Chapter Eight: Water Delivery

413 31 7
                                    

His POV

Nandito na kaming Se-Eon sa Batangas, actually limang araw na ang nakalipas.

Ang sarap ng hangin dito.

I mean napakapresko ng hangin.

Di pa kami nakapag taping kaagad dahil pina-polish pa namin yung steps.

Hahanap sana ako ng part time job dito pero sobrang busy pa talaga.

"Stell kailan ba tayo di magiging busy?" tanong ko sa kanya, naintindihan naman niya ako kaagad na gusto kong makahanap dito ng ma-raket.

"Simula bukas daw eh morning nalang practices natin. Di katulad nung mga nakaraang araw na wholeday talaga." Explain niya.

Natuwa naman ako sa balitang 'yon.

"POLISH NA ULIT TAYO GUYS PARA MAKAPAGTAPE TAYO NG MAAGA!" sigaw ni Keith sa amin at ayun nag practice ulit kami ng covers.

×KINABUKASAN×

Tanghali na ngayon at tapos na yung practice namin kaya naisipan kong maghanap ng maraket dito.

Kung sakali mang mawala ako tatawagin ko nalang si Stell para hanapin nila ako hahahahaha.

Mabuti nalang pala di ko kailangan lumayo dahil sa harap ng dorm na tinutulugan namin eh mayroong water stations.

WANTED TAGA DELIVER NG TUBIG

Pumasok ako dito at nagtanong kung may requirement bang ibibigay. Tinignan niya lang ako at tinanong san ang id ko pinakita ko naman sa kanya.

"Okay pwede kana iho." Sabi naman nung lalaki na medyo may edad na.

"Eto oh ideliver mo to dito sa address na ito." Sabi niya sabay sulat ng address at binigay eto saakin.

Sampung gallon ng tubig. Hala paano ko ba to ideliver? Magtatanong sana ako kaso nagsalita ulit siya.

"Sama kayo nitong anak kong si Peter sa pagdeliver. Siya mag drive pero ikaw mag bubuhat ng mga tubig ha bawal kasi 'tong magbuhat ng mabibigat eh." Dagdag niya. May pickup naman pala.

Ayun nag drive na nga si Peter at sinabi ko lang sa kanya yung address na sinulat ng papa niya.

Mabuti na rin tong ganito at least di ako mawawala dito sa Batangas.

Pero para sigurado in-on ko yung location settings ko at sinabi ko kay Stell kung anong gagawin ko.

Nagbiro pa ang baliw eh sabi ba namang 'okay babe ingat, I trust you naman eh'
Natawa naman ako sa kanya.

"Nandito na tayo kuya Josh." Sabi ni Peter.

Tumango naman ako at bumaba sa front seat para buhatin yung mga gallon.

Tatlong gallon pa nababa ko pero tumigil muna ako.

Pano kung walang tao? Edi nag effort pa akong ibaba 'tong mga to.

Bumalik ako kay Peter at nagtanong.

"Peter itong sampo ba talaga sa bahay nato ibibigay lahat?" Tanong ko.

"Opo kuya. Araw-araw silang nag oorder eh. Binebenta rin kasi nila yung iba." Sabi niya.

"Eh ba't di nalang sa inyo bumili yung iba?" Nacurious kong tanong.

Hay nako Josh ang chismoso mo naman.

"Binebenta daw nila ito sa mas malayo pa po dito eh. Tapos sabi ni papa hanggang dito lang kami ng layo." Explain ulit nya.

Arranged with the Bully {Josh FF} (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon