Chapter Ten: Fast talk

416 33 20
                                    

His POV

Nandito kami sa isang mini event kung saan magpeperform kami ng Tilaluha at sasayaw ng covers.

May nakikita kaming mga fans na kumakaway kaway saamin. Mga trenta ata to sila. Hala andami na nila ah. Dati lima lang meron eh.

Nakakaoverwhelm naman ito.

Habang nagpeperform kami dito ay may napansin akong familiar na mukha ngunit nasa labas siya. Wala siya dito sa loob ng event.

Tumalikod ako ng konti dahil kailangan mag change position pag tingin ko ulit dun eh wala pala.

Namalikmata lang siguro akong nakita ko si Nutella.

Dalawang taon narin ang nakalipas simula nung huling nakita ko siya.

Nagfocus nalang ako sa kanta at sa fans namin.

Pagkatapos ng performance namin ay merong mini fanmeet. Kung saan tuwang-tuwa naman kaming lima dahil napasaya namin ang aming fans.

"Gutom." Sabi ni Ken pagkatapos ng fanmeet.

"Oo nga." Sang-ayon ni Jah sabay akbay kay Ken.

"Ok! Let's eat since today the event is successful!" Sabi ni sir Robin saamin dahil nag sumbong pala si Stell ng pabiro na nagugutom kami. Sineryoso naman ito ni sir Robin.

Hala nakakahiya naman kay sir Robin. Binatukan ko sina Jah at Ken at nag poker face.

"Hoy! Kayo talaga!" Sabi ko sa kanila.

"Sir Robin I know a place. It's cheap but the food is very yummy." Sabi ko kay sir Robin para makatipid rin kami. Di pa kami sikat pagkatapos gastos kami ng gastos nakakahiya naman. Sumang-ayon naman si sir Robin at kumain kami sa isang karinderya.

Pagpasok namin doon ay si sir Robin at teacher yung pinagtitinginan ng mga tao.

Alam nyo naman ang pinoy medyo naiignorante talaga pag nakakakita ng foreigner.

Gaya nga ng sabi ko di kami sikat kaya walang nakakakilala saaming lima.

Pumasok kami dun at pumili ng makakakain.

Habang namimili kami ay may bumangga sakin na babae sabay nag sorry.

"MYGAHD KUYA SNICKERS! Oo nga pupunta na! Ba't ka ba nandito sa Manila?"

Nagloading pako konti dahil gutom rin ako pero narinig ko ang salitang 'kuya snickers'

Dali-dali akong lumingon kaso nawala na yung nagsabi nun. At alam kong si Nutella yun dahil isa, ilan bang tao sa pinas ang merong Snickers na pangalan at pangalawa... Boses niya yun.

Dalawang taon na ang nakakalipas pero alam kong boses niya yun.

Yun tipong biglang nagrefresh yung utak mo't naalala mo nalang bigla.

Pagkatapos naming kumain bumalik na kami sa studio para mag practice.

Another months went by ayun lang routine namin.

Mini events-Mini fanmeets-studio-photoshoots-kain-tulog-practice

Sa ngayon nag shoshoot kami ng mga contents for our vlog.

At malapit na naming irerelease yung bagong kanta namin na Go Up.

We didn't expect much. Malapit na kaming sumuko dahil andaming nagbabash saamin pero kumakapit parin kami para saaming fans at syempre, para saaming pangarap.

Yung na release na ang Go Up. Di namin aakalaing sisikat ito. Mas madami na ang nakakakilala saamin. Akala namin di tatanggapin ang musikang eto dahil medyo bago talaga ito kumpara sa musika natin dito sa Pinas.

Arranged with the Bully {Josh FF} (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon