Chapter Seven: FRIENDS

449 34 9
                                    

His POV

Nandito kami ngayon ni chokoleyt sa ihawan ng mga barbeque.

"Libre na kita tabaaaa." Sabi ko kay Nutella pero pinigilan niya ako.

"Nope nope nope! I want to buy food with my own money muna for today. But if ililibre mo ko in the future I won't resist bully!" Masiglang sabi niya. Wow kanina lang napipikon pa siya sakin ngayon good mood na good mood dahil may pagkain eh.

"Isang barbeque po aken yung manok." Sabi ko sa nag-iihaw

"Ganun din po akin!" Singit naman niya.

"Gaya gaya." Sabi ko.

"Gutom ako eh! Tsaka ang laki naman kasi nyan tapos mura pa. So feel ko sulit." Depensa nya.

"Dalawang chicken barbeque nalang po pala sakin!" Sabi niya ulit sa nag-iihaw.

"Aba takaw. Kaya naman pala." Simula kong kantyaw sa kanya.

"Pasalamat ka good mood ako ngayon dahil nakuha ko na yung first part time sweldo ko. Kung hindi ewan ko nalang." Ang daldal nya ngayong nasa harap kami ng pagkain ah.

So ayon nga kumain na kami at bumalik sa commercial building para mamigay ulit ng mga flyers.

Ganun kami for three days.

Galing akong practice sa studio tapos mag lalakad papuntang downtown.

Binubully ko siya at naiinis siya to the point na merong time malapit na siyang umiyak kaya tumahimik na ako.

Pero pag binubully ko sya habang kumakain kami di niya ko pinapatulan.

Sinabihan kami ni Nicole na three days lang talaga per person para mabigyan ng chance yung iba. Medyo malaki kasi yung sweldo mo eh kaya nakakatempt na magtagal.

San ako ngayon?

Nasa dorm namin ni Stell.

It's been a week narin pala nung huli kong nakita si Nutella.

Ang cold nga ni chokoleyt eh, pagkatapos nung last day sinabihan lang akong "Bye bully! Hope I will not run into you again! Tsk." Sabay alis.

T_____T

Binully ko kasi sya buong magdamag nun at nag-away pa nga kami sa public eh.

Di niya alam binubully ko syang magdamag dahil alam kong last day nayun. Di na kami magkakasama ulit.

TEKA NGA ANO BANG PAKIALAM KO KUNG DI KO NA SIYA MAKIKITA EDI MABUTI.

Hays.

Napatingin naman ako sa aming convo.

Di pa pala kami friends sa facebook.

I-add ko ba siya or hindi?

"Josh."

Baka sabihin niyang gusto kong makipag-interact sa kanya.

"Josh."

Nakakahiya naman kung ganun.
Hihintayin ko nalang sya ang mag-add sakin tapos i-accept ko siya.

"Josh!"

Pero isang linggo na ang nakalipas di parin niya ako ina-add. Di naman sa naghihintay ako.

"JOSH SABI EH!" Napansin kong sumigaw si Stell at hinagisan ako ng tsinelas.

"Ew Stell kadiri ka! Pwede namang tawagin lang ako!" Naiinis na sabi ko sa kanya.

"Kanina pa kita tinatawag jusko dai. Titig na titig ka lang dyan sa phone mo eh ano ba yan?" Curious na tanong ni Stell at lalapit na sana sakin ngunit pinatay ko ang phone ko at lumapit nalang sa kanya.

Arranged with the Bully {Josh FF} (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon