Chapter Twenty: Palaman

453 38 8
                                    

His POV

"It is enough for me to see you this close." Sabi ko at kinuha na ang dalawang plastic ng mga streetfoods.

Ayaw ko pa sanang umalis pero baka may magpipicture na naman at madamay ulit siya. Damn Josh.

Wala ka talagang kwenta.

Di mo man lang maprotektahan ang taong mahal mo.

Nagbayad na rin ako. Nagsimula na akong maglakad paalis. Pero sinasadya kong bagalan ang lakad ko. Nagdadalawang isip parin ako kung sasabihin ko.

Whatever. Bahala na.

"I miss you. So much." Mahina at taos puso kong sabi. Alam kong narinig niya yon.

Kaya okay na sakin to at least nasabi ko na. Aalis na sana ako pero di ko inakalang may sasabihin din siya.

"I miss you too. Miss na miss na kita. Sobra." Napahinto naman ako dun. Damn. Her voice cracked. Umiiyak ba siya?

Lumingon ako sa kanya. At oo nga paiyak na talaga siya. Lumapit ulit ako.

Bahala na kung meron mang makakita saamin at ma-iissue to bukas.

Edi mabuti. Bye two years.

Pero ayaw ko rin namang masayang ang sakripisyo ni Nutella para sa pangarap namin. Sa pangarap ko.

"Tsk. Don't cry. We still have two years to go." Sabi ko sabay bigay ng panyo na alam kong alam niya.

Bilisan mo na Josh baka may dadaan.

"All this time. Palagi ko yang dinadala. Pero di ko ginagamit." Pinunasan ko ang nangingilid niyang luha.

Siguro naawa ang tadhana saamin kaya wala talagang tao ang dumaan simula kanina pa.

"T-two years." Naiiyak na sabi niya.

Gusto ko siyang halikan pero pinipigilan ko sarili ko.

Love naman wag kang umiyak. Matatapos rin ang lahat ng 'to.

"I'll wait for you." Binigay ko na ang panyo sa kanya at tuluyan ng umalis.

Sana naman wag siyang mag-isip ng kung ano ano.

Siyang naman ang mahal ko eh. Siya lang. Wala ng iba.

Binilisan ko na ang lakad ko at nandito na ako sa tapat ng condo building.

Condo building niya.

Tinignan ko lang ito for five seconds at nagpatuloy na papunta sa condo building na palagi naming pinupuntahan. Katabi lang naman sila.

Alam kong bumalik na siya sa dating condo building niya.

Paano ko nalaman?

I kept in touch with Snickers. This whole year parang si Snickers messenger namin. Yun nga lang di alam ni Nutella.

Sabi lang naman nya "Don't contact me" eh so pwedeng icontact kuya niya.😁

Sabi ko kay Snickers na wag sabihin kay Nutella baka ipapablock ako sa kanya.

Alam ko ring pumupunta siya sa concerts, mall shows at events namin.

Hindi naman sinabi ni Snickers saakin 'to. Nakikita ko lang talaga siya kahit na maraming tao. Ewan ko ba pero alam kong siya yun eh.

Kahit naka disguise pa siya. Alam kong siya ang Nutella ko.

Hindi ko rin sinabi kay Snickers na alam ko, baka sabihin niya kay Nutella no edi di nayon pupunta. T___T

Arranged with the Bully {Josh FF} (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon