Chapter Fifteen: Best gift

560 41 9
                                    

His POV

Napatingin naman ako sa katabi ni Nutella. Si Snickers pala. Nagfistbump kami. Ginawa ko pa naman syang boyfriend para akong ewan.

Parang may narealize naman si Nutella.

"Teka nga ikaw talaga?!" Sabi niya saakin.

"Oo bakit?" Sabi ko sa kanya at nag smirk.

"Ma! Pa! Bully saken yan eh! Tita alam niyo po napakabully nya sakin promise." Sumbong nya sa parents nya saka kay mama. Napatawa naman ako dun.

"Luh tumawa ka? Saksi si kuya ma malapit niya ako pinaiyak. Ay hindi pala. Pinaiyak talaga! Tapos i-aarange niyo ang anak niyo sa isang bully? No offense tita ah hehehehe." Maktol niya tsaka nag pacute kay mama nung nag sorry siya.

"Nutella stop being childish nga nakakahiya sa tita Aldrene mo." Sabi ni tita sa kanya.

"It's okay. It's cute nga eh. At ikaw Josh ba't ka kase nangbubully ha?!" Sermon ni mama sakin at kinurot pisngi ko.

"Aray ma! Ba't sa pisngi!?" Reklamo ko habang hinahawakan ang pisngi ko.

"Ma! Bawal syang mag girlfriend no. Sikat po yan kahit bully. Dami nilang fans baka sasabunutan ako ng wala sa oras!"' Reklamo niya ulit.

"Nutella. Josh or Rafael?" Seryosong tanong ng mama niya.

"Sabi ko nga ma mas pipiliin ko nalang sabunutan ako ng fans nila." Pagsuko niyang sagot.

Sinong Rafael? Ex niya siguro or manliligaw or another i-aarrange sa kanya?

"Mabait ang A'Tin namin no!" Pagtatanggol ko sa A'Tin, magtatampo man sila pero alam kong di nila kami iiwan.

"Mahal ka nila halur natural magagalit sila sakin baka akalaing inagaw kita." Sabi niya at nag roll eyes sakin.

"Nutella! Manners! Yung kuya mo nalang nga awayin mo!" Sermon naman ng mama niya.

Napatawa naman ako.

"Naku sorry talaga mare ha may attitude talaga 'tong si Nutella." Sabi ni tita Rebecca kay mama.

How did I know her name? Sinabi na sakin ni mama ang name ng kumare at asawa ng kumare niya. But she never told me the name of the girl na magiging fiancee ko para daw surprise. At oo nga nasurprise talaga kami.

"Okay lang no ako dapat mag sorry eh nangbubully pala tong si Josh." Sabi ni mama.

"Hala ma hindi ako palaging nangbubully no." Pagtanggol ko sa sarili ko.

"Anong hindi? Anong tawag mo dun? Friendly fight?" Pilosopong tanong ni Nutella.

"Err cute nickname? Pero di naman na kita tinatawag na ganun ngayon no!" Sabi ko ulit.

"Bakit? Nahihiya ka pa eh sanay nakong ma-bully mo." Sagot nya saakin.

"Dahil.." Nag-aalangan akong sagutin siya. Pero napakakulit ng isang to ayaw'ng mag patalo.

"Dahil ano? Sabihin mo na!"
"Hoy bully sagot."

Tinitigan naman ako ng lahat.

"Dahil di ka na ganon. Di ka naman talaga mataba, chubby lang pero maganda ka parin. That is why I don't know how to approach you normally. Kaya kita binubully para makausap kita." Nahihiyang sabi ko but I look straight into her eyes. Seryoso rin yung pagkasabi ko nun.

Namula naman siya at hindi nakasagot.

Narinig kong parang kinikilig na ewan yung mama ko at si tita.

Si tito? Ayun nakikinig lang saamin this whole time.

Si Snickers ay nakangiti ng nakakaloko.

"Ayon! Si Josh lang pala ang makapagpapatahimik kay Nutella eh. Bagay nga talaga kayo bro." Sabi niya saakin.

Arranged with the Bully {Josh FF} (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon