbinsi ko sa kanila. Baka akala ng mga to di ako nagsasabi ng totoo eh.

"Izzaaa praaaaankkk!" Chat ni Stell.

"Oh my chocolate. Akala ko naman ano na yang concern mo. Pinakaba mo pa ako. Alam mong ayaw ko rin sa ex mong yon kaya don't worry. It is not him." Rinig kong usapan sa labas. Medyo malakas rin kasi ang boses.

"Hindi nga sabi eh. Bahala na nga kayo dyan." Last chat ko sa kanila at inoff na ang data ko. Naghugas ulit ng kamay at lumabas na ng cr.

Nagtext naman si mama saakin.

"Josh nandito na sila san kana. Wag mokong takasan dito ha." Mama talaga di ko naman siya tatakasan eh.

Inon ko ulit yung data ko. At nakita kong nagchat sila sa gc namin pero di sila ang gusto kong makausap.

Active 1 hour ago...

Sayang di ko naabutang nag online si Nutella. Di ko alam pero parang gusto kong malaman niya talaga na arranged na ako eh.

Pinatay ko na ulit data ko at umalis na ng cr para pumasok na sa pinareserved na room nina mama at nung mama ng soon to be fiancee ko. Soon to be pa. Gusto ko naman kasing kilala ko muna siya eh or naging kaibigan man lang. Hays.

Pagbukas ko ng pinto narinig ko si mama.

"Andyan na pala siya." Lumingon naman yung mama at papa ng babae. Familiar. Parang nakita ko na talaga sila.

May katabi namang lalaki ang "fiancee" ko. Luh ano to? Boyfriend nya na aapila sa kasal namin? Hahahaha ano batong iniisip ko edi mabuti yon.

Umupo na ako sa tabi ni mama at pagtingin ko sa harap I froze.

Napatigil naman din siya sa pag inom ng tubig. Dahan dahan siyang na ubo. Muntik na ata syang mabilaukan.

"Nutella?!"
"Josh!?"

Sabay naming sabi. Sabay rin kaming napatawa.

Who would've taught. It is you after all.

Arranged with the Bully {Josh FF} (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon