Chapter Eleven: Met Again

383 29 1
                                    

His POV

-After guesting sa TWBA-

Nauna ng umuwi sina Sejun, Ken at Jah. Eto namang si Stell kanina pako kinukulit.

"Ehem miss pala haaaa!"
"Mukhang maagang mawawalan kami ng charismatic member!"
"Ayaw talaga akong pansinin!"

At marami pasyang sinasabi. Di ko sya pinapansin. -__-

"Sumbong kay Sir Robin or papansin mo ko?" Banta nya.

Napabuntong hininga naman ako. Ayaw ko pang mawalan ng trabaho.

"Ano bang gusto mo Stell?" Pagsukong tanong ko.

"Ayon! Sumagot rin. Ba't Nutella nasabi mo ha? Diba sya yung Nutellang nangseen? Nutellang nakasama mo sa pamimigay ng flyers noon? Nutellang nakakita mo sa Batangas at pinagdedeliveran mo ng tubig? Sya ba Nutella ha Josh?!!!!" Sunod sunod nyang tanong.

"Parang girlfriend ka naman kung makatanong." Sabi ko.

Wag na kayong magtaka kung paano nya nalaman kahit di ko sinasabi sa kanya. Kasi kahit ako nagugulat nalang rin.

"Wag na wag kang mag change topic Josh!" Banta nanaman nya.

Ang hilig talaga nyang magbanta saakin. -___-

"Di ko alam nasabi ko lang yun. Tsaka spread naman tinutukoy ko." Depensa ko.

Tinignan lang ako ni Ajero.
Alam kong di siya naniniwala saakin pero tumango nalang sya.
Tumango nga pero ngumisi parin  -___-
Alam ko rin naman pati sa sarili ko na sya ang tinutukoy ko.

Ito naman kasing si tito Boy. Akala ko tapos na eh. May pahabol pa na fast talk ang bilis pa ng tanong di tuloy ako makaisip ng ibang sagot.

Umuwi na si Stell at pati ako ay umuwi narin. Pupunta pa kami g studio bukas para mag practice at mag shoot ng content para sa showbreak namin.

Weeks passed by...

Nag live kami ngayon sa facebook. November 2, 2019. Nag announce kami na A'Tin yung tawag sa kanila. Sa mga fans namin na walang tigil na sumusuporta saamin.
A'Tin yung fandom namin. Inexplain narin namin dito sa live kung bakit A'Tin.

At after nun ayon usual practice ulit.

Naghahanda kasi kami sa aming next single song na Alab eh.

Sobrang busy namin at minsan nalang akong nag fe-facebook. Kung kailangan lang talaga.

Di ko narin nabibisita ang feed ni Nutella. Teka nga ulit. Ba't ba sumisingit siya sa utak ko?

After weeks passed by again.

Narelease na rin namin yung kanta naming Alab. At this time mas nakilala na kami ng mas maraming tao.

Naghahanda na kami ngayon para sa nationwide free concerts namin at saka sa pupuntahan naming events.

Her POV

- Alab Era -

"Hoy bruha pakibilisan male-late kana." Sabi ni Mary Belle saakin. Naka earphones ako't nasa bag ko ang cellphone ko at ngayon nasa labas na ako ng airport.

"Nandito na ako sa labas mumsh! Excited? Miss mo na 'ko no?! Nagkita naman tayo kahapon ah?" Change topic ko sa kanya.

"Alam mo NJ yang dinadaldal mo ilakad mo nalang or mas bet kong tumakbo kana." Sabi niya.

"Naka-heels ako!" Sigaw ko, nagtinginan naman mga tao. Nagsorry ako sa kanila. Hehehe.

"Akala mo di ko alam? Naka heels rin ako bruha pero di ko sinisigaw. Kahiya ka. Ikaw flight attendant sa flight ngayon nauna pa mga pasahero mo!" Sermon niya saakin.

"ABA! FREE DAY KO NGA DAPAT NGAYON IH!" Sigaw ko na pabulong. Baka kasi pagtitinginan ulit ng mga tao.

"Ngayong umaga lang akong sinabihan halur ginising pa ako eh ano." Parinig kong sabi sa kanya dahil siya yung gumising sakin. -__-

"Aba! Inutusan lang din ako friend. Wag kang gigil dyan ghorl." Natatawang sabi niya.

Palibhasa after three hours pa flight nya. -__-

"Ikaw nalang kaya sa flight ko tas ako sa flight mo?" Sabi ko.

"Oo para tayong dalawa mawalan ng trabaho no?" Sabi niya.

Paakyat na ako ngayon gamit ang escalator.

"Sino ba kasi ang wala ngayon?" Gigil kong sabi ko.

"Si Lea. May sakit daw anak niya. Nagsusuka. Ngayong madaling-araw lang sinabi." Sagot naman ni Mary Belle.

Understanding kasi airline namin basta emergency talaga kaya pwede syang mag absent at palitan ng isang flight attendant na free sa araw na yon.

Pero bawal yung sinabi ko kanina. Hehehehe. Yung Magchange kami ng flight. Masasanay raw kasi kami kung ganun eh.

"You won't be able to discipline yourselves. I know na pagiging late ang main reason nyan kaya we should not tolerate that."

Yan yung binitawan ng flight attendant na nagtrain saamin.

Nakarating na ako sa labas ng airplane at nakita ko si MaryBelle doon. Kumaway ako sa kanya.

"Nandito na ako mumsh." Sabi ko sabay hinihingal na lumapit sa kanya.

"Wow very good. Your plane will take off in 5 minutes pasok na bruha dapat ikaw nag a-assist sa loob eh." Sermon nya ulit saakin.

Nag pout lang ako at dumila sa kanya habang papasok ako sa airplane. Tumatakbo ulit ako. -__-

Mabuti nalang at wala akong nabanggan na pasahero.

Pumasok na ako ngayon dito sa eroplano at pumunta muna sa lugar na kung saan nagpapahinga kaming flight attendants na hindi nakikita ng mga tao. Pumunta lang ako dito para uminom ng tubig.

Mabuti naman pala may isa pa akong kasama na flight attendant babae rin. Habang bumabyahe ako kanina, sya yung tumutulong sa pasahero sa kanilang mga bagahe para ilagay ito sa overhead compartment.

Pagkatapos kong uminom ng tubig ay pumunta muna ako sa pilot para sabihin nandito na ako baka mag-aalanganin syang lumipad pag di niya alam na nandito na pala ako.

Tumulong na rin ako sa kasamahan ko at nag sorry sa kanya. Natawa naman sya at na amaze dahil di siya makapaniwalang tumakbo ako pero fresh na fresh parin.

May pasahero naman na kumalabit saakin.

Lumingon ako at ngumiti.

Pero napalitan agad ito ng gulat.

Tahimik lang kaming dalawa at gulat padin.

Pareho kaming may gusto sabihin pero walang nasabi.
Yung mga bunganga namin parin nagsasalita pero walang boses na lumalabas.

"Josh."

"Nutella."

Sabay naming sabi na walang boses. Gets ba? Hahaha.

Sabay rin naman kaming napatawa.

At kahit di pa sya nagsasalita eh kinuha ko na 'yong bag nya't nilagay ito sa overhead compartment na kung saan ay nasa ibabaw nya lang. Kasama nya pala ang SB19.

Sarap sanang ma-excite at magpicture sa kanila kaso gusto ko naman na professional ang tingin ni Josh sakin

TEKA NGA BA'T BA GANITO AKO NA PARANG DI NITA AKO BINULLY DATI.

Bigla namang bumalik lahat ng memories ko na binully nya ako't pinaiyak. -__-


Arranged with the Bully {Josh FF} (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon