Chapter Three: Singko pesos

685 35 0
                                    

After 2 weeks ...

His POV

Pagkatapos akong sineen ng chocolateng yun. (Si Nutella)

Eh hanggang ngayon di parin ako makamove on. Aba! Sige sabihin na nating nag haha ako. Pero nag sorry naman ako ah. Di ba pwedeng sabihin niyang okay lang?

Teka nga. BA'T BA AKO AFFECTED. Teka. Gusto kong makipag chat sa kanya? Hindi noh! Ang defensive ko naman. Dalawang linggo na pero. Tsk. Pag yung babaeng yun nakita ko ewan ko nalang.

Pumunta ako sa fishbolan upang bumili ng fishbol. Malamang. Gutom nako eh at tsaka nagtitipid.

Napansin kong malapit ito sa isang kolehiyo. Nakakamiss rin palang mag-aral pero mas gusto ko talagang magperform sa harap ng maraming tao.

Balik na nga sa fishballs ko.

"Bayad po ate." Sabi ko at inabot ang 10 pesos kay ate.

Aalis na sana ako nang nagsalita sya.

"Teka lang kulang eto ng limang piso iho." Sabi niya. Patay.

"Bakit po? Sampo lang po kinain ko."

"1.50 ang isa dito sa lugar na ito iho eh dahil magbabayad pa ako ng renta sa space." Sabi niya at medyo nalungkot alam siguro niyang wala na akong pera.

Sakto 10 lang kasi nadala kong pera. Nagdebate pa nga ako kanina sa isip ko kung kakain ako oh ipapamasahe ko yun kaso gutom ako eh kaya ayon. Maglalakad nalang ako papuntang studio.

"Ate sorry po talaga. Saktong sampung piso lang po nadala ko eh. Tulungan nalang po kitang magluto saglit tapos yun na ang limang piso. Okay lang po ba?" Paumanhin na sabi ko kay ate at ngumiti, pinagtitinginan naman ako ng mga tao pero wala lang ako kesa naman tatakbo ako at di magbabayad eh di mas nakakahiya iyon.

Sasagot na sana siya ng may nagsabing...

"Eto po ate oh. Limang piso na kulang niya." Tinignan ko kung sino ang nagsalita at sabi ko sa sarili ko first time ko lang siyang nakilala pero napaka familiar niya. Inabot naman niya kay ate yung limang piso.

"Teka. Familiar ka." Sabay naming sabi at sabay rin kaming natawa.

"NJ kilala mo? 'Ang gwapo ah' " Sabi nung kasama nyang babae. At may binulong rin kaso di ko narinig yung bulong.

"Kakasabi nga lang naming familiar eh no? Kilala agad?" Pilosopong sagot nung NJ at kumuha ng mga kakainin niya.

"Ay alam ko na!" Masiglang sabi ko

"*munch munch* Mmmm?" Nagtatanong na sabi nya habang kumakain ng fishball at kwek kwek. UwU kwek kwek.

Naku kung may pera pa ako eh kakain talaga ako pero tiis tiis muna tayo nito Josh.

"Kaya ka pala familiar dahil ikaw ang future ko. *wink* Salamat sa singko Ms.Taba! Babayaran ko yan sunod kung magiging sikat na ko charot!" Sabi ko sabay takbo dahil kahit ako eh medyo na cringe sa sinabi ko.

Josh!!! Ano bang pumasok sa utak mo't nasabi mo yun? Hay nako. Hay nakooo sinabi ko pang Ms.Taba kahit di naman sya mataba, chubby lang. Ang cute nga eh. Bubbly chubby.

Medyo malayo na yung natakbo ko pero di parin siya nagsasalita. Ang layo naman kasi nung paliko eh kung saan dun maghihintay ng jeep papuntang studio na pinagpapractisan naming SE-EON.

Natulala siguro yun sa kagwapuhan ko at sa pick-up line ko kaya na-fall? *Sabay tabi sa bangs habang natakbo*

Naku Josh Cullen Santos, may karisma ka papalang naiwan.

May sinigaw naman na sya pero di ko na narinig dahil nakaliko na ako. Sakto namang meron si Stell pagliko ko.

"Oh Josh? Takbo ka baket? Habol ka police?" Tanong nya.

"Pre pautang muna pamasahe papuntang studio sakay na tayo nitong jeep nato dali!!!" Nagmamadaling sabi ko baka maabutan pa ako nung NJ eh.

"Nagmamadali ka boy? Oo na eto na." Pilosopong sabi nya pero sumakay narin naman kami sa jeep at pumunta na ng studio.

At ngayon ko lang sya naalala.
Ngayon pinagsisisihan ko yung sinabi kong pick-up line, na siya ang future ko.

SYA PALA YUNG SEENER. BA'T KO BA NASABI YUN.

Her POV

"Kaya ka pala familiar dahil ikaw ang future ko. *wink* Salamat sa singko Ms.Taba! Babayaran ko yan sunod kung magiging sikat na ko charot!" Sabi nung lalaking nilibre ko ng singko at dali-daling kumaripas ng takbo.

Medyo nagloading naman ako sa sinabi niya at kinilabutan. Literal na tumaas talaga mga balahibo ko sa braso.

NUDAW?! FUTURE!?

*cough cough*

Nabilaukan naman ako sa sinabi nya.

*Turo turo sa buko juice ni ate at nag hand sign na bibili ako ng isa* habang nabibilaukan pa.

Dali dali rin naman si ate na kumuha nung juice at tsaka binigay eto saakin ngunit pinigilan pa ako ng kaibigan kong si Mary Belle Delos Santos.

"Hoy teka lang umubo ka muna bago ka uminom gorl." Saway nya.

Pagkatapos kong maubo ay ininom ko na yung juice.

Habang iniinom ko yung juice eh bigla ko siyang naalala.

"TEKA IKAW YUNG NAG HAHA REACT AH!" Sigaw ko sa kanya pero nawala na siya. ABA ABA ANG BILIS MAKATAKBO HA.

BA'T KO BA NILIBRE NG SINGKO YUN EDI SANA MAKAKAKAIN PA AKO NG MAS MADAMING FISHBALL. OO MARAMI NA YUNG TATLO SAKIN HUHUHU.
(3 pieces=4.50) GUTOM AKO IH.

Teka ba't ang oa ko. Nag haha react lang naman sya. Okay lang naman.

(Ininternalizationism ulit yung sinabi ni Josh)

Teka...

Teka nga...

Ano ulit yun????

"Kaya ka pala familiar dahil ikaw ang future ko. *wink* Salamat sa singko Ms.Taba! Babayaran ko yan sunod kung magiging sikat na ko charot!"

Wait lang parang may mali talaga eh.

"Kaya ka pala familiar dahil ikaw ang future ko. *wink* Salamat sa singko MS.TABA! Babayaran ko yan sunod kung magiging sikat na ko charot!"

"WOAH! TINAWAG NYA AKONG TABA BELLE!?" Exage na react ko.

"My goodness NJ. Ngayon mo lang narinig boses nya ha?! Ang tagal maka react." Sabi nya habang kumakain ng kwek kwek.

"Woah. Saktong bukas end ng pagiging 3rd year natin. Ano yun gift!?!" Pagmamaktol na sabi ko.

Di naman ako pinansin ni Mary Belle dahil nagpatuloy lang siya ng kain.

Aba wow this gorl di man lang ako damayan.

Kinuha ko cellphone ko at tinignan yung pangalan nya na nasa messenger ko.

Sineen ko sya pagkatapos nyang magsorry para matapos na ang usapan. Di naman ako bata para makipag-away pa sa nag sorry ng tao eh. At tsaka baka sabihin pa nyang interesado ako sa kanya pag pinatuloy ko yung convo.

Pero wow! Pumick-up mga bes! Future daw! *napasmile konti*

TEKA BAT AKO NAPASMILE. DI AKO KINILIG NO. Huh! Napakalumang pick up kikiligin ako!?

Pumunta naman ako sa feed nya.

*scroll scroll*

Ang pogi pala niya.

WAIT WHAT!? HOY NUTELLA GISING!!!! TINAWAG KA NIYANG TABA OY!!!

May cover group pala siya.
Hmmm. Se-eon.

Arranged with the Bully {Josh FF} (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon